Chapter 19

43 6 1
                                    


"Saan na tayo pupunta?" 

Tanong ko kasi medyo nakakalayo na kami sa school ni Cheska at 'di ko pa gaano alam ang lugar na 'to kasi bar lang naman ang ginagala ko Haha.

"Pupunta tayo ng terminal para sumakay ng jeep" Mack.

So magjejeep kami.

"Wala bang taxi dito?" 

Tanong ko. Hindi sa kaartehan ahh pero kasi...

"Wala, nasa looban kasi tayo. Hindi ka pa ba nakakasakay?" Mack.

Bonak ba 'to?

"Oo naman pero hindi na uli na ulit" 

Nagtaka naman siya bigla at napatingin sa akin.

"Bakit naman?" Mack.

Sasabihin ko ba? Sige sabihin ko na lang baka sabihin nito maarte ako.

"Hmm... medyo matagal na kasi to. That time, galit sa akin si Mama kaya hindi niya ako pinahatid sa driver kaya nagcommute na lang ako tutal alam ko naman kung saan ang sakayan tapos ayon pagkasakay ko katabi ko ay matandang lalaki. Feeling ko nga may anak at asawa na siya kasi may katandaan" 

Napahinga muna ako.

"Anong meron?" Mack.

"Nung una ayus pa ako e, pero nung nagtagal tokwa nakakatakot yung mga titig niya sa akin tapos dikit siya ng dikit sa akin. Hindi ko siya gaano pinapansin kasi tinitignan ko yung oras kasi malalate ako" 

Napabuntong hininga uli ako at napatingin ako sa kanya.

"Alam kong malandi ako pero hindi naman sa lahat ng oras makikipaglandian ako and for Pete's sake, ang tanda na non at ako kaka eighteen ko palang tapos ganon mararanasan ko. Lahat ng babae hindi dapat yun nararanasan kahit matanda man yan o bata" 

Alam ko sa mga pagbigkas ko ng sinabi ko may galit at inis. Sa totoo lang, masakit talaga mabastos at sa harap pa talaga ng mga tao dun sa jeep. Imbes kasi tulungan nila ako sa matanda ay panay bulong sila at ako yung nagmukhang masama dahil sa suot ko.

"Forget that, simula ngayon first time mo palang sumakay ng jeep. Kasama mo ko 'wag kang magalala" Mack.

Napangiti na lang ako sa kanya. Ewan ko ba bakit ang komportable ako sa tabi ni Mack. Pano ko nasabe? Sa lahat ng lalaki nakikilala ko hindi sila ganan. Lagi straight to the point sila, what I mean is dumederetso sila sa pakay nila.

Nakita ko na ang terminal na tinutukoy ni Mack. Tinignan ko ang mga taong nakapila at lahat sila ay may mahahalagang pupuntahan base sa mga suot nila.

May dumating naman na isa pang jeep at feeling ko dun kami sasakay ni Mack. Agad naman umusad ang pinilahan namin at nakasakay agad. Konti lang ang mga pasahero ngayon kasi yung iba nauna na.

"DIto ka lang sa tabi ko" Mack.

Bulong niyang sabi. Wala akong katabi sa gilid kasi sa corner ako nakaupo at sa kaliwa naman ay si Mack. Tumango lang ako sa kanya at tumingin sa labas. Maya maya paunti ng paunti yung mga tao kaya naluwag. Umusod si Mack para may space na ako.

"Hiramin mo muna yung bag ko" Mack.

Bulong ni Mack at sabay lagay sa may lap ko. Maya maya biglang huminto ang jeep at napausod ako kay Mack at napausod din siya sa akin. SOBRANG LAPIT NIYA SA AKIN! Halos ramdam ko na hininga niya sa akin. 

Ayoko lumingon sa kanya para tignan kasi pulang pula ako. Hawak paren niya ang braso ko para maiwasan ko malaglag kanina kaya parang nakayap siya sa akin. Hindi ako gumalaw kasi bet ko yung pwesto ehe.

"Okay ka lang?" Mack.

Ngayon tumingin ako sa kanya. Tumango ako at ngumiti. Tinanggal niya ang pagkahawak niya at inayus ang aking buhok dahil nagulo. Fudge, pulang pula na ako.

"May pang ipit ka ba?" Mack.

Tanong sa akin ni Mack. Sakto may ipit ako sa may wrist ko at pinakita sa kanya. Kinuha naman niya yun at nagtataka ako para saan.

"Bakit?" 

Pinaharap na ako sa kanan at hinawakan ang buhok ko. Sinimulan ng ipunin lahat ng buhok ko at tinali ito ng ponytail. Ramdam ko ang titig ng mga tao sa amin at lahat sila nakangiti na parang mas kinikilig pa sila sa akin.

Alam ko din hindi pa tapos ang pagmumula ko kanina at mas lalo pa ako namula. 

"Mas maganda kang tignan kapag nakapuyod mukha kang inosente" Mack.

Lumingon naman ako sa kanya. 

"Inosente na-"

Hindi ko natuloy yung nasabi ko kasi pagharap ko sa kanya ay nagulat ako na ang SOBRANG LAPIT NA NAMAN MUKHA KO SA MUKHA NIYA jusko.

Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti

"Kamatis ka ba?" Mack.

Anong klaseng tanong yan?

"Huh? Bakit?"

Napangiti siya lalo sa akin at mag kalapit paren ang mukha namin.

"Namumula ka na kasi kanina pa" Mack.

Tangina...

Flirted (First Gen series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon