After our late lunch, we went to the nearest church to attend the mass, just as what we planned. Then, right after we went to a fastfood chain in the area to eat again.
Nasa counter kami at pumipila nang may biglang tumawag sa akin.
"Miss Rei."
Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ang pamilyar na babae na pumipila sa katabing counter na pinipilahan ko. Kumakaway siya sa akin at wala sa sarili akong napakaway pabalik at naalala ko na kung sino siya.
"Ishaani." Tawag ko sa kanya.
"Hi Miss Rei." She repeated and continued waving as she smiled.
"Drop the formalities, wala tayo sa office." Batid ko.
"Just call her Rei." Singit ni Xadrielle. "By the way, Xadrielle nga pala." Inilahad niya ang kamay niya.
"Ishaani." Sabi ni Ishaani sabay tanggap sa kamay ni Xadrielle.
"And she's Deachy." Pagpapakilala ni Xadrielle kay Deachy sabay turo na agad namang pabirong hinampas ni Deachy.
"Hindi ako pipi." Pagmamaldita ni Deachy. Kanina pa siya ganyan simula noong may natanggap siyang text. Tinanong naman namin kung anong meron, hindi naman siya sumasagot.
"From DZGC ka rin?" Tanong ni Deachy kay Ishaani habang baghihintay kami ng order namin ng sabay.
"Ah oo, actually senior accountant with the supervision of Rei." Ishaani complimented.
"Kumusta naman siya bilang manager? Nagsasalita ba siya? For sure pag tinatanong niyo kung okay lang ba yung trabaho niyo, hindi siya sasagot kasi masekreto yan eh." Sunod-sunod na sabi ni Xadrielle kung kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Actually she's great. Na-shock nga ako na 22 years old pa lang siya tapos ang galing na niya pagdating sa trabaho." Tugon ni Ishaani.
"Pero masamang pumili ng lalaki. Napakamalas." Pang-aasar ni Xadrielle at hahampasain ko sana siya ngunit tinawag na yung order number namin kaya pumunta kami sa counter at kinuha ang order namin at naghanap ng table.
Since Ishaani was alone, we let her eat with us and of course with Xadrielle's social skills, naging kaibigan rin nila si Ishaani.
"So senior accountant ka diba sa DZGC? So, kilala mo si Uriel?" Biglang tanong ni Deachy na nasa harap ko na may nang-aasar na tingin.
"Uriel?" Ishaani asked. "Tantico?"
Kahit hindi nila alam ang apelyido ni Uriel, tumango pa rin ang dalawa at napailing nalang ako sa pasimpleng tingin nila sa akin. Hindi makamove-on talaga ang mga taong ito. Kaya biglang nahuhulog sa maling tao eh, may virus yung kantyaw nila.
"Ah oo. Sabay kaming nag-apply noong mass hiring at sabay rin kaming napromote as senior accountant. Pero hindi kami close dahil magkaiba kami ng pwesto ng cubicle since mukha siyang secretary ng head ng accounting department." Ani Ishaani.
"Pero close sila ni Rei?" Tanong ni Xadrielle at napatingin naman si Ishaani sa akin na agad kong inilingan bago siya mahawaan sa naiisip ng dalawang ito.
"Hindi ko pa naman sila nakikitang magkasama. Although there were times na lumalapit si Uriel sa kanya para papuntahin si rei sa office ni Miss Cohn, head of accounting." Ishaani explained.
"Hindi ako naniniwalang hanggang sa office lang." Makabuluhang sabay na sabi nina Deachy at Xadrielle.
"Gaga!" Ani ko at binato sila ng tissue at sabay naman silang tumawa na parang bruha.
"Kumain na nga kayo, dami niyong alam." Sabi ko at kumagat ng burger. Nakita ko naman na bumulong si Deachy kay Ishaani at sabay silang tumawa. If I know, tungkol naman sa akin iyan.
YOU ARE READING
A Deferred Asset
Aktuelle LiteraturOne day, you'll realize my benefit to you. A Deferred Asset (The Accountant's Entry 1) by vvvvvqt All Rights Reserved 2020