Chapter 4

71 6 1
                                    


"Bakit ba tayo nandito?" Lei.

Kanina pa siya tanong ng tanong kung bakit nandito kami sa gym ng school. Bakit ko ba kasi eto sinama ko bakit hindi na lang si Asha e mas may alam yun kay Mack.

"May target ako dito" 

Patuloy paren ako sa paghanap ng lalaking yon.

"Sino na naman yan? Baka paglaruan mo ulit ha" Lei.

Hayst, masyado akong mahal ni Lei at ayaw talaga ako pabayaan na lang.

"Nirereto 'to sa akin ni Asha. Matino daw 'to at hindi gaya ng mga collection ko kaya itratry ko" 

Hindi na muli nagsalita si Lei. Ewan ko bakit. Nang magiisang oras na kami ay nagsidatingan na ang mga varsity player at hindi nga ako nagkakamali. Nakita ko siya.

"Lei, may alam ka ba tungkol kay Mack?" 

Nagulat naman siya at umayos ng pagkaupo.

"So siya ang lalandiin mo. Quinn, matino daw yan at masipag mag aral lagi daw yan napupuri ng mga teacher dahil siya lagi ang nasagot sa klase. Sana yan na magpapatino sayo" Lei.

Nairita naman ako sa sinabi niya sa dulo.

"Hindi ba ako matino, girl?" 

Matino naman ako a.

"Hindi malamang. May matino bang nakikipaglandian kung kanino kanino at laging benta sa bar?" Lei.

Grabe naman yun. Masama ba yun? Hobby ko lang naman yun atsaka masaya naman. Hindi ko na siya kinausap at pinanood kong mag training si Mack. 

Maya maya napansin ako ng mga kasama ni Mack at tinuro ako kasi kanina pa ako nakatitig kay Mack. Nung pagkaturo sa akin ay tumingin si Mack sa akin. Pero dahil siya ang target ko, hindi ako umiwas ng tingin at ngumiti na inaakit si Mack.

Mas lalo akong mainis ng hindi niya ako pinansin at parang wala lang sa kanya ang charisma ko. The heck? Ano bang gusto nito para maakit ko siya?

"Hindi tumalab sa kanya ang magic mo. Kakaiba kasi siya sa mgacollection mo" Lei.

Dahil sa inis ko. Agad agad kong kinuha ang mga gamit ko at galit na umalis. Nakita ko naman na pinapanood ako ng mga player don pero wala akong pake. Ang ayoko sa lahat ay yung hindi ako binibigyan ng atensyon.

Sinundan ako ni Lei. Naiinis na talaga ako. Tapos na naman yung klase ko diba? Makaderetso nga ng salon at papaganda ako.

"Oy saan ka pupunta? Wala ka na bang klase?" Lei.

Huminto ako sa paglalakad.

"Pupunta ako ng salon papaganda ako. Kung hindi ko siya makukuha sa mga galawan ko edi kukuhanin ko siya gamit kagandahan ko tch" 

Naglakad na uli ako pero nakita ko si Asha. Nice timing, Asha. Pinuntahan ko agad siya.

"Asha, may klase ka pa ba?" 

Umiling naman siya.

"Tara punta tayo sa salon at bibili naren ako ng damit sa boutique ni Tita Coleen" 

Tumango naman siya.

"Asha, please watch Quinn baka may gawing kalokohan na naman yan" Lei.

Tumango na lang si Asha. Lumabas na kami ng school at dinala naman ako ni Asha kung saan siya nagpapa salon.

"Hi mga sis!" 

Bati sa amin ng bakla sa loob ng Salon. Mukhang maganda siya magayus kaya natuwa ako lalo.

"Hi, this is my friend, Quinn" Asha.

Napunta naman sa akin ang mga tingin nila at nilapitan ako ng kausap ni Asha. Sinimulan niya akong tignan simula sa baba hanggang sa taas at hinawakan ang aking buhok.

"Ang ganda niya kahit hindi pa namin siya naayusan pero mas may igaganda pa ito" sabi nung bakla.

"Of course"

Hirit ko.

"Nice, girl. I love your confidence! Tara magsimula na tayo" Bakla.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinapunta sa may upuan ng salon para maayusan na ako. Sinimulan na niya ang buhok ko at ako ay tahimik na nonood. Si Asha naman ay umupo lang sa waiting chair at binuksan ang laptop niya na parang gumagawa ng school works.

Mga ilang oras bago matapos sila sa buhok ko. Dali dali punta si Asha sa akin at napa nganga dahil sa bago kong buhok.

Shet, ang ganda! 

Ang ginawa sa akin ng kaibigan ni Asha ay kinulot at nilagyan ng kulay brown. The heck? hindi ko alam na bagay pala sa akin ang kulot at nagmukha akong maamo na babae. 

Excited na ako pumasok bukas at ipakita ito kay Mack. Maaakit ko na kaya yun?

Flirted (First Gen series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon