Chapter 28

39 15 0
                                    

"Huy ano yung sinabi ni Miss Cohn na absent ka raw sabi ni Sir Darxon?" 

Bungad agad ni Ishaani nang sabay kaming pumasok sa opisina. It's Monday again and as what Darxon's scheduled to do, wala siya sa bansa ngayon para sa isang event sa Singapore.

"Huh?" Naguguluhan kong batid at nakakunot ang noo nang bumaling sa kanya.

"Last Saturday sabi ni Miss Cohn hindi ka raw makakapasok dahil nga may sakit ka pa at tumawag sa kanya si Sir Darxon para sabihin iyon." Pagkaklaro  niya at bigla nalang akong kinabahan nang sinabi niya iyon.

Napalunok ako at naghahanap ng tamang salita na sasabihin, pero wala akong makita dahil hindi ko alam paano sisimulan.

"Umamin ka nga, may namamagitan ba sa inyo?" 

Doon na ako mas lalong kinakabahan dahil parang nakokonekta niya na ang mga detalye at sinasabi niyang si Sir Darxon ang taong tinutukoy ko nang sabihin ko ang tungkol sa manliligaw ko.

Sasagutin ko na siya pero biglang tumunog ang telepono ko. Agad ko namang kinuha ito at nakitang isang unknown number ang tumatawag. Sumilip si Ishaani sa phone ko at binigyan ako ng kakaibang tingin na ewan ko kung anong ibig sabihin. Kasabay nang paglabas namin sa elevator, sinagot ko ang tawag habang patuloy pa rin kaming naglalakad patungo sa cubicles namin. 

"Hello?" Bungad ko.

"Hello, this is Capitol Medical Center. Is this Erelia Raimondi?" 

"Ah opo, bakit po?" Ewan ko pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba matapos magsambit ng pangalan ng isang ospital.

"How are you related with Sandra Castaneda?"

"Mama ko po siya, bakit po?"

"Naaksidente po siya at kakasugod niya palang dito sa hospital."

"PO!" Hindi ko naiwasang mapalakas ang boses kung kaya't napatingin ang mga empleyado ng accounting department sa akin.

"Nagkaroon ng banggaan sa Commonwealth at isa siya sa napuruhan. Nakita ko sa recent calls mula sa phone niya at numero mo ang nauna doon kaya ikaw ang naunang tinawagan." 

My heart beats fast and the next thing I knew is that I picked up my bag as I rushed out of the department. Sinubukan pa akong habulin ni Ishaani at tinanong kung anong nangyari.

"If Miss Cohn will going to look for me, kindly tell her I went to the hospital. Naaksidente si Mama kaya kailangan ko siyang puntahan sa QC." Mabilis kong sabi kay Ishaani at hindi na hinintay ang sasabihin niya.

Sabay ang bilis ng tikbo ng puso ko sa bilis ng paglalakad ko at nang makahanap ako ng taxi, agad akong sumakay at sinabi ang destinasyon. Bahagyang natagalan dahil sa traffic pero nang makarating ako sa hospital, hinanap ko agad ang kinaroroonan ni Mama at nasa emergency room pa siya at kasalukuyang ginagamot ang sugat niya.

Naghintay ako sa labas dahil hindi ako maaring pumasok at umupo na lamang sa upuan roon at pinaglalaruan ang kamay ko. Hindi pa rin mawala ang kaba ko at tama nga ang hinala ko noong may tumawag at nagpakilala gamit ang pangalan ng hospital.

"Kaano-ano niyo po ang pasyente?" Tanong ng isang nurse na kakalabas palang ng emergency room.

"Anak niya po ako." Tugon ko at tumango siya.

Inilahad niya sa akin ang isang plastic na naglalaman ng mga gamit ni Mama kung saan nakapaloob ito sa kanyang bag. Nagpasalamat ako sa nurse na nagbigay at umalis na ito. Uupo na sana ako ulit nang biglang nakita ko ang isang lalaking biglang tumayo sa tabi ko at napatingin ako rito.

Agad naman akong humakbang ng isang beses upang dumistansya nang magulat ako sa biglaang paglitaw niya.

"Andito ka na pala." Tugon ni Tito Kris at tumango lang ako dahil parang naiilang pa akong makipag-usap sa kanya matapos ang lahat ng nangyari.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nailabas na si mama sa ER at inilagay siya sa isang ward. Sumunod naman kaming dalawa ni Tito Kris at siya na ang humawak ng bag ni Mama dahil may bag rin kasi akong hawak.

 A Deferred AssetWhere stories live. Discover now