"The world is a chain of hatred..."
***
Dandelion of SoulsPASULYAP-SULYAP si Freed sa batang babaeng naglalaro ng mga bagong biling Barbie dolls. Napansin niyang magkakasunod na apat na araw na itong nagpupunta rito upang maglaro. Siya pa lamang ang batang umulit na nagpunta rito. Sa mga sandaling pagnakaw niya ng titig ay unti-unti niyang naiguguhit ang hugis ng mukha nito.
"Wah!" nang biglang lumakas ang hangin mula sa bukas na pintuan papuntang veranda ay napamangha ang batang babae at tumakbo papunta ro'n.
"Ayaw mo lumabas?"
Nakatungo lang naman si Freed at natahimik. Hindi kasi ito pinapalabas ng mga magulang niya kaya naman ang mga batang katulad ng babaeng ito ay pinapapunta na lamang nila sa mansion.
Napansin ng batang babae na parang hindi makasagot si Freed kaya hindi na niya ito pinilit.
Kinabukasan, inabangan ni Freed ang nakatakdang oras na muling pagbalik ng batang babae upang maglaro.
Pagbukas ng pintuan ay nakita niya si Lee na ihahatid sa loob ang batang babae. Napansin niyang may hawak itong maliit na paso na may bulaklak.
"Hihihi!" bumungisngis sa tawa ang bata nang makapasok siya sa loob.
"Nagdala ako ng flowers para sa 'yo kasi hindi ka lumalabas," aniya at nilapag ito sa sahig upang titigan.
"Naririnig kong Freed ang tawag sa 'yo ni Lee, Freed ang pangalan mo 'di ba? Ako si Sara! Isa ako'ng prinsesa!" umikot pa ito upang ipakita ang bago niyang bestida.
"Ikaw si Freed! Ikaw ang prinsepe!" nagulat naman si Freed nang bigla siyang hinatak ng bata. Kamuntikan na itong matumba ngunit nabalanse niya ang katawan nang magsimula silang tumalon-talon at umikot.
Freed smiled for the first time with a friend.
***
"SIR!" Levi's panting voices interrupted Freed's thoughts while staring at the drawings he made on the wall of this small confined room.
"Akala ko po ay umalis na kayo nang wala ako, pasensya na po," kalmadong saad ni Levi. Napansin nito ang pagtahimik ni Freed, napagtanto niyang nakamasid ito nang maigi sa mga drawing ng isang babaeng nasa pader.
"How do you think would this girl look like now, Levi?" he suddenly asked.
Humakbang si Levi palapit kay Freed at tinignan din ang maraming drawings ng isang babae. If his contemplation isn't wrong, the first drawing is a kid—about 10 years old.
"I stopped drawing her face at 20 years old. How would she look like in her 30s?"
Nang inilibot ni Levi ang mga mata niya sa buong silid ay puno talaga ito ng drawings ni Freed sa mukha ng batang ikwinento ng Tatay niya sa kanya.
"The real face is only the first ones. The rest are just my predictions on how would she look like. I tried to draw her face as I get old...every year, I draw her face...but I stopped ten years ago. Now how would she look like as a thirty-year old woman?"
"I guess, I'll have to draw one for the last time..." he gasped.
"Bakit...po n'yo ginuhit ang mukha niya?" nagkaroon naman ng lakas ng loob upang magtanong si Levi.
"...Because I want to remember the face of the person who betrayed me. I've got nothing but hatred to this kid. She was lucky enough to be dead because if she's alive then, I'd destroy her life," tumalim ang mga titig ni Freed sa mga drawings na ikinagulat naman ni Levi.
BINABASA MO ANG
Freed's Playroom [R-18]
RomanceSINFUL SECRETS #2 Freed Eravido has a gentle personality which makes him a total package as an ideal type of boss. On the evening of his birthday celebration, Annie drank to her heart's extent as she couldn't forget how her ex-boyfriend cheated on...