"Okay ka lang po ba Miss Rei?" Tanong ni Uriel sa akin nang makasilong na kami sa labas ng building .
"Okay lang pero, basa na yung coat ko." Pasimple kong sabi at may inilahad siyang panyo.
"Ipunas niyo po sa sarili niyo." Aniya.
"Wag na, may panyo naman ako dito." Sabi ko at kinuha ang panyo ko na nasa bulsa ng blazer ko.
"Basa rin pala." Nahihiya akong tumawa nang inilabas ang panyo at nakitang basa rin ito.
"Kunin niyo na po." Tugon niya at tinanggap ko ang panyo na hawak niya at ipinunas sa mukha at sa braso ko.
"Pasok na tayo?" Anyaya ko matapos kong punasan ang sarili ko at tumango naman siya kaya sabay kaming pumasok sa loob ng building.
"Ang lamig." Bulong ko sa sarili ko nang makapasok na kami.
"Cafeteria nalang po muna tayo Miss rei, kakatime-in palang naman po. Just have a coffee to warm yourself." He said as if he heard what I whispered to myself.
"Okay." I said as I nodded and went with him inside the cafeteria.
"One Latte' please," I said to the cashier, "and yours?" I asked him.
"Wag na po, I'll pay for mine." Nahihiya niyang sabi but I refused.
"You declined the first time I offered to treat you. Kaya, this time, let me treat you." I patted his shoulder at wala na siyang nagawa kundi sabihin ang order niya at ako na ang nagbayad.
"Ano nga palang ginagawa niyo sa restaurant?" Tanong niya nang makaupo na kami.
"Uhm, I had a lunch with my mother." I casually answered. "Ikaw ba? Galing ka rin ba doon?"
"Hindi po. Sakto lang po na paglabas niyo ay malapit na rin ako sa restaurant. Kung hindi kayo tumakbo paalis, hindi ka po sana mababasa dahil malapit na rin po sana ako." Batid niya at tumawa ng mahina.
"Saan ka ba galing?" Tanong ko sa kanya.
"Sa condo, since may kinuha ako doon." Sagot niya.
"Malapit lang condo mo dito?" I continued asking.
"Opo, DZ Units. Just 3 blocks away, so malapit lang."
"So you have a unit there? You're maybe earning a lot dahil nakakaafford ka ng unit from DZ." I joked.
"You're earning more, than me po." He chuckled. "Actually, may discount naman po kasi employee ako ng DZ and I have my sister with me, so half-half kami sa babayarin."
"Ah kaya pala." Napatango ako at uminom ng kape. "Anong trabaho ng ate mo?"
"She's a flight attendant kaya madalas ako lang mag-isa sa condo. Para na ring ako lang din ang nakatira dahil twice or once a week lang siyang nasa condo." Kwento niya and sipped his coffee. We talked until I felt a little warmer and decided to went upstairs to start our work.
With that short conversation, I already knew a little bit about him. Like, he's from the province and he's the second in their family but the eldest son. May tatlo pa siyang kapatid na nag-aaral kaya tinutulungan nila ang mga magulang nila na tustusan ang mga kapatid nila. Medyo kaya naman rin daw dahil malaki-laki na rin ang sweldo ng ate niya, at kaya naman rin daw ng pera niya na magbigay sa pamilya niyang nasa probinsya.
With that, I couldn't hide my jealousy because I've always been dreaming of having a sibling. But, both of my parents are busy to provide me one hanggang sa naghiwalay na sila wala pa rin akong kapatid. Meron naman, pero sa ibang pamilya at ayokong makisawsaw na sa kanilang pader.
YOU ARE READING
A Deferred Asset
General FictionOne day, you'll realize my benefit to you. A Deferred Asset (The Accountant's Entry 1) by vvvvvqt All Rights Reserved 2020