"Live on to see the horizon...even if it's too far away to reach."***
To Breathe AgainHABANG abala si Annie sa kanyang trabaho sa kanyang computer ay napadungaw siya sa orasan sa dingding. It's almost time for her to see the director in his office dahil matagal na naman bago niya ulit ito mahagilap. Isang matandang traveler pa naman iyon at madalas out of town siya.
Tumayo si Annie at kinuha ang isang folder sa loob ng drawer niya at nagmadaling umalis ng silid.
She went straight to the elevator to go up one floor because that is where the director's office is.
Sinalubong siya ng ngit ng front desk assistant nito at dumiretso siya sa hallway patungo sa silid niya. Kumatok muna siya bago pumasok.
Nang makapasok siya ay nakita niya si Director Shin na nakaupo at kausap ang isang lalaking hindi niya inaasahang madadatnan doon.
"Miss Annie!" galak namang nakita ni Director Shin ito. Hindi nagbaling ng tingin si Freed sa kanya.
"Ah, good morning, Sir. Ipapakita ko lang po sana itong...r-report," she felt nervous as she approached them.
Nilapag naman ni Annie ang folder sa mesa at kaagad umatras. "I'll come back later, sir..."
Bumigat ang mga yabag ni Annie habang patungo sa pintuan, umaasang tatawagin siya ni Freed bago lumabas ngunit nakalabas na siya ng pintuan walang naririnig na kahit ano mula sa kanya.
Napakagat na lamang siya sa labi habang palakad palayo. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Walang kailangan si Freed sa kanya at malamang hindi na siya nito gusto pang makita.
Annie didn't go back to her office but she went to the HR Department only to see Gret alone there.
"Yo!" bati nito sabay alis ng cookie na nakakagat sa labi niya. She ran towards her and hugged her. Napangalumbaba pa sa sahig si Annie nang yumakap siya kay Gret at yumuko sa hita nito.
"Bakit?" napatigil si Gret nang umiyak si Annie nang malakas.
"Ang sakit pa rin pala, hindi pa talaga okay. Akala ko tanggap ko na ang lahat," napahagulgol pa ito. Hinagod ni Greta ng likod ni Annie upang patahanin ito.
"I heard he's here," napabuntong hininga si Gret.
"Oo! Nandito siya, ni hindi niya ako tinignan bwiset!" pag-angat ni Annie ng mukha niya ay nagulat si Fret dahil tumulo ang mascara niyang.
"Girl, sana naman nag-water proof mascara ka, ang pangit mo oh," saway ni Gret sa kanya na mukhang hindi naman ininda ni Annie.
"Oh? Ano'ng ginawa mo sa boss natin!?" napatingin silang dalawa sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa si Camille at Jerom na mukhang nagulat sa hitsura nilang dalawa.
"Wala, nag-e-emote lang. Panay K-drama eh, 'di maka move on sa scarlet heart ryeo," dahilan ni Gret.
"I feel you, hanggang ngayon umiiyak pa rin ako diyan," mukhang napaniwala naman ni Gret si Camille. "Ah, oo nga pala, nakalimutan ko tuloy 'yung sasabihin ko. Dumalaw si Sir Freed ah. Pero umalis din siya..."
Nagtinginan bigla si Annie at Gret.
"Umalis na? Ba't ang bilis?" napatayo si Annie.
"Ewan ko, bakit? Hindi mo nakita?"
Ilang segundong napaisip si Annie, 'di nagtagal ay bigla siyang tumakbo palabas ng silid na ikinagulat nilang lahat.
"Hindi mo ba siya hahabulin? Baka mapagkamalang nagdrodroga?" nag-aalalang sabi ni Jerome kay Gret.
BINABASA MO ANG
Freed's Playroom [R-18]
RomanceSINFUL SECRETS #2 Freed Eravido has a gentle personality which makes him a total package as an ideal type of boss. On the evening of his birthday celebration, Annie drank to her heart's extent as she couldn't forget how her ex-boyfriend cheated on...