Naka ilang laro kami ng Among us at lagi ako impostor kaya lagi ako talo kasi nahuhulaan nila na ako yung impostor lagi ba naman akong trip ng mga 'to.
Maya maya nagbukas yung pintuan ng kwarto ni Mack. Nagsitinginan kami don.
"Mack, may merye-" Tita Martha.
Naputol ang sinabi niya ng makita niyang may mga tao sa kwarto ni Mack.
"Hi po tita!"
Sabay sabay bati nila kay Tita Martha.
"Hi din. May mga bisita ka pala, Faye" Tita Martha.
Nahihiya na ako kasi hindi ko nama 'to bahay pero may bisita ako.
"Opo, Tita hehe"
Pumasok si Tita.
"Tara baba na kayo. May meryenda akong hinanda at tamang tama may bisita si Faye" Tita Martha.
Nakakahiya namn 'tong ginawa ko.
"Thank you po, Tita"
Sabay sabay nilang pasasalamat. Jusko mga gutom na ata 'tong mga 'to at agad agad nagsitayuan.
"Tara na" Tita Martha.
"Grabe ang bait ni Tita Martha. Sana ganan din mama ko.
Napatulala ako ng ilang segundo kaya tinapik ako ni mack at napansin kong kaming dalawa na lang natira.
"Tara na, Faye" Mack.
Tumango ako na may kasamang ngiti at sumunod na sa kanya. Pagkababa ko naman ay kitang kita ko kung gaano mga patay gutom 'tong mga 'to. Si Bree ay kumukuha na ng pagkain. Si Asha naman ay tinutulungan si Tita Martha samantala yung isa naka upo na at may bitbit nang pagkain at kitang kita ko ang pagiging fel at home ng bruhang 'to.
"Tara na dito, Faye" Tita Martha.
Tawag sa akin at sabay abot sa akin ng pagkain. Tokwa, ang bait talaga ni Tita Martha parang ramdam kong nanay ko siya kesa sa totoong nanay ko. Kung maging nanay ko kaya si Tita Martha ang saya non pero naging kapatid ko naman si Mack jusko pede namang magpakasal na kami nitong hudas na 'to para mama ko na talaga si Tita Martha.
"Faye, si Asha pala 'to. Anak ng matalik kong kaibigan" Tita Martha.
Sabay ako tingin kay Asha.
"Kaibigan niyo po si Mom?" Asha.
Kita ko ang gulat ng mukha ni Asha. Hindi na ako magugulat kasi sobrang friendly ba naman ng Mom ni Asha pati kami kaibigan na niya Haha.
"Oo naman, dati kasi mayaman ang pamilya ko kaya kaklase ko si Coleen sa school na pinaasukan niyo kaya doon ko pinasok si Mack" Tita Martha.
Ahh kaya. Doon pala nagaral si Tita Coleen at si Daddy.
"Bakit po hindi ko po kayo nakikita?" Asha.
Lihim akong natatawa sa pagtatagalog ni Asha. Lagi ba naman ang eenglish tapos ayan yung accent niya tuloy medyo nakakatawa. Joke lang, kaibigan ko yan pero tokwa Haha.
"Parehas na parehas kayo ni Coleen e. Hirap kayo magsalita ng Tagalog Haha" Tita Martha.
Oh deba, hindi lang ako natatawa.
"Bata ka palang lagi na kitang kasama kasi lagi ako sa bahay ni Coleen pero nagkaproblema kami sa company namin kaya hindi ko na masyado nakakasama si Coleen at lagi na naman yun busy pero nabisita ako sa Boutique shop niya" Tita Martha.
So mayaman talaga side ni Tita Martha kaso nagkaproblema lang sila kaya pala mukhang may lahi si Tita Martha at nasalo iyon ni Mack.
Kumain na kami at nagkuwentuhan naman sila Tita Martha at Asha dahil kinakamusta sila. Nasa tabi ko naman si Lei na panay kain lang at eto naman sa gilid ko si Bree na panay tingin sa phone niya.
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...