Nakalipas na ng ilang araw at malapit na ang graduation ko. Pagtapos namin pumunta ni Mack sa simbahan sa betis ay nagcelebrate kami ng pamilya niya sa bahay dahil sa pagkapanalo niya."Ate, bukas na graduation mo" Cheska.
Tuwang tuwa niyang bigkas. Hay nako, pagtapos sa paghihirap ko sa stem ay gragraduate na ako sa wakas! College na kami next year hindi ako makapaniwala.
"Oo nga e"
Sagot ko naman sa kanya. Nandito kami sa kwarto niya at naglilinis kasi busy yung mama niya kaya ako na lang naglilinis.
"Ate, congrats" Cheska.
Nginitian ko siya at nagpatuloy na sa paglilinis. Natapos naman kami agad kasi kokonti lang naman lilinisin kasi hindi naman gaano madumi.
"Ate, salamat sa pagtulong" Cheska.
Nginitian ko siya at umupo na sa higaan para makapagpahinga ng konti. Bukas na ang graduation ko, masaya ako kasi tapos na ako sa senior high pero nalulungkot ako kasi wala maghahatid sa akin sa stage bukas.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko.
1 new message. Tap here.
Pinindut ko ito at lumabas naman ang text sa akin ni Lei.
From: Magandang Lei
Oy bobita, sabi ni mama siya daw maghahatid sayo sa stage. Kaya 'wag ka na malungkot diyan.
Napangiti naman ako ng bongga dahil don. Savior ko talaga si Mama Lucy!
To: Magandang Lei
Pakisabi salamat. Miss ko na siya!
Hindi na ito magrereply kaya pinatay ko na phone ko at bumalik na sa tabi ni Cheska. Balak niya daw maglaro kami kaya hinayaan ko na siya.
Naglaro lang kami ng buong araw ni Cheska at ngayong gabi na ay hindi ako makatulog dahil naeexcite ako bukas.
Tumayo akobat dinala ang phone ko sa pagbaba ko. Patay na ang mga ilaw dahil anong oras na ren. Siguro tulog na sila Tito at Tita.
Pumunta na ako sa kitchen para uminom ng tubig dahil nauuhaw na ren ako sa kakaisip kung anong mangyayare bukas.
Kinuha ko ang pitsel at baso. Binuksan ko ang phone ko kasi balak ko magscroll sa facebook muna habang nandito ako. Masyadong sensitive sa ilaw si Cheska kaya hindi ako maka open ng phone don kasi baka magising.
Busy ako sa pagscroll sa facebook at panay memes ang nalabas kaya hindi ko maiwasan hindi tumawa pero deputa nung nagscroll pa ako ay may lumabas na nakakatakot na mukha e matatakutin ako pota pero mas lalo ako natakot nung...
"Faye" Mack.
Nagulat ako dahil sa pagtawag niya at kalabit sa akin kaya nabitawan ko ang phone ko.
Nasalo niya agad yun at nawala ang kaba ko.
"Sorry, nagulat ba kita?" Mack.
Napabuntong hininga naman ako don.
"Hindi ba halata? Halos atakihin ako sayo"
Masasapok ko tong loko loko na ito e. Tinawanan ba naman ako pagtapos niya ako takutin.
"Sorry na, Bakit ka ba kasi nandito? Gabing gabi na oh" Mack.
Hay nako, ewan na lang. Ang rupok mo selp.
"Masama na ba? Hindi ako makatulog hayst"
Napatango naman siya don. Naglakad siya palapit sa akin kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Palapit na palapit siya sa akin kaya napapikit na ako ng tuluyan.
Nagulat ako ng kinuha niya ang pitsel sa tabi ko. Umasa ka naman selp, hay nako.
"Mulat na, hindi ako gaya ng mga lalaki mo" Mack.
Napadilat ako agad at tuluyan nang mamula ang mukha ko dahil sa kahihiyan ko. Agad ako napairap at umalis na doon.
Buang ka na talaga selp. Hindi ka non kayang halikan, alam mo namang goodboy yung buset na yun.
"Ate, gising na!" Cheska.
Napadilat naman ako don dahil sa pagsigaw ni Cheska sa tenga ko. Kailangan ko na ata magpalit ng eardrum dahil don.
"Jusko po, Cheska. Pede na kita ipalit sa alarm clock ko"
Bulyaw ko sa kanya kaya napatawa siya. Hay nakong batang to mana siya sa kuya niyang epal.
"Ate, Graduation mo na kaya gumising ka na" Cheska.
Napatingin ako sa orasan. Oo nga kailangan ko na maghanda.
"Eto na po, tatayo na po ako madam"
Tumayo na ako at tumungo na sa damitan ko para maayus na ang susuotin ko.
"Yan goods yan ate" Cheska.
Buang to. Kinuha ko ang pinadala ni papa na damit para sa susuotin ko ngayon.
Naligo na ren ako agad at dumeretso na sa salamin para makapagmake up na. Hindi pedeng losyang akong pupunta ng stage no.
"Wow, ate ang ganda mo talaga. Bakit hindi ka ligawan ni Kuya Mack" Cheska.
Ay oo nga pala, hindi pa nila alam na nililigawan na ako ni Mack. Ewan ko ba don kung bakit hindi pa sinasabi.
"Huwag kang maingay ah, Cheska. Nililigawan na ako ng kuya mo"
Nagulat naman ng bongga si Cheska at lumapit ng todo siya sa akin.
"Eh di nga, pinayagan mo yung panget kong kuya" Cheska.
Natawa naman ako don. Ewan ko ba kung makapagsalita tong si Cheska ng panget sa kuya niya ay napakadali palibhasa magkapatid e.
"Oo naman, mabait ang kuya mo kaya game ako"
Hindi matanggal ang ngiti niya dahil don. Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito.
tOkwA giRls:
famOus (Asha) : Oy Faye Quinn Demanarig nasa labas na ako.
hope ni bry (Bree) : Mga tokwa nandito na ako sa school.
pOkpOk (Quinn) : Aga mo naman, Bree.
hope ni bry : Sinundo ako ni Bry e.
famOus : Naols
pOkpOk : Lalabas na ako, Asha.
Pinatay ko na ang phone ko at kinuha na ang gamit ko. Sinundan naman ako ni Cheska palabas.
"Bye bye ate, Congrats ulit!" Cheska.
Nginitian ko siya at umalis na ako. Pumasok na ako sa loob ng car ni Asha at nagmaneho na siya.
BINABASA MO ANG
Flirted (First Gen series #3)
RomanceFaye Quinn Demanarig, kilala bilang Quinn. Maayus siyang nabubuhay kahit na hindi siya mahal ng mama niya at iniwan naman siya ng tatay niya. Galit siya sa mga lalaki at ginawang laruan ang mga ito dahil sa ginawa ng tatay niya sa kanila ng mama niy...