Lumipas ng isang buwan at nasanay na ako dito sa condo ko. Laging nandito si Mack sa condo ko kapag wala siyang ginagawa kasi ayaw niyang mag isa ako dito. Napunta paminsan dito si Lei kapag naiinis siya kay Jae. Panay siya rant sa akin at bilang mabait na kaibigan syempre alak ang katapat diyan Haha.
"Mack, di ka ba napapagod sa akin? Ang tagal mo ng nanliligaw sa akin pero hindi paren kita sinasagot"
Ewan ko sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon hindi ko paren siya sinasagot.
"Hindi ako mapapagod, Faye" Mack.
Sabay ngiti niya sa akin. Ngumiti na lang din ako. May balak na dapat akong sagutin siya kaso masyado akong nag enjoy sa loob ng isang buwan. Tinuring ko na ren siyang naging boyfriend kahit hindi pa kami natungtung sa ganong relationship.
Ngayon nasa sala kami ng condo ko at nanonood ng movie. Laging ganto mga ginagawa namin pero hindi ako nagsasawa kasi gumagawa siya ng paraan para maging masaya ako ngayong summer na to.
Nakayakap lang ako sa kanya habang nageenjoy sa panonood namin ng movie pero tumunog yung phone ko kaya napabitaw ako sa pagkayakap sa kanya.
Nagulat akong unknown number ito pero sinagot ko paren yung tawag kasi baka importante.
"Sagutin ko lang to, Mack"
Tumango naman siya at pinagmasdan niya lang akong kausapin ang nasa call.
"Good evening. This is from St. Luke hospital. Are you Ms. Faye Quinn Demanarig?" Kabilang linya.
Anong nangyare?
"Yes po, why?"
Nakakapagtaka naman.
"Your Father are here in emergency room. Can you go here?" Kabilang linya.
Huh? Emergency room? Anong nangyayare?
"Yes po, ano pong nangyayare?"
Ano ba talaga?
"Miss, punta ka na lang po dito" Nurse.
Kaagad ko ng pinatay ang tawag at agad akong pumasok sa kwarto para kumuha ng jacket. Sumunod naman si Mack kasi nataranta siya sa pagmamadali ko.
"Anong nangyayare?" Mack.
Tinignan ko siya at nagulat siya ng makita niya akong umiiyak. Tumakbo naman siya agad sa akin at niyakap kasi grabe na ang mga hikbi ko.
Tumunog naman ang phone niya kaya napabitaw siya sa yakap at sinagot ang tawag.
"Anak, naaksidente ang...papa mo" Tita Isabel.
Rinig ko ang pagiyak ni Tita sa kabilang linya dahil nasa tabi ko lang naman si Mack.
"Huh? Anong nangyayare?" Mack.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na kasama ni Dad si Tito nung maaksidente sila.
"Anak pumunta ka na lang dito...please" Tita Isabel.
Nanghihina na ako pero kailangan kong maging malakas kaya hinigit ko na si Mack palabas ng condo.
"Saan tayo pupunta?" Mack.
Nagtataka ata siya kung saan kami pupunta.
"Sa hospital kung saan dinala sila Dad"
Patuloy parin ako sa paghigit sa kanya at pumunta sa parking lot kung nasan ang kotse ko.
"Dad mo?" Mack.
Napahinto ako.
"Please punta na tayo"
Sabay nagsisibagsakan ang mga luha ko sa mata kaya pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako. Pumasok naren siya at agad inistart ang engine.
Hindi ko na malaman ang mga luha ko dahil hindi ito humihinto. Oo hindi naging mabuting ama si Dad sa akin pero hindi ko kayang mawala siya. Siya na lang ang nalalapitan ko at nandiyan lagi sa akin.
Hinawakan ni Mack ang kamay ko para mapatahan ako ng unti. Nakarating na kami ng hospital at pumasok na. Sinabi na ren sa amin kung nasan sila.
Nakita ko si Tita Isabel sa gilid at umiiyak na. Lalapitan ko sana siya kaso tumingin siya sa akin ng masama.
"Ma? Anong nangyare?" Mack.
Alam kong narinig ni Tita yun pero ang mga tingin niya ay nasa akin paren. Ano ba talaga nangyayare?
"Dahil sa Mama mo nasa binggit na ng kamatay ang asawa ko!" Tita Martha.
Nagulat ako sa pagsigaw niya at nanghihina na ren ako. Mabait si Tita Martha kaya hindi niya kayang sigawan ako ng walang rason. Anong meron sa mama ko?
"Tita, Hindi ko po alam ang nangyayare"
Lalapit na sana ako kaso umiwas siya at mas lalong nagsibagsakan ang mga luha ko.
"Mack, ilayo mo sa akin yang babaeng yan! Dahil sa kanya kaya naaksidente sila at ang papa mo ang napuruhan!" Tita Martha.
Niyayakap ko na ang sarili ko para maging ayus ang sarili ko pero hindi paren ako nagiging maayus dahil sa mga tingin niya.
"Ma pede ba humanahon ka? Ano ba talagang nangyare?" Mack.
"Nagplano ang papa niya na dalhin na ang mama niya sa mental hospital para magpagamot pero ang baliw niyang mama ay ginulo ang pagdridrive ng papa mo kaya naaksidente sila!" Tita Martha.
Ramdam ko ang galit sa pananalita ni Tita Martha. Dadalhin si Mom sa Mental hospital?
"Ma, wala siyang kasalanan sa nangyare kaya huwag niyo siyang sigawan" Mack.
Patuloy paren ang pagkampi sa akin ni Mack.
"Mama at Papa niya ang dahilan kung bakit nag hihingalo ang papa mo pero ngayon siya paren ang kakampihan mo?!" Tita Martha.
"Ma, Tama na!" Mack.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Biglang lumapit sa akin si Tita Martha at sinabing...
"Huwag mo ng lalapitan ang anak ko at baka ano pa ang mangyare sa anak! Mga Baliw!" Tita Martha.
Napayuko na lang ako kasi totoo ang sinabi niya. Dahil sa mama ko kaya ngayon may masamang nangyare kay Tito. Mahal na mahal ni Tita si Tito kaya alam ko kung bakit galit na galit siya sa amin.
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...