"One can be strong after defeating their self..."
***
Test for CourageMARAMING na-excite nang i-announce kaninang breakfast time ang buong event ngayong araw—iyon ay ang Treasure Hunting. Ang meeting place para sa event na ito ay ang labasan ng gubat malapit lang din sa resort. Excited si Annie na nagtungo ro'n kasama nina Gret.
Nadatnan nila ang mga katrabaho roon na mukhang sabik na ring simulant ang Treasure Hunting. Kailangan nga lang nilang hintayin ang dibisyon ng grupo at ang instructions para makapagsimula.
Nag-ingayan silang lahat nang parating na ang mga Facilitators.
"Are you ready?" sigaw ni Shana, ang leader ng mga facilitators.
"Huwag na nating patagalin! Pero bago ang mga rules ng Treasure Hunting ay gusto ko lang ipaalam sa inyo ang premyo kapag makukuha ninyo ang treasure na itinago naming sa gubat na ito..." Shana's joyful voice excites all of them.
"The prize for this Treasure Hunting is a free trip to korea plus cash prize! Tumataginting lang naman na fifty thousand pesos ang premyo!"
Tuwang-tuwang nagsitalonan sina Annie, Camille at Gret nang marinig nila ang premyo.
"Gusto ko mag-korea please!" sigaw ni Gret na mukhang nakaipon na naman ng maraming energy.
"Now for the rules, we will divide all of the participants into pair. You have until this afternoon to come back here with the treasure. Hindi naming sasabihin ang hitsura ng treasure pero mayroon kaming ibibigay na hints dito sa papel na ito. You have to find the places that is being describe in here. Pagdating niyo sa huling lugar na narito sa papel, naroon niyo mahahanap ang treasure. But the challenge doesn't end upon having it. Since babalik pa kayo rito, maaring agawin ng ibang pair ang treasure. At ipapaalala ko lang, sa araw na ito, wala superior o junior o senior. You can always play smart among your seniors," umani naman ng iba't-ibang reaksyon ang pahayag ni Jerome.
"I will announce the pairs for this Treasure Hunting then," panimula ni Shana.
Annie stayed alert in case her name will be called. Medyo kabado rin siya kung sino ang kanyang kapareho dahil gusto niyang manalo at dapat ay kasundo niya rin ang kasama niya.
Isa-isang natawag ang mag kasamahan ni Annie maliban sa kanya.
"Whose name isn't called?" tanong ni Shana nang maubos na niyang sabihin ang mga pangalan sa kanyang listahan.
"A-ako po," nagtaas naman ng kamay si Annie.
"Sakto dalawa pala ang hindi natawag, Sir Freed at Annie kayo na lang ang mag-pair," napaawang ang bibig ni Annie pagtingin niya sa kabilang kumpulan ng mga tao, hindi niya alam na naroon si Freed.
"Late pala kasi si Sir Freed na nag-sabing sasali siya ano?" sabi naman ni Shana habang sinusulat sa papel ang pangalan ni Annie at Freed.
Walang may gustong gumalaw kina Annie at Freed, nagtinginan lang silang dalawa. Napansin ito ni Shana dahil hinihintay nilang magkadikit silang dalawa para sa susunod na anunsyo.
"Sir Freed?" panawag pansin ni Shana. Ngumiti naman ito at naglakad din papunta sa tabi ni Annie.
"Ito pala 'yung ibig sabihin ng itim na pusang nakita ko sa daanan kanina,"napahalukipkip si Annie sa pagakdismaya.
"I had nothing to do with this," paglilinaw ni Freed.
"Don't lose your papers because that will be your guide to the treasure. Don't lose the ribbons tied on your wrist, iyan ang palantandaan ng mga maka-team."
BINABASA MO ANG
Freed's Playroom [R-18]
RomanceSINFUL SECRETS #2 Freed Eravido has a gentle personality which makes him a total package as an ideal type of boss. On the evening of his birthday celebration, Annie drank to her heart's extent as she couldn't forget how her ex-boyfriend cheated on...