Pagtapos namin magusap ni Mack sa wedding party ni Bree ay bumalik na kami sa table at nagfocus na sa wedding party ni Bree pero shems grabe kung makadikit sa akin si Mack kasi ang raming lalaking natingin sa akin. Tapos yung isa kala mo maaagaw ako ng iba.
OPO ANG RUPOK KO PO PERO KASI MACK LANG SAKALAM!!
Sinabi ko kay Mack na wag muna sa kinabukasan kasi masyado pa ako kinakabahan kasi syempre kakabalik palang naman sa dati pero shems hindi ko ata kayang harapin si Tita Martha.
Nandito kami sa sala ng condo unit ko. Natutulog ko sa tabi si Mack habang ako ay nilalaro si Mizi. Napagod ata si Mack sa trabaho niya kaya pagod siya nung dumating.
Hindi ko naman siya masisi kasi ang rami niyang client kasi ba naman ang galing niya kaya habulin ng client pero sana huwag babae baka mapaparawr ako sa kanila.
Nagulat naman ako ng may tumawag sa phone ni Mack pero ang loko ay hindi pinansin at tinakpan lang ako ang tenga kaya ako na nagsagot.
My first love is calling...
first love? may iba bang nagustuhan si Mack bago ako? kung meron bakit natawag?
Sinagot ko ito agad.
"Mack..."
Boses babae pero bakit familiar? Sino ito?
"Hello po"
Bati ko dito. Nagtataka paren ako kung sino ito?
"..."
Hindi ito sumagot kaya nagtanong na ako.
"Sino po sila? Natutulog po si Mack"
Hindi paren nasagot yung nasa kabilang linya. Sino kaya ito?
Nagising naman si Mack sa tabi ko kasi tumabi si Mizi sa mukha niya.
"Sino yan?" Mack.
Tanong niya sa akin pero binigay ko na lang sa kanya ang phone niya at tumayo na ako papunta sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung bakit ganon ang inaasal ko? Shems, Faye Quinn easyhan mo lang baka naman iba lang yun.
Tokwa bakit kasi ang rupok rupok yan tuloy nasasaktan. Pilit kong hindi magoverthink kasi masasaktan lang ako. Nagulat naman ako ng yakapin ako patalikod ni Mack.
"Tara, may pupuntahan tayo" Mack.
Nagkilos normal lang ako na parang hindi nagseselos kung sino ba yung tumawag. Tumango lang ako.
"Magbibihis lang ako"
Malamig kong sabi at lumabas naman siya ng kwarto. Nagsuot lang ako ng simple dress kasi ganto naman talaga ang mga style ko.
"Tara na"
Aya ko sa kanya. Tumayo naman siya at sumunod lang ako.
Mabilis ang pangyayare at nandito na kami sa malapit na restaurant. Sabi na nga ba magdidinner kami kaya nagsuot ako ng dress.
Hindi ko sinubukan magtanong at hinayaan siya magsabi kung sino yun.
"Yung tumawag kanina pupunta siya dito" Mack.
Tumango lang ako at feeling ko si Aria yun.
"Restroom lang ako"
Paalam ko sa kanya. Hindi ko na siya inaantay na sumagot at dumeretso na ako. Kailangan kong magayus ng konti kasi dadating yung bruhang Aria na yun. Mabilis lang ako nagayus kasi baka dumating na si Aria at maglandian pa sila.
Pero nagulat ako ng makita siya...
"Iha..."
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napatigil lang ako sa kinatayuan ko. Alam kong mangyayare ito kasi wala ata sa plano ko makita si Tita Martha kung hindi ako pipilitin ni Mack.
"Tita Martha..."
Hindi siya nagalinlangan na lumapit siya sa akin at niyakap ako ng maigpit. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.
Yung taong ayoko ako makita at takot kong makita ay nakayakap sa akin. Bakit parang imposible naman nito? Panaginip lang ba ito?
Bumitaw naman siya ng yakap at ngumiti sa akin. Hinila niya ako palapit sa table namin at pinaupo.
Nakatingin lang sa akin si Mack na may pag alala kasi nagbabadya na ang mga luha ko.
"Okay ka lang ba?" Mack.
Bulong sa akin nito kaya agad akong tumango. Inalis ko na ang mga luha ko. Shems, si Tita Martha pala yun. Bakit ko hindi iyon naisip?
"Sorry Iha, alam kong nagselos ka kanina kung sino yung tumawag. Ako kasi naglagay non" Tita Martha.
Napangiti na lang ako habang nailing.
"It's my fault, Tita. Dapat hindi ako nag overthink"
Napangiti na lang si Tita Martha dun at hinawakan ang kamay ko.
"So nagselos ka pala talaga" Mack.
Inirapan ko lang siya. Bakit niya kasi hindi sinabi agad deba?
"Gusto na talaga kita mameet, iha kaso alam kong natatakot ka paren sa akin" Tita Martha.
Napayuko na lang ako don. Grabe talaga na danas ko non nung sigawan niya ako kaya iba na lang talaga kung nerbyosin ako.
"Okay lang po yun, Tita. Namiss ko ren naman po kayo"
Sa totoo lang talaga namiss ko yung pag aalaga sa akin ni Tita noon.
"Ako ren, Iha. Grabe ang laki na ng pinagbago mo" Tita Martha.
Siya ren ang laki. Mas lalo siyang gumanda at halatang nakapag move on na sa nangyare kaya pala handa na siya sa akin magpakita kasi okay na siya. I'm happy for her.
"Alam kong namiss niyo isa't isa pero pede kain na tayo?" Mack.
Tumawa naman kami ni Tita dahil doon. Kumain na kami gaya ng gusto ni Mack. Nagusap kami ng bongga ni Tita Martha kasi ang rami niyang gustong ikwento sa akin.
"Ma, punta lang po kami ni Faye don" Mack.
Ngumiti naman ng sobra si Tita Martha. Anong gagawin namin don? Hindi na ako nakapagtanong sa kanya kasi inilahad na niya ang kamay niya at inabot ko naman ito.
Pumunta kami sa balcony ng restaurant na may magandang view dahil sa mga ilaw ng buildings. Nakatingin lang ako sa view ng maramdaman ko ang luhod ni Mack.
Shems, ano ito?
"Alam kong biglaan ito, Faye pero gusto makita ni Mama na magpropose ako sa taong mahal ko kaya ngayon, ngayon ko na gagawin..." Mack.
Grabe mga luha ko parang nagkakarera sa bilis ng pagtulo nito. Ganto pala feeling ng magpropose yung taong mahal mo. Nakita ko si Tita Martha sa gilis habang may hawak na video at naiyak naren.
Ang mga staff naman ay nandon habang may hawak na mga bulaklak at nakangiti sa amin.
"Faye Quinn Demanarig, papayag ka bang maging Mrs. Jimeno ko? Will you marry me?" Mack.
Agaran akong tumango at sinabi na ang kataga...
"Yes, Mack. Yes, I want to be your Mrs. Jimeno"
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...