From: Mackdo my loves
Pataas na ako. Dala ko na pagkain naten!!
Natawa ako sa may pic na sinend niya. May hawak siyang food tapos nakangiti pa. Nasa elevator na siya.
(Ps. Imagine niyo na lang si Ronnie Alonte may dalang food sa pic. Love ya!)
Agad na akong tumayo para mag ayus ng mukha at naglagay ng konting lipstick Hehe. Medyo gulo gulo buhok ko kasi kanina pa ako nakahiga kaya inayos ko ito. Bukas na lang daw kami mag aayus ng gamit sabi ng bebeluvs ko Haha.
Tumunog naman ang doorbell kaya agad akong tumakbo papunta dito. Binuksan ko naman agad.
"Hi Mack!!"
Sabi ko na hinihingal pa kasi dahil tinakbo ko ito.
"Hi, bakit ka hingal diyan? Miss mo na agad ako?" Mack.
Sabay ngisi nito.
"Ulol ka"
Deny ko, syempre baka lumaki ulo ng ungas na ito e.
"Sus, miss mo agad ako. Wag kang magalala diyan miss na agad din kita" Mack.
Tengene nemen keneleg eke peste. Mga salitaan talaga ni Mack may pagka badoy pero baket kinilig ako pisting yawa.
"Ewan ko sayo, Mack. Ihahanda ko na nga dinner naten"
Kinuha ko ang pagkain na dala niya at tumungo sa kitchen. Nakapaglabas naren naman ako kanina ng mga plato galing sa kahon na binili ni Dad sa akin para dito sa condo.
Habang hinahanda ko ito ay umupo na siya sa stool na nasa kitchen. Hindi pa kasi ayos yung dining table kaya dito na muna kami kakain.
Mahinhin akong gumalaw dahil ba naman sa mga titig niya sa akin na parang malulusaw na ako jusko. Natapos naman agad ako sa pag aayus ng dinner namin kaya nawala na ren ang mga titig niya sa akin, mabuti naman.
"Okay ka lang ba mamaya dito?" Mack.
Hindi pa naman ako okay dito pero masasanay naman siguro ako no.
"Okay naman ako dito, masasanay ren ako"
Napabuntong hininga naman siya.
"Gusto sana kita samahan dito kaso may trabaho pa ako" Mack.
Napa inom naman ako ng tubig dahil sa laman ng utak ko. Naiimagine ko kasi kung dito siya matutulog edi tabi kami nito. Hindi kaya parang awkward. Oo marami na akong natabihan sa pagtulog pero syempre iba paren pag si Mack na yun. iba impact niya sa aken ehe.
"Baliw ka ba? Okay lang ako dito atsaka kailangan mong magtrabaho para sa pag aaral mo den yan. Huwag ka na magalala mag tetext naman agad ako sayo kapag may nangyare"
Sumubo naman agad ako para ipakita sa kanya na okay lang ako.
"Hayst, basta ah magtext ka agad" Mack.
Napangiti naman ako. Grabe concern niya sa akin, kinikilig ako tokwa.
"Opo, master"
Natawa naman kami parehas. Yun naging okay naman siya at napanatag. Natapos naman agad kami kumain kasi may trabaho pa siya.
"Hatid na kita sa baba"
Sabi ko kaso tumingin siya sa akin ng ayus.
"Wag na, pumunta ka na sa kwarto mo at matulog na. Ako na bahala maglock ng condo mo. Mag ingat ka ha" Mack.
Wala naman akong choice kundi sumunod kasi nag aalala siya sa akin ng bongga. Tumango na ako at nagpaalam sa kanya at tumungo na sa kwarto ko. Narinig ko naman ang pag alis niya. Napabuntong hininga na lang ako kasi mag isa na naman ako. Humiga na lang ako sa kama ko at natulog na lang dahil sa pagod agad naman ako nakatulog.
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomantikFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...