Being an inspiration to someone is an honor because you're just living your life the way you wanted it to be, but someone got inspired with it. And in my case, I only said how I loved LaVille but it turns out, our boss was inspired it to it. That feeling made me question myself, would it still be an honor? Because it feels weird. For me, it doesn't seem like a mere inspiration, but a whole lot more, and I don't want to drag myself into that situation where it could harm me.
For the entire day, I was bothered by my own thoughts. Kung ibang tao pa yun, nasasayahan na sila sa narinig nila, pero ako? Parang nastress ako sa narinig ko, dahil para sa akin hindi dapat. Bakit? Ano bang nakakainspire sa sinabi ko? I only told him that it was my stress reliever, my happy pill, and then he labeled me as his inspiration. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang tungkol dyan at kahit anong gawin kong paglimot, parati pa rin itong sumasagi sa isipan ko.
Pero kinabukasan, nang makita ko ang tambak na papel sa harap ng mesa ko, agad nawala sa isipan ko ang tungkol doon at ginawa ko ang mga kailangan kong gawin at tapusin.
Saturday night and I was about to sleep when I suddenly heard my phone rang. Inabot ko ito mula sa side table at nakitang tumatawag si Xadrielle. Agad ko naman itong sinagot at malumanay na boses ang bumungad sa akin.
"Xadrielle, may problema ka ba? May nangyari ba?" Sunod-sunod kong sabi.
"Are you free tonight?" Tanong niya at agad akong um-oo dahil ramdam ko na may nangyari dahil sa boses niya.
"Asan ka ngayon?" Tanong ko at kinakapa ang panloob kong tsinelas gamit ang paa ko.
"Nasa labas ng OKADA." Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Anong ginagawa mo dyan?" Gulat kong tanong.
"Pwede ba akong pumunta sa apartment mo ngayon?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Oo naman, bakit anong nangyari?" Pag-uulit ko. "Bakit ka nasa Okada?"
Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko, ibinaba niya ang tawag na mas lalong nagpakunot sa noo ko. Napatitig ako sa phone ko at agad tinawagan si Deachy upang tanungin kung alam niya ba ang nangyari kay Xadrielle.
"Huh? Ano bang nangyari sa kanya?" Ibinalik niya ang tanong sa akin.
"Hindi ko alam, kaya nga tinatanong kita diba?" Pamimilosopo ko.
"Hindi ko rin alam." Sagot niya. "Wala siyang sinabi sa akin, hindi niya ako tinawagan? Paano mo nalaman?"
"Tinawagan niya ako. Papunta na raw siya dito sa apartment." Sabi ko.
"I'll be there in an hour. I think it's about his boyfriend." She said and ended the call without saying goodbye. Agad ko namang tinawagan si Ishaani dahil baka alam niya pero ganon rin ang sinabi niya.
"Hintayin niyo ko, pupunta ako dyan." Tugon niya matapos kong sabihin na pupunta silang lahat dito kaya agad kong inayos ang apartment sa biglaang pagdating nila.
Wala pang kalahating oras, may biglang kumatok. Lumapit naman ako sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang mapupungay na tingin ni Xadrielle, at kasama niya si Ishaani. Siguro sabay silang dumating at nagkita sila sa labas. Pinapasok ko ang dalawa at binigyan sila ng tubig. Pero hindi ko pa nilalapag ang baso, bigla nalang humagulhol sa iyak si Xadrielle.
Parehong nakakunot ang noo namin ni Ishaani nang magkatinginan kami at dinaluhan namin si Xadrielle. "Uy, anong nangyari sa'yo?"
Patuloy lang siya sa pag-iyak at hindi kami sinagot. Nasa kalagitnaan kami sa pagcomfort kay Xadrielle ng hindi nagsasalita, nang may kumatok mula sa pinto at tumayo ako. Tiningnan ko kung sino ito at nakita si Deachy na nakapambahay lang.
YOU ARE READING
A Deferred Asset
General FictionOne day, you'll realize my benefit to you. A Deferred Asset (The Accountant's Entry 1) by vvvvvqt All Rights Reserved 2020