"Gising na, Faye" Mack.
Nagising ako dahil nandito na kami sa bahay nila Mack. Hindi ko namalayan nakahiga na ako sa lap niya siguro doon niya ako pinatulog.
Tumayo na ako at inanalayan akong bumaba dahil masakit paren yung mga sugat ko. Bumungad naman sa amin ang mama ni Mack.
"Good evening po, Ma'am"
Bati ko at nginitian niya naman ako. Pulang pula na ako ngayon kasi nahihiya ako sa kanila at amoy alak pa ako.
"Pasok na kayo iha" Mama ni Mack.
Nginitian niya ako at inaya ng pumasok. Sobrang hiya na talaga ako at mabuti na lang nasa tabi ko lang si Mack.
"Ikaw pala ang anak ng boss ni Albert. Faye ba tama?" Mama ni Mack.
Inaayus na niya ang sala para maka upo ako dito.
"Opo, Ma'am"
Natawa naman siya bigla.
"Wag mo na akong tawaging Ma'am tutal kaibigan ka naman ni Mack tawagin mo na lang akong Tita Martha. Eto ma upo ka dito iha" Tita Martha.
Grabe, ang bait niya talaga at ang ganda niya pa. Siguro sa kanya nagmana si Mack.
"Salamat po Tita...Martha"
Mukha na akong anghel dito dahil sa hiya ko talaga.
"Mama, sa may kwarto ko na lang siya patulugin" Mack.
Okay lang naman sa kwarto niya pero baka anong isipin niya sa akin a. Hindi ako nanggagapang ahh.
"Sige lang. Iha kumain ka na ba?" Tita Martha.
Tumango naman ako kasi nahihiya na ako magsalita kasi medyo nasakit naren ang lalamunan ko dahil siguro kakaiyak ko kanina. Buti na lang hindi ako tinanong ng mama niya kung bakit ganto itsura ko.
"Faye tara sa taas. Nandoon kwarto ko para makaligo ka na ren at makatulog na ulit" Mack.
Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Nagpaalam na ako sa kay Tita Martha at nginitian niya lang ako. Pakataas namin ay may dalawang pintuan to pero dun kami sa isang pinto pumasok kasi siguro doon ang kwarto niya.
"Pagpasensiyahan mo na kung maliit lang kwarto ko" Mack.
Shunga nito ni Mack. Kahit naman malaki o maliit makakatulog paren ako.
"Okay lang, hindi ko naman kailangan ng malaking kwarto Haha"
Nilagay na niya sa gilid ang maleta ko at inayus ang higaan niya na feeling ko doon niya ako papatulugin.
"Dito ka matutulog, dito naman ako lapag matutulog. Wag kang mag alala hindi kita gagalawin" Mack.
Shunga talaga nito.
"Wala naman akong iniisip na ganon. Wag ka ren mag alala hindi kita gagapangin, hindi ka gaya ng mga collection ko"
Tumingin naman siya sa akin tapos naging seryoso ang mukha niya.
"So kapag collection mo ko, gagapangin mo ko?" Mack.
Napabuntong hininga ako.
"It depends"
Well, totoo naman. Depende kung lalandiin niya ren ako.
"Maligo ka na, Faye at amoy alak ka na talaga" Mack.
Pinamukha talaga sa akin.
"Alam ko, may pang amoy ako no"
Pumunta na siya sa may pintuan niya at tumigil.
"Alam mo pala e. Nasa baba yung banyo doon ka na maligo. Aayusin ko na para sayo" Mack.
Waw, para sa akin. Ginawa naman ako nitong prinsesa. Hoy! nakaramdam din naman ako ng hirap no!
Hindi ko na siya sinagot kasi bumaba na siya at kumuha na lang ako ng damit na susuotin ko. Buti na lang may nilagay mama ko na hindi masyadong revealing na damit baka isipin ni Mack inaakit ko siya.
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...