Chapter 30

41 15 3
                                    

"Tangina Erelia Lanche!"

Bulalas ni Xadrielle nang tuluyan na siyang makapasok sa apartment ko.

Alas otso na ng gabi pero andito ang tatlo sa unit at agad kaming nakompleto. Halata pang kakagaling nila sa office dahil sa suot nilang uniform at nanlaki ang mata ko nang makita silang tatlo dahil hindi naman sila bumibisita tuwing weekdays dahil sa trabaho ngunit andito sila ngayon matapos ang ilang linggo na hindi kami nagsa

"Ano? Tinuturing mo ba kaming kaibigan? Bakit wala kaming alam tungkol doon?" Deachy seconded as she followed Xadrielle inside.

"Gusto ko ring magalit sa'yo." Gaya ng dalawa, pinagalitan rin ako ni Ishaani bago siya tuluyang makapasok.

Sinara ko na ang pinto at nahihiya akong tumingin sa kanila matapos kong itago ang kung ano mang nangyari sa amin ni Darxon.

"K-kumain na ba kayo?" Nauutal kong tanong dahil sa kaba.

"Gusto naming marinig ang buong kwento bago kami mainis at magalit sa'yo." Seryosong tugon ni Xadrielle kaya napalunok ako nang makitang seryoso nga siya.

I looked down and tried to looked for words.

"Ano? Tatayo ka lang ba dyan?" Agad naman akong napaupo dahil sa tono ng boses ni Xadrielle na halatang parang maglupasay na sa inis.

"Ano, ah," huminga ako ng malalim sabay kamot sa batok. "He suddenly confessed and there."

"Kailan? Paano? " Tanong ni Deachy at dahil sa nangugusap niyang tingin, napalunok akong muli at walang nagawa kundi aminin sa kanila ang buong kwento at pangyayari.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ni Xadrielle matapos kong magkwento.

Napakagat ako sa labi ko. "K-kasi hindi ko alam kung paano sisimulan. Ni sa sarili ko nga, di ko magawang maniwala na ang boss ko, boss natin, nililigawan ako. At takot ako sa maaaring mangyari kung sakali may makaalam, at ayon nga dumating na nga yung bagay na kinatatakutan ko."

"So you're saying na huhusgahan ka rin namin?" Deachy stated. "Kaya ba hindi mo sinabi dahil sa tingin mo hindi ka namin susuportahan?"

"It's not like that." I heaved. "I mean, yes I know you'll going to support me. Kahit pa nga noong walang ipinapakitang motibo si Darxon, tinutukso niyo na nga ako at alam kong suportado kayo. I just want to keep it a secret at first and see if it'll work, and by that time saka ko lang sasabihin."

"Kelan pa yung time na yan?" Tanong ni Xadrielle. "Iba ka rin ng mindset no? How come that you just wanted to keep everything as a secret, you just wanted to keep it on your own. Hindi ka ba nahihirapan?"

"As your friends, we respect your privacy. We really do. But, at some point we can't avoid to asked ourselves what are our roles in your life." Deachy said.

"I'm sorry." I uttered.

"You don't have to be sorry for keeping your privacy." Mahinahong sabi ni Ishaani. "Pero alam mo yun, magkaibigan tayo eh. Nakakaunfair lang na, we share everything about our lives and we tend to know each other very well because of that, while you, you just stayed silent and even if we asked a few questions about you, minsan ngingiti ka lang at pipiliing hindi sabihin."

"Umiiwas ka rin ng topic. Yung tipo bang nagbubukas ka ng ibang usapan para madivert doon ang attention at makalimutan namin ang tanong namin sa'yo." Dagdag ni Deachy at napatango lang ako habang nagsasalita sila.

I get their point. Pero nasanay kasi ako na ako lang at wala akong karamay kung kaya't natuto akong bitbitin lahat ng kwento ko sa buhay at hindi iyon sinsabi sa iba. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na masasabi ko talagang totoo sa buong buhay ko, na siyang ang laki ng suporta sa akin. Sadya lang talaga, na nasa sa akin ang problema at minsan hindi ko magawang magsalita at ayaw kong magbahagi ng problema.

 A Deferred AssetWhere stories live. Discover now