Palabas na ako ng class ko kasi pagtapos nito kailangan ko pa pumunta ng canteen para bilhan si Mack ng tubig kasi sigurado ako wala yun dala.
"Quinn, saan ka pupunta?" Bree.
Napalingon ako sa likod ko para maharap ko si Bree. Oo, alam ko nang si Bree yung tumawag sa akin kasi alam ko na mga boses nila.
"Sa canteen, bakit?"
Sagot ko. Lumapit naman siya sa akin. Anong meron dito?
"Tara, sama ako. Tapos na kasi klase ko tapos yung dalawa hindi pa" Bree.
Nagtaka naman ako sa kanya.
"Himala ata at sumama ka sa akin"
Hindi kasi lagi nasama yan sa akin. Mas prefer niyang mag isa.
"Hindi ka naman ata kasi manlalaki kaya pede ako sumama" Bree.
Buset tong si Bree Haha. Dati kasi nung sumama siya ng ilang beses sa akin habang nanlalaki, sobrang uncomfortable niya kasi yung lalaki imbis sa akin tumitingin kay Bree tumitingin kasi sobrang puti nito at may magandang katawan.
"Oo naman. Tara na"
Inaya ko na siya pumuntang canteen at nagtaka naman siya kasi tubig lang binili ko.
"Oh bakit tubig lang?" Bree.
Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya about sa deal namin.
"Pagtapos kasi naten dito pupunta tayong gym"
Mas lalo naman siyang nagtaka. Natatawa na nga ako e.
"Eh ano naman gagawin mo dun at may tubig ka pang kasama. 'Wag mong sabihin sumali ka ng basketball. Bano ka ba?" Bree.
Nabano pa nga ako ng babaitang to. Hindi ko na siya sinagot hinila ko na lang siya papunta sa gym. Alam ko na kasing hinahanap na ako ni Mack kaya matatagalan ako kung ieexplain ko pa dito sa babaeng to.
"Ano ba kasing gagawin naten dito?" Bree.
Kanina pa siyang tanong ng tanong.
"Bree, nandito si Bry. Ayaw mo yun?"
Pang aakit ko sa kanya. Masyado kasi 'tong buang.
"Tara na nga" Bree.
Natawa ako kasi dahil basta tungkol kay Bry, doon siya magaling Haha.
"Quinn, tara na" Bree.
Excited na excited ang wanya nito. Lumapit na ako sa kanya at sabay na kami pumasok sa loob. Pagpasok namin may paparating na bola sa amin at hindi namin alam kasi kakapasok lang namin.
Napapikit ako kasi tatanggapin ko na lang yung sakit ng bola kasi masyadong mabilis pero nung ilang segundo na wala paring natama sa akin. Nagulat naman ako ng may humawak ng ulo ko.
"Faye?" Mack.
Napamulat ako kasi dahil don sa nagsalita. Nakita ko na hawak na niya yung bola na muntikan ng tumama sa amin.
"Okay, now I know" Bree.
Hindi ko alam kung tatawanan ko ba yung sinabi ni Bree pero kasi kinikilig paren ako shuta Haha.
"Hi Bree" Mack.
Pagbati niya kay Bree. Kaya napatingin ako kay Bree.
"Hi Mack, long time no see" Bree.
So nagkikita talaga sila dito?
"Maglilinis ka ulit ng gym?" Mack.
Ay oo nga pala na assign nga pala dito si Bree na maglinis ng gym.
"Hindi no Haha. Natapos ko na yun atsaka sinamahan ko lang dito si Quinn. Nagtaka nga ako bakit pupunta 'to dito yun naman pala dahil sayo. Nako mga lovebirds" Bree.
Pagkatapos yun sabihin ni Bree ay iniwan na ako ng bruhang yun at umupo don sa may gilid na panay gamit ng mga boys.
"Jimeno, tara na. Mamaya na ang landi" kaibigan ni Mack.
Wow, may schedule yung paglalandian namin, okaaay. pinuntahan ko na si Bree at tumabi sa knaya. Natatawa na lang talaga ako sa kanya kasi panay tingin niya kay Bry.
"Pst, may Stella na yan Haha"
Pangaasar ko sa kanya kaya medyo nagiba ang aura niya. Nagpeace sign lang ako kasi iba magalit to e.
Nagsimula na ang training nila Mack at nanood lang kami ni Bree. Nakatingin lang ako kay Mack habang ginagawa ang mga routines niya. Pansin ko naman na yung ibang lalaki ay panay tingin sa akin at kung ano ano iniisip. Yung iba na naman nag gogoodshot sa akin kasi para silang tangang nagpapasikat.
Napairap na lang ako sa kanila at tumingin na lang sa phone ko. Naisipan ko ren na makinig na lang sa music kasi rinig na rinig ko na pinaguusapan nila ako.
If you really, really love me malhaejwo~Na eobsi haludo beotilsu eobsdago really, really~
(Really by Blackpink)
Nung pinatugtog ko ito ay napapatap ko yung paa ko dahil sa kanta. Si Bree naman sa tabi ko ay busy paren sa kakatingin kay Bry.
If you really, really want me malhaejwo~Neo jeoldae jamsido hannunan pandago really, really~
Scroll scroll lang ako sa twitter ako dahil na bobored na ako. Medyo patapos na yung kanta at magrarap na si Lisa ay nakinig lalo ako kasi bias ko talaga si Lisa at kinabisado ko ang mga rap niya paminsan.
"Want a romance like the old ti-"
Naputol ang pagsabay ko sa kanta ng may biglang humigit ng earphones ko. Napatingin ako sa harap ko at nagulat ako ng may mukha ni Mack ang bumungad sa akin. Buset, hindi ko maiwasan hindi mamula dahil sa mga ginagawa niya.
"Nasan na tubig ko?" Mack.
Hindi ko napansin yung sinabi niya kasi nakatingin paren ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung chin ko. Nagulat naman ako sa flash ni Bree dahil pinicturan ako ng buang at dahil don nahimasmasan ako.
"Huh? Tubig? Oh e-eto"
Hay nako bakit ab ako nauutal nilapit lang naman niya yung mukha niya sa mukha ko ahh. Nakatalikod ako sa kanya kasi grabe na pamumula ko.
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...