Play-XXIII

9.1K 253 16
                                    

"Thou shall not forget thy sins..."



***

Mirage and Scar

    "BUT if he insist on meeting me in person, I can go to Japan tomorrow," napatayo si Freed mula sa kanyang swivel chair at nagtungo sa harapan ng mga babasaging bintana.

    Kanina pa niya kausap si Levi ukol sa project ng Larcain na hindi pa rin nase-settle hanggang ngayon, he was forced to face work during weekends.

    Napakunot-noo naman si Freed nang matanaw niya si Annie na nag-i-stretch sa tabi ng pool. He remembered he told her to rest a while ago but that doesn't seem to be the case now.

    "Alright, Levi. Sorry to make you work during weekends too. I'll wait for your response," aniya sabay binaba ang tawag.

    Freed went down stairs to the pool where he saw Annie.

    "What are you doing?" he asked. Nang lumingon sa kanya si Annie ay bigla itong ngumiti. "Lagyan mo nga ako ng sunblock, 'di ko maabot likod ko," nilahad naman nito ang lotion imbes sumagot siya.

    "Hindi ba dapat nagpapahinga ka?" sinundan ni Freed ng tingin si Annie na umupo sa beach chairs at dumapa ro'n.

    "Bakit mo ba ako pinipilit magpahinga?" reklamo ni Annie. "Are afraid that I might now be able to have sex with you tonight? Don't underestimate me," she smirked.

    Napailing na lang si Freed na humatak ng stool at sinimulang lagyan ng lotion ang likod ni Annie. He spreads some of it on her back down to her waist. Then something caught her attention. He saw a scar near her waist which follows a straight line. "What's this?" he asked.

    "Ah, are you touching that scar?"    

    Napatingin muli si Freed sa nahawakan niyang peklat sa likod nito.

    "Hindi ko alam paano ko 'yan nakuha eh. Sabi ni Mommy naaksidente raw ako no'ng bata ako. Well, wala ako masyadong maalala no'ng bata ako eh. Makakalimutin kasi ako," bumingisngis pa ito sa tawa.

    "Okay na, thanks!" bigla naman itong bumangon at lumapit sa pool upang ipagpatuloy ang kanyang pag-i-stretch.

    Freed's house is like a mini resort for Annie. Bukod sa malawak ang bahay niya't maraming libangan ay pinaka paborito niya ang pool nito. Para siya nakapag unwind nang wala sa oras.

    Pag-ahon niya mula sa pagsisid ay nakita niya sa Freed na nag-dive na rin sa pool.

    "I thought you were working," lumangoy naman palapit si Annie kay Freed.

    "Yeah but Levi will take over."

    "Let's have a race," mungkahi ni Annie.

    "Hinahamon mo ba ako?" pinagtaasan ng kilay ni Freed si Annie.

    "Okay, if I win, I will touch you, but you win?"

    "I will take your rice cooker."

    Napawi naman ang ngisi ni Freed dahil bigla na lang nanghingi ng ibang bagay itong si Annie.

    "R-Rice cooker," naningkit ang kanyang mga mata habang tuwang-tuwa si Annie.

    "Kumakanta kasi kapag luto na 'yung kanin. Hehe! Ano, game?"

    "Fine," iritang saad nito at lumangoy papunta sa dulo dahil doon sila magsisimulang maglangoy papunta sa kabilang dulo.

    "I will get that rice cooker!" determinadong saad ni Annie which Freed finds it creepy.

Freed's Playroom  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon