Chapter 14

45 16 0
                                    


"Hello? Bigla pong nagstop yung elevator 3. Blackout ho ba? Nastuck kami ngayon dito sa elevator at ang dilim ho tapos ang init."

Sunod-sunod kong sabi matapos sinagot ng maintenance ang tawag ko mula sa phone ni Sir Darxon.  He's still shaking as if he's really scared of the dark,  I was still shocked because he suddenly hugged me tight.

"Inaayos na ho ma'am. Nagbrownout kasi, ngayon lang, at inaayos na po ang generator." Tugon ng lalaki na sumagot ng tawag.

"There's a monster in every darkness." Paulit-ulit niyang bulong sa sarili niya. Hindi ko alam kung paano ko papaganin ang nararamdaman niya, kaya hindi nalang ako gumalaw at hinayaan siyang yakapin ako kahit na kumakabog ang puso ko sa kaba. Parati naman ata eh kapag malapit siya.

Bigla namang tumunog ang tiyan ko at nahiya ako kaya lalayo na sana, pero hindi niya ako pinapakawalan sa yakap niya. Para akong nasemento sa posisyon ko at hindi makagalaw dahil sa nangyayari at hindi ko alam kung anong tamang gawin dito. Good thing, matapos ang ilang minuto ay gumana na ang elevator. Ibinuka niya ang mga mata niya at nagulat ako ng tinulak niya ako matapos niyang makitang niyayakap niya ako. Agad namang tumaas ang isang kilay ko dahil sa ginawa niya.

The guts? Siya lang yung yumakap tapos itutulak niya ako? Aba, Mr. Zecatecas.

"Sorry sorry." Nahihiya niyang tugon at agad tumayo at inayos ang sarili.

Naiinis akong nakatingin sa kanya habang nakaupo pa rin sa sahig. Pinunasan niya ang pawis niya gamit ang likod ng kanyang kamay at aakmang tutulungan akong tumayo, pero dahil naiinis ako, hindi ko tinanggap ang kamay niya at tumayo akong mag-isa. Sakto naman na bumukas ang elevator, kaya pinagpagan ko ang sarili ko at yumuko para magbigay respeto kahit na tinulak niya ako. Nauna akong lumabas ng elevator ng walang salita.

"Miss Raimondi, I'm sorry." Pahabol niyang sabi at nilingon ko siya.

"It's okay sir." Tugon ko at tatalikod na sanang muli ngunit tinakbo niya ang pwesto ko at ngayon ay magkalapit na kaming dalawa muli.

"No, I should be grateful for what you did, but instead, I suddenly pushed you."  He said.

"No sir, it's fine. Hindi naman po ako nasaktan o ano sa pagtulak niyo, okay lang ho. Naiintindihan ko, nagulat ka po." Ayaw kong maging sarkastiko sa harap ng boss ko, pero parang 'yon na nga dahil sa inis ko.

He nodded. "How about a dinner?"

"No sir, I'm fine." I smiled to assure him.

"You're not. Narinig ko ang reklamo ng tiyan mo kanina and it's my way of saying sorry." He insisted but I shook my head.

"May pagkain ho ako dito, at sayang naman ho kung di ko kakainin." I raised the paper bag where I put the packed lunch, Uriel gave me earlier.

"Ah ganon ba?" He nodded thrice.

"Yes sir." I said.

"How about tomorrow?" He asked. "Please? Just let me do the favor, it's my way to say I'm sorry."

"Okay na po yung sorry niyo Sir. You don't have to." I spoke.

"But I want to." He firmly said. "Please?"

With the last word he said, pumayag ako at nagpaalam na sa kanyang uuwi na. But even if I was already inside the taxi, hindi pa rin humuhupa yung kaba ko, which is another reason kung bakit hindi ako pumayag dahil baka magcollapse ako sa kaba kapag kasama siyang kumain.

He's very intimidating to the point na nagpapanic ako kapag malapit siya. The way he looks, the way he walks, the way he acts, everything about him, including the word CEO, is very intimidating. I wonder if he felt the way my heart raced earlier, just the way he felt the grumble of my stomach. Pero baka hindi, kasi pati siya, nagpapanic rin.

 A Deferred AssetWhere stories live. Discover now