Chapter 37

45 5 0
                                    


Pumayag ako sa lunch na alok niya kaya ngayon nasa labas kami para puntahin yung car kung saan sinakyan ni Cheska papunta dito. Hindi pa siya pede magdrive kasi fifteen pa lang siya. Siguro may driver siya.

"Ate, Tara" Cheska.

Sinundan ko na lang siya at sumakay na sa likod pero hindi niya ako don pinasakay. Nagtaka naman ako agad.

"Ate, doon ka na lang sa harap" Cheska.

Tumango na lang ako kasi wala naman masama kung doon ako umupo pero potek nung binuksan ko yung pinto ng shotgun seat bumungad sa akin si...Mack.

Ang rami nagbago sa kanya. Mas lalo siyang nagmatured. Ang katawan nito ay medyo lumaki at nasa tamang paglalagyan ito. Hanggang ngayon gwapo paren siya, ang swerte naman ni Aria sa kanya.

"Ate, Tara na po" Cheska.

Sumakay na ako agad kasi medyo nahiya ako kasi napatigil pa ako. Inayus ko na ang pagkaupo ko. Kinuha ko na ren ang seatbelt ko sa gilid pero medyo nahirapan ako kaya napahinto si Mack sa gilid at tinignan ako.

Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sa akin grabe tibok ng puso ko. Akala ko ba move on ka na Faye Quinn?!

Inayus niya ang seatbelt ko at napatingin sa akin. Jusko po ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Ramdam ko na ren ang mga pawis ko at pagka init ng pisnge ko.

Bumalik naman siya agad sa upuan niya at hindi umimik. Wala lang ata sa kanya yun.

Umalis na kami at dahil malapit lang naman ang mall sa vet clinic ko kaya agad kami nakarating. Dumeretso na kami sa restaurant na malapit at humanap na ng table.

Pagka upo namin ay tumunog ang phone niya na parang may nagtext.

"Sino yan kuya? Si Ate Aria?" Cheska.

Alam ko naman meron namamagitan sa kanya pero hindi ko paren maramdaman ng sakit kapag naririnig ko sa kanila. Mananahimik na lang siguro ako dito habang kakain kami. Wala naman akong balak ishare pero kung magtanong si Cheska sasagutin ko na lang siya.

"Ahh oo" Mack.

Sana ol.

"Ate, Order na tayo" Cheska.

Tumango na lang ako at pumili na ng gusto ko. Kokonti lang ang pinili ko kasi diet ako pero nagulat ako ng...

"Yan lang kakainin mo?" Mack.

Ano bang pake nito sa kakainin ko?

Tumango na lang ako sa kanya.

"Please add this one" Mack.

Sinabi niya sa waiter na nasa gilid namin. Baliw ba ito? Sisirain niya ata ang diet ko e.

"Huwag na. Nagdidiet kasi ako" 

Ngiti kong sabi pero hindi paren siya pumayag naka alis na agad ang waiter kaya no choice akong kainin ang inorder niya. Masarap naman yung inorder niya kaso nagdidiet ako.

"Ate kamusta ka na pala?" Cheska.

Halatang curious siya sa naging buhay ko.

"Okay naman ako" 

Okay naman ako kahit papano nasanay ko na ren sarili ko maging mag isa.

"Mabuti naman yun ate. Grabe namiss kita ng sobra" Cheska.

Napangiti na lang ako sa kanya.

"Namiss ren kita" 

Sa totoo lang balak ko naman siya puntahan para mag open ulit sa kanya pero nanghina loob ko magpakita sa kanila. 

Flirted (First Gen series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon