Chapter 5

68 20 0
                                    

"Oh my God! Thank you so much Uriel. Maraming salamat talaga." Paulit-ulit kong sabi.

"Walang anuman po Ma'am. Maganda po sa feeling na nakakatulong." Simpleng batid niya at pinunasan ang pawis niya gamit ang likod ng kamay niya.

Nakonsensya naman ako kaya kinuha ko ang panyo na nasa bag ko at ibinigay sa kanya. Nagulat siya nang inilahad ko ito bigla sa kanya. Tipid akong ngumiti sa kanya at tinanggap niya ang panyo.

"'Yong galawan mo Erelia, nahahalata namin." Malakas na bulong ni Xadrielle kaya nasiko ko siya nang wala sa oras dahil napalingon si Uriel sa amin. Halatang sinasadya para marinig ni Uriel ang kalokohan niya.

"Thank you po." Ani Uriel at pasimpleng yumuko na para bang nasa opisina kami.

"No Uriel, it's thank you." I smiled. "Kung hindi dahil sa'yo nawala na ang phone ko at hindi lang 'yon. Andaming bagay ang mawawala kung mawawala ito."

Ngumiti siya ng simple at napatingin sa panyo kong hawak niya. "Lalabhan ko na muna po ito at isasauli ko nalang sa opisina po, Ma'am."

"Drop the formalities Uriel." I chuckled freely. "Wala tayo sa office so you can talk casually with me. Drop the ma'am and such, nagmumukha akong gurang."

Napatawa ng mahina si Uriel at napakamot sa kanyang ilong. "Sige po."

"Gusto mo bang kumain? Ililibre kita. Alam kong napagod ka sa kakahabol sa snatcher na 'yon, kaya it's my way of saying my thanks." I offered.

"By the way, ano nga palang nangyari sa snatcher?" Biglang singit ni Deachy.

"May enforcer po na nakabantay hindi kalayuan dito kaya agad niyang nadakip ang snatcher. Sumuko naman ito at halatang may problema sa isip. Yun nga lang, menor de edad." Tugon ni Uriel.

"Nakakatakot talaga ang panahon ngayon. You don't know who's the angel and who's the devil. Alam niyo yun? Yung parang lahat ay maari ng gumawa ng krimen na para bang wala silang kinatatakutan. Pati batas hindi nila inaatrasan, ma bata man o matanda." Ani Deachy sabay iling.

"Yun na nga po eh." Pagsang-ayon ni Uriel.

"Kain tayo, sama ka." Baling ko kay Uriel. It's not a question but, obviously a statement.

"Ay wag na po ma'am." Batid niya at napabuntong hininga ako sabay ngiti, "I mean Erelia."

"Teka teka." Biglang singit ni Xadrielle. "Hindi ata ako na-inform na may taping dito o ano. Lakas maka-movie ah. From snatching scene to calling each other's names. Wow naman."

"Sana all." Sabay na sabi ni Xadrielle at Deachy kaya napairap ako ng wala sa oras.

"Malisyoso." Sabi ko sa kanila at bumaling kay Uriel. "Tara. Let me pay you for what you did."

"Wag na po. May gagawin pa po kasi ako. Salamat nalang po." Aniya.

"Sure ka?" Tanong ko.

"Opo." Yumuko siyang muli. "Mauuna na po ako sa inyo. Mag-ingat po kayo."

"Okay then, I'll just see you tomorrow." I smiled. "Ingat ka rin."

Tumango siya. "Isasauli ko nalang po ito bukas."

Tumango rin ako at kumaway sabay ngiti habang pinagmamasdan siyang lumayo.

"Ito na yun eh. Yung climax ng movie. Diba Deach? Feel mo?" Pang-aasar ni Xadrielle at napailing nalang ako.

"You are my destiny~" Pagkanta ni Deachy na halatang nang-aasar.

"Gutom lang 'yan te. Tara na." Pambabalewala ko sa pang-aasar nila at naunang maglakad.

 A Deferred AssetWhere stories live. Discover now