Ang raming nangyare pagtapos ng aksidente. Nagaalala na ako ng sobra para kay Faye. Alam kong malakas na babae si Faye pero hindi ko paren maiwasan hindi magalala. Nagalit ako kay Mama pero naintindihan ko paren siya kung bakit siya ganun kaso may pagkakamali din siya kasi wala naman kasalanan si Faye.
Ilang beses ako pinipigilan ni Mama na huwag puntahan si Faye. Kailangan ko ren tumulong sa burol ni Papa. Nasaktan ako ng sobra ng mawala si Papa pero kahit kelan hindi ko sinisi ang pamilya ni Faye. Aksidente ang nangyare at walang may kasalanan.
Laki ng pasasalamat ko na nakarecover ang daddy ni Faye. Lumaking mag isa si Faye kaya kung mawala man ang daddy niya mag isa na naman siya.
Pagtapos ng burol, balak ko na siya puntahan kaso iba ang inabutan ko. Hindi ako pumayag sa pagaaral sa akin sa Manila ng Tita ko kasi may ipon naman ako. Kita ng dalawa kong mata na may nakayakap kay Faye. Kasama ko non si Aria kasi nasa party din siya at inaya lang ako ng isa kong kaibigan dito. Sumama ako kasi alam kong nandito si Faye.
Ang raming nangyare sa gabing yun. Sobra akong nasaktan pero nalaman ko na hindi pa pede. Sariwa paren sa kanya kaya kahit hindi ako naniniwala na mahal niya yung gagong Caleb na yun ay umalis paren ako.
Agad agad kong tinanggap na ang pagaaral sa Manila. Kailangan ko magkaroon ng magandang buhay para makuha ko si Faye sa akin. Wala akong katapat don kay Caleb. Mayaman yun at ako mahirap kaya kailangan ko magsikap.
Nakatapos ako ng magandang degree sa Manila kaya binalak ko na bumalik sa Pampanga para makita ko na siya. Nalaman ko sa kaibigan ko na kaparehas ng school si Faye ay nagaaral paren siya.
Pagdating ko ng Pampanga ay dumeretso na ako sa school niya. Nakita ko naman siya agad kasama ang kaibigan niya na si Lei.
Ang raming nagbago sa kanya pero ramdam ko ang pagod niya sa pagaaral. Mahirap ang pagaaral ng vet pero sinubok niya paren kasi yun yung gusto niya. Pagtapos non ay lagi na ako napunta sa school niya para makita kung okay lang ba siya.
Bigla rumami ang mga client ko dahil naustuhan nila ang works ko kaya nabalik ako paminsan sa Manila at hindi namuli sya nakita dahil sa pagiging busy.
Nakalipas ng ilang taon ay nalaman ko na lang sa kaibigan ko na nakagraduate na siya. Inistalk ko ang kaibigan niya sa facebook kasi ang pagkaaalam ko ay nag deactivate siya ng account. Nakita ko ang mga ngiti niya habang hawak hawak na niya ang diploma. Abot din ang ngiti ko ng makita kong nakuha na niya ang gusto niya.
Mga ilang months ay nagpatayo siya ng vet clinic yun daw ang regalo ng Daddy niya dahil proud daw siya sa anak niya. Nandon ako naggrand opening yun kaso hindi ako pumasok nanonood lang ako sa kanya.
Hanggang tingin na lang ako kasi alam kong itatakwil lang niya ako.
"Hanggang titig ka na lang ba?"
Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko. Pagtingin ko si Lei yun.
"Hindi pa ako handa makita niya ako at alam kong hindi pa siya handa"
Tumango tango ito. Malaki ang tiwala ko kay Lei na hindi niya sasabihin na nandito na ako ng Pampanga.
Halos araw araw ako nadaan sa vet clinic niya at araw araw ko ren nakikita yung gagong Caleb na yun.
"Hi kuya" Cheska.
Bati sa akin ng kapatid ko ng pumasok siya sa office ko sa bahay namin. Matagal ng napaayus ang bahay namin at pinaganda ko ito. Gusto ko sana lumipat kami kaso ayaw iwan ito ng Mama ko dahil nandito daw ang memories niya kay Papa kaya pumayag ako na ipaayus na lang.
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. May hawak siyang pusa na si Penny.
"Kuya, may alam ka bang vet clinic malapit dito?" Cheska.
May pumasok sa isip ko kung pumunta kami sa vet clinic ni Faye para doon magkita sila ni Cheska.
"Meron, dadalhin na lang kita don"
Tumango naman siya at nagpasalamat.
Kinabukasan ay maganda ang mood ko kasi alam kong aayain ni Cheska si Faye na lumabas kasi namiss niya ang ate niya.
Sinuot ko ang maganda kong polo. Inayus ko ren ang buhok ko. Pagtapos non lumabas na ako ng kwarto.
"Oh bakit bihis na bihis ka? Pupunta lang naman tayo sa vet clinic" Cheska.
Umiling lang ako at naglakad na patungo sa labas para makasakay na ng kotse. Kanina pa nagtataka ang kapatid ko pero hindi ko sinasagot ang mga tanong niya.
Nagintay lang ako sa loob ng pumasok siya sa vet clinic at nakita ko naman ang panget na Caleb na iyon palabas ng vet clinic.
Natagalan sila sa loob pero nakalabas din silang dalawa kaya agad na ako lumapit sa kanila. Akala siguro ni Faye na driver ang naghatid kay Cheska dito kasi sasakay siya sa likod pero pinaupo siya sa tabi ko.
Nagulat siya ng makita niya ako. Gumanda siya lalo dahil ngayon na malapit siya sa akin kitang kita ko na siya. Nagmatured siya ng sobra. Titig na titig siya sa akin at inaalam kung may nagbago sa akin pero nawala din iyon at sumakay.
Sabay kami naglunch at alam kong nainis siya sa ginawa ko pero hindi ko naman kakayanin na kumain lang siya ng unti.
Gumala naman sila sa Mall pagtapos at ako nakasunod lang sa kanila. Panay ang titig ko kay Faye.
Pero nang matapos ang lahat na yun ay nalaman kong magdidinner sila ng panget na caleb na yun kaya agad kong hinatid pauwi si Cheska at papanoorin ko sila. Pagkabalik ko don ay tapos na sila kumain kaya palabas na ito. Sinundan ko naman sila kung saan sila pupunta at ang tungo nila ay sa Vet clinic.
Bumaba siya don at umalis na si Caleb. Pumasok siya sa loob at lumabas ulit na may dala dala na aso. Patungo na dapat siya sa sasakyan niya agad kong nilapit ang kotse ko at binuksan ang bintana.
Inaya ko siya at agad naman siya sumakay buti na lang at hindi niya ako itinakwil. Panay ang titig ko sa aso na hawak niya. Ang cute nito pero maganda naman ang nanay niya na si Faye. Masaya ko siyang hinatid sa condo unit niya at nagtaka kung bakit alam ko iyon.
Malapit ko na ikaw makuha...
________________________________________________________________________________
Author's note:
WAAAAAAHH SALAMAT SA PAGANTAY NG MGA UPDATES KO!! Napahaba ang mga story na ito kasi ang raming ganap dito. Ngayon ko na lang naisipin na tapusin na agad ito kaya salamat sa pag aantay. After nito magpapahinga muna ako ng 1 or 2 weeks then sisimulan ko na yung Move on. Thanks for reading this!
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...