"Ano? Magkikita nalang ba tayo palagi kapag may problema?" Nakapameywang na tanong ni Xadrielle nang pinagbuksan ko siya ng pinto.
She's the very last person to arrived the moment that I called the girls to hangout. I couldn't concentrate because a lot of thoughts are running on my mind and I thought of sharing this to the girls, just like what I promised.
"So, ano ng chika? Nagising ka na ba sa katotohanang mahal mo talaga siya?" Bulalas ni Ishaani pagkasara ko ng pinto.
"Pinagsasabi mo dyan." Antipatika kong sabi at tumabi sa kanya sa pag-upo.
"Diba iyan ang rason kung bakit mo kami tinawagan?" Patuloy na tanong niya at ngumiwi lang ako sa kanya.
"Pero di nga Rei, ano? Kumusta ka na?" Si Deachy lang talaga ang pinakaseryoso dito.
Bumaling ko sa kanya. "Actually kanina, we had a meeting. Just the monthly meeting, and the atmosphere is really different. But I'm glad that I remain focus all throughout the presentation, kaso nga lang, ano," napakamot ako sa batok ko.
"Ano? Narealize mo na sayang pala at pinagsisihan mo ang lahat?" Tinaasan ako ng kilay ni Xadrielle. Itong babaeng talagang 'to, masyadong maldita. Kung hindi nagbibiro, nagsusungit naman ng todo.
"Bakit ba ang sungit mo?" Tanong ko sa kanya sabay simangot.
"Kasi, ang pabebe mo." Agad niyang sabi. "Halata namang mahal mo rin, pero ang dami mong arte. Ang dami mong rason, pero pinipilit mo lang naman na papaniwalain ang sarili mo na gano'n kasi ayaw mong umamin."
Natahimik ako dahil tama naman siya. Ever since, tama naman sila at nasa akin ang problema. I was being dense of my own feelings that made everything worse. It's not the people nor the situation, it's within myself and my thoughts.
"Babae ka nga." Tugon ni Deachy bago kumuha ng chips at kinain ito.
"Naalala ko, you once asked me about the guy who confessed to you. You did not told me the name, but you said the story and I even told you to try if it'll work out." Pagpapaalala ni Ishaani. "Ang dami kong sinabi sa iyo noon at ewan ko kung sinunod mo ba. Sinabi ko nga sa'yo na huwag mong lahatin ang mga lalaki dahil hindi naman sila pare-pareho kung kaya't buksan mo ang puso mo sa gustong pumasok at hayaan siyang mahalin ka at kung may makita kang mali, doon ka lang titigil upang maiwasan mo ang sakit na maaaring kapalit nito. Hindi ba?"
"Ang taas no'n ha." Ani Xadrielle at bahagyang tumawa. "Pero tama nga naman siya. Pero teka nga, ano ba talagang point ng pinag-uusapan natin dito?"
"Yung feelings ni Rei para kay sir Darxon." Sabay na sagot nina Deachy at Ishaani at napailing nalang ako.
Wala akong sinasabi sa kanila tungkol sa nararamdaman ko. Ang tanging sinabi ko lamang ay kailangan ko ng kausap, dahil wala lang, dahil kailangan ko lang. Pero parang nakikita na nila ang tunay na rason kung bakit ko sila pinapunta. These people are really the best.
"So hindi mo pa rin ba aaminin na may feelings ka?" Muli akong tinaasan ni Xadrielle ng kilay.
"Kailangan ko pa bang sabihin? Kanina pa kayo dada ng dada tungkol sa feelings ko."
"So, mahal mo nga?" Nakangiting baling ni Deachy sa akin.
"Paulit-ulit?" Pamimilosopo ko pero hindi nila ininda ang tono ng pagsasalita ko dahil bigla nalang silang nagsigawan na parang mga bata.
And with that, I just fully admit my feelings.
Nakatanggap ako ng hampas mula kay Deachy at kurot naman mula kay Ishaani kaya agad naman akong tumayo bago ako madapuan ng kamay ni Xadrielle dahil napakasadistang kiligin ng mga kaibigan ko. Napailing nalang ako sa nangyayari at uminom ng tubig.
YOU ARE READING
A Deferred Asset
General FictionOne day, you'll realize my benefit to you. A Deferred Asset (The Accountant's Entry 1) by vvvvvqt All Rights Reserved 2020