"Okay ka lang ba?" Mack.
Hindi paren sa akin nagsisink in na nandito siya. Hindi ako sumagot sa tanong niya kasi bakas paren sa akin ang mga luha kong patuloy paren natulo at masyado pa akong lutang kasi di ko alam gagawin ko.
Tumayo siya at binigay sa akin ang jacket na suot niya. Hindi ako gumalaw at tinitignan lang siya habang sinusuot sa akin ang jacket na iyon.
"Lumayas ka ba?" Mack.
Tanong niya habang nakatingin sa maleta na nasa gilid ko.
"Pina...layas ako...ni mama"
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba pero wala naman akong sasabihin na iba kaya sinabi ko na lang yung totoo.
Pumasok siya sa loob ng store at ako ay naiwan. Iniwan niya naman ang phone niya kaya binuksan ko ito para tignan kung anong oras na pero nakita ko ang wallpaper niya at may text na galing kay Aria. Ang wallpaper niya ay siya na kasama si Aria.
Aaminin ko nasaktan ako, tokwa kaya ayoko magkagusto sa lalaki e. Nasasaktan lang ako.
Bumalik na siya agad na may dalang cup noodles at gamot sa mga sugat ko. Tinignan ko lang siya habang papunta sa akin.
"Kumain ka muna" Mack.
Sabay abot sa akin at kinuha ko ito. Agad ko naman ito kinain kas nagugutom na talaga ako.
"Sala...mat"
Nauutal kong sabi kasi nahihiya ako.
"Baba...yaran na...lang kita sa...susunod"
Mahina at nauutal na sabi at kumain na ulit pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at hinimas ito. Shet, I feel safe now. Hindi ko na napigilan hindi umiyak ng sobra kasi ngayon na lang ako ulit nakaramdam nito.
Inusod niya palapit sa akin ang upuan niya at hinawakan ang mukha sabay punas sa mga luha ko na tuluyan paring nagsisilabasan.
"Wag ka na umiyak...ubusin mo na yan habang gagamutin ko na sugat mo" Mack.
Tumango ako at kinuha naman niya ang binti ko para lagyan na ito ng gamot dahan dahan para hindi ako masaktan. Agad ko naman naubos ang noodles at natapos na ren siya sa paggamot ng sugat ko.
"Sumama ka sa akin. Sa bahay ka muna matulog ngayon" Mack.
Nagulat naman ako. Nakakahiya naman.
"Wag na, tatawagan ko na lang si Lei"
Kinuha na niya ang maleta ko at tinulungan ako tumayo.
"Wag na, baka tulog na ang mga iyon at nandon si mama sa bahay kaya hindi tayo mag isa sa bahay" Mack.
Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ko naman siya lalandiin sa bahay nila no. No choice na akong sumama sa kanya kasi alam kong tulog na si Lei kasi naginom kami kanina.
Tumawag na siya ng taxi at sumakay na kami.
"Babayaran na lang kita, Mack. Nakakahiya na"
Sabay yuko ko kasi feeling ko ang kaawa awa ko. Feeling ko nakakaabala ako.
"Don't mind that. Handa akong tumulong kaya wag mo na ako bayaran" Mack.
Hindi na ako naka angal kasi ramdam ko na ang paod ko kaya nakatulog ako sa tabi ni Mack. Feeling ko malayo pa bahay nila pero bakit nasa may labas ng village namin siya?
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...