Play-XII

12.3K 279 21
                                    

"There is nothing wrong with just a taste of what you wished for..."

***
Darker Shade

"GOOD morning, everyone! I am so happy! Tapos na ang pagiging dora the explorer ko!" binalubog ng boses ni Gret ng buong HR department nang makapasok ito. For the past few days she hasn't been present because of field work.

"Me too. I'm back!" Camille seconded what Gret said when she also came right after Gret's entry.

"Salamat naman, may kahati na ako sa trabaho," inurong naman ni Annie ang kanyang swivel chair sa desk ni Gret upang ilapag ang folder na hawak niya at ganoon din para kay Camille.

"Oo nga pala, may trabaho pa tayo rito," parang nalungkot naman ang boses ni Gret nang makarating ito sa desk niya't inabala ang folder na ibinigay ni Annie.

"Oh?" nang makarating si Camille sa desk niya na katabi lang din ni Annie ay napahinto siya. "Nagpalit k aba ng shade ng lip stick mo?" biglang tanong ni Camille.

"Oo nga, matte na pink ka lang always ah," napansin din ni Gret.

"Ah, mga regalo ito sa akin tuwing may exchange gift. Nakatago lang kaya ginamit ko na," tugon ni Annie.

"Sabagay, mas bagay sa 'yo ang red or maroon. Maputi ka at daring ang mukha. Sana all talaga," nang makaupo naman si Camille ay napa-stretch na lang siya bilang paghanda sa trabaho niya ngayong araw.

"May meeting tayo mamaya, huwag niyong kalimutan," bigla namang nagsalita si Jerome na kanina ay tahimik lang.

Samantala, ang tahimik na opisina naman ni Freed ay biglang binulabog ng kapapasok na si Laila. Hawak nito ang bag niya pati na rin ang lalagyanan ng kanyang laptop, mukhang mayroon na naman itong tratrabauhin sa labas.

"Sir Freed, idadaan ko lang sana itong evaluation for promotion. I have recommended employees for some position including mine," nilahad naman agad ni Laila ang envelope na brown kay Freed nang makalapit ito sa kanyang table.

"I see. You're leaving your position already," there is a bit disappointment in Freed's voice. Ayon kay Freed, isa sa mga maasahang empleyado ng kompanya si Laila. And it is great loss if someone like him will leave the company.

"You're recommending Annie De Vera as supervisor? Isn't this against the implied rule of the company in terms of promotion?" Freed wanted to confirmed.

"Alam kong may staffs pa kami sa HR na mas matagal nang nagtratrabaho ro'n. I consulted some of them before pero sabi nila mukhang ayaw na raw nila mag-handle ng mas mahirap na posisyon. So I tried to base this one according to qualification. International title holder si Miss Annie at tapos na rin niya ang Masterals niya. She's got titles including her being a CPA."

Napatango naman si Freed at pakunwaring tinignan na lamang ang attached documents para sa profile ni Annie kahit alam naman niya ang laman ng lama ng ito. Isa sa mga bagay na hinangaan ni Freed kay Annie ay ang mga narating nito, though Freed still got more title than Annie. Freed is CPA or Certified Public Accountant and CMA or Certified Management Accountant which is accredited internationally—mga titulong nakuha rin ni Annie. He learned accounting because he didn't want to trust all the accountants in their company. He's also a graduate at MBA School. Ilan lang ito sa mga natapos ni Freed. 

"Well, if this is your opinion then I am going to trust it," sinarado ni Freed ang folder at nilapag sa lamesa. On the back of his mind, he is smiling.

Though, he doesn't bother on giving Annie another position to make her work closer with him. But that would be against her pride. Sino naman magaakalang mapapabilis ang balak niyang iyon? Luck is on his side this time.

Freed's Playroom  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon