Play-X

12.5K 300 35
                                    

"Everything you see isn't everything it means..."

***

Lone Kid

NAPAUNAT si Annie nang sa wakas ay natapos niya ang kanyang trabaho. Napatingin siya sa orasan, malapit nang mag-7 pm at sobrang over time na ang kanyang na-render. Mag-isa na rin siya sa kanilang department. Nang biglang napadungaw si Annie sa folder na nakalapag sa lamesa ay naalala niya ang habilin ni Jerome sa kanya na kasama niyang nag-overtime pero bigla itong nagmadaling umuwi.

Pinakiusapan siya ni Jerome na idaan kay Freed an gang dokumentong iniwan nito, pero dahil gabi na ay palagay niya ay nakauwi na ito. Nang maayos niya ang mga gamit ay dinampot niya ang dikumento at nagtungo sa opisina ni Freed ni Freed ngunit wala namang tao ro'n. Bukas naman angi ilaw at aircon pari na rin ang PC nito.

Dahil naiinis pa rin si Annie sa kanya ay naisipan niyang ilapag ang folder sa lamesa nito. Mabuti na lang nitong mga nakaraang araw ay hindi niya ito nakikita sa opisina kaya nakapagpahinga ang inis nito sa kanya.

Akmang patungo n asana siya sa pintuan upang lumabas ay napansin niya ang pintuan sa CR na medyo bukas.

"Tch. Sir Freed, iniwan ko po 'yung folder sa mesa niyo for audit," sigaw ni Annie dahil tingin niya ay nasa CR ito dahil bukas ilaw ro'n. Pero hindi ito sumagot.

Bigla namang kinutuban si Annie o inatake ng kanyang pagkapraning kaya naman naglakad siya papunta sa tapat ng CR. Tinulak niya ito nang dahan-dahan at nagulantang na lang siya nang makita niyang nakaupo si Freed doon na nakayuko lang.

Dahil sa kabang naramdaman ay tumakbo siya upang lapitan ito. Nagulat siya nang maramdaman ng palad niya ang kakaibang init nito. Mayroong malay si Freed ngunit napipikit ang mga mata niya at parang hindi makapagsalita kahit ano'ng yugyug ni Annie sa kanya.

"Sir?" dahil hindi na ito sumasagot at inalalayan ni Annie itong tumayo at dahan-dahang pinahiga sa couch. He looks weak and he's far from the Freed she always see..

"Levi..." he said in a very low tone.

"Dadalhin ko na po kayo sa hospital, Sir..." nag-aalalang sabi ni Annie pero hinawakan ni Freed ang kamay nito nang mahigpit.

"Just call Levi," pakiusap naman nito sabay tingin sa gawi ng desk nito. Nagpunta ro'n si Annie at kinuha ang cellphone ni Freed.

"Just press 1," utos ni Freed. Nasa speed dial 1 ang number ni Levi kaya agad niya na nag-ring ang number ni Levi. Bigla namang nagtaka si Annie na si Levi ang nasa speed dial number 1 nito dahil ang mommy niya ang nasa kanya.

"Hello, Sir," agad namang sumagot si Levi.

"Ano, si Sir Freed nilalagnat..."

"I'll be there, please don't leave him alone," natatarantang sabi ni Levi saka ibinaba ang tawag.

"Just leave. I can manage until Levi will come," nagsalita naman si Freed habang nakapatong ang isang kamay niya sa kanyang ulo.

"Sabi n'ya huwag daw kita iwan."

"I don't need anyone. I can handle myself," malamig na boses ang pinakawalan nito.

"Okay, fine. Aalis na ako total hindi na kasali sa paid hours ko ang pag-stay ko rito," nagkibit-balikat naman si Annie at naglakad muli patungo sa pintuan.

Lumabas siya ng silid na naiinis pa rin. Pagdating niya naman sa tapat ng elevator ay napahinto siya.

"Nasa'n 'yung bag ko?" napatingin siya sa sarili. Mariin siyang napapikit dahil nais niyang sapakin ang sarili dahil hindi man lang niya naalalang damputin ang bag niyang naiwan niya sa office ni Freed.

Freed's Playroom  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon