Nagising ako dahil may nararamdaman akong humahawak ng mukha ko. Napamulat naman ako at napabangon ng makita ko si Mack sa harap ko.
"Goodmorning, Faye" Mack.
Medyo bangag pa ako kaya hindi ko alam sasabihin ko atsaka nahiya ako sa itsura ko kaya dere deretso ako sa banyo para maghilamos muna.
Nasa loob na ako ng banyo at ginawa ko na ang mga kailangan kong gawin. Naligo na ren ako kasi naalala ko bibili pala kami ng pagkain para dito.
Binilisan ko ang pagkilos ko kasi nakakahiya baka kanina pa siya dito. Paglabas ko naman, wala na siya sa kwarto siguro nandon na yun sa may living room. Nagbihis na ako ng simple lang. Naka yellow crop top shirt ako at naka denim short kasi summer ngayon kaya hindi ako balot syempre ka init init e.
Paglabas ko ng kwarto ay naka upo na siya stool ng kitchen at may breakfast na nakahanda.
"Pinagluto ka ni Mama ng almusal kasi alam niyang wala ka pang pagkain dito" Mack.
Ngumiti naman ako at tumabi na sa kanya.
"Pakisabi kay Tita, salamat"
Tumango naman siya. Nagsimula na akong kumain para maka alis na kami agad.
"Ang aga mo naman pumunta dito. Natulog ka ba?"
Nagtataka kasi ako. Gabi trabaho niya tapos nandito na siya ng umaga. Naunahan niya pa nga ako magising.
"Natulog ako pero saglit lang pero okay lang naman. Priority kita e" Mack.
Kakaiba pala pag ganto no.
"Pero baliw ka ba? Hindi ka pa nakakapagpahinga"
Saway ko sa kanya kaso etong gunggong na to parang wala lang yung sinasabi ko ba naman kung makatingin tapos yung mga ngiti pa niya na parang natutuwa siya kasi concern ako.
"Nakapagpahinga naman ako sa tabi mo kanina kaya okay na yun" Mack.
Ha? Hakdog ka Mack!
"Tumabi ka kanina sa akin?"
Tumango naman siya at nakangiti paren na natutuwa sa nangyayare samantala ako namumula na dito.
Kumain na lang ako para hindi na ako mamula ng sobra dito.
"Mack, nilista ko na pala mga kailangan ko dito kaya hindi na tayo mahirapan"
Nasa elevator na kami para bumaba na.
"Galing naman ng bebe ko, napaka independent" Mack.
Puri sa akin ni Mack.
"Syempre ako pa. Tara na"
Sabay aya ko sa kanya kasi nagbukas na yung elevator.
"Mack, iisa lang ba ito?"
Tanong ko sa kanya naguguluhan kasi ako sa dalawang produkto na ito ee. Nasa grocery store na kami.
"Lagay mo na lang parehas yan" Mack.
Sinunod ko na lang siya kasi maalam naman siya sa pag grogrocery.
"Mack, tara doon tayo"
Aya ko sa kanya. Siya pinagtulak ko ng trolley tapos ako naglalakad patungo sa mga cereal. Pinagtitinginan na kami ng iba kasi para kami bagong kasal na nagrogrocery para sa may laman yung ref namin.
Hinawakan ko yung dalawang cereal at tinignan mabuti kung alen ang masarap.
"Faye" Mack.
Tumingin naman ako sa kanya at bigla akong kinuhanan ng picture. Kaagad ko naman siya nilapitan para tignan yung kinuhanan niya.
"Bat ka ba namimicture ha?"
Natawa naman siya.
"Masama na bang picturan yung mahal ko" Mack.
Mahal niya? Ako? Baliw ba siya? Shems kinikilig ako pota.
"Patingin nga. Pag ako panget diyan, humanda ka sa akin"
Nakakainis kasi ba naman. Pede naman niya akong picturan ng sinasabihan ako hindi yung bigla bigla.
Pinakita niya sa akin pero nagulat ako ang ganda ko pala Haha.
"Kelan pumangit yung mahal ko?" Mack.
Sus nambobola naman to. Inirapan ko na lang siya at nagsimula ng pumili ng kailangan.
Nasa cashier na kami at ready na ako magbayad kaso itong isang to tinabig yung card ko at nagbigay ng cash sa cashier.
"Mack, ako na gagastos tutal akin naman to e"
Umangal ako kasi syempre pinagtratrabuhan niya yang pera niya tapos mapupunta lang sa gastusin ko.
"Faye, extra money ko to at ipanggagastos ko ito sayo kaya hayaan mo na ako, okay?" Mack.
Hindi na ako umangal kasi gusto niyang hayaan ko siya pero syempre kakahiya paren.
"Wag ka na mahiya diyan, ako na bahala sa mga kailangan mo okay?" Mack.
Tinignan ko naman siya.
"Ginawa naman kitang sugar daddy kung ganon?"
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Tara na, ang cute cute mo mainis e" Mack.
Namula na naman ako sa mga pahirit niyang sinasabi. Kinuha niya na ang mga dalahin at hindi man lang ako pinagdala.
Kakaiba pala naman magmahal tong Mackdo na ito. Napangiti na lang ako sa nangyare kanina.
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...