Chapter 25

38 8 0
                                    


Nagcheer ako ng todo nung magsimula ang laban nila Mack kaya todo tingin sa akin ng mga tao na parang nagtataka dahil kanina nagkagulo tapos ngayon todo cheer ako. Wala na akong pakielam sa mga sasabihin nila, mga ulol sila!

"GO MACK!! GO MACK!! GO MY LABS!!"

Sigaw ko habang may pag taas baba ng ginawa naming banner ni Cheska kagabi. Tawang tawa naman sila Bree sa akin at may pagkuha pa ng litrato sa akin ni Lei.

Mga ilang minuto akong ganon pero natapos ang time limit nila kaya agad agad ko kinuha ang binili kong tubig at bimpo niya na galing sa bag niya.

Pagkapunta ko sa kanya ay binigay ko na ang inumin at pinunasan siya.

"Naols!" Asha.

Natawa kami ni Bree na parehas pinuntahan ang mga love of my life namin Haha.

"Don't worry, Asha. Hindi ka nagiisa" Lei.

Napairap si Lei sa hangin at natawa naman kami. Buang kasi 'to napaka loyal kay Jae e, hindi naman siya binibigyan ng oras lol.

"Makakahanap naman ako ng bebe ko ble" Asha.

Nabubuang na tong si Asha. Maganda naman kasi ito kaso nga lang mataas ang standards nito.

"Ireto kaya kita"

Aya ko sa kanya kaso alam ko na sagot nito.

"No thanks, magiintay na lang ako" Asha.

Natapos na ang break nila kaya napabalik na ako sa upuan namin.

"Gaga ka, Asha. Tatanda ka ng dalaga"

Napairap naman siya at nanonood na ulit ng laro. Mga ilang oras kami nanood don at SA WAKAS!! PANALO SILA!!

Kinabahan kami nung una kasi ang taas ng lamang ng kalaban pero malakas ang bebe ko at ang bebe ni Bree kaya keribels naman!!

"Congrats, Mack!"

Bati ko sa kanya kaya agad naman lumabas ang gwapo niyang ngiti. Hindi ako nagsisi na pinilit akong landiin to.

"Oh anong mga balak niyo?" Lei.

Hay nako, Lei. Bulok kasi ng jowa mo e.

"May pupuntahan kami ni Bry" Bree.

Tumango na lang kami kasi sanay na kami sa kanila. Lagi sila halos magkasama. Patay na patay ba naman tong gagang to kay Bry. Pag untugin ko sila e.

"Kami den may pupuntahan" Mack.

Gulat naman ako sa sinabi ni Mack. Saan naman ako dadalhin nito.

"Pano ba yan? Maglalampungan pa ata kayo. Paalam na mga lovebirds, Lumipad kayo ng malayo mga deputs kayo" Lei.

Natawa kami ng bongga dahil sa bitterness ni Lei.

"Nasan na ba kasi yang Jae na yan?"

Tanong ko kay Lei kasi kung si Bry at Bree ay halos magkasama, kakaiba naman tong sila Lei at Jae. Once in a blue moon lang ang peg kung magkita sila.

"Huwag mo ng tanungin at umalis na lang kayo" Lei.

Ramdam ko na ang pagkabadtrip ng isang to kaya huminto na ako at baka hindi matuloy lakad namin ng bebelabs ko Haha.

"Oo na, babush"

Paalam ko sa kanila. Nagsimula na sila maglakad sa kanya kanyang nilang daan kaya ako ito at kinikilig sa tabi ni Mack Mga buang babae ren ako at may nararamdamang kilig na may halong landi ehe.

"Oy saan mo nga pala ako dadalhin?"

Tanong ko dito sa Mcdo na to char Haha.

"Simbahan" Mack.

Napatigil naman ako don.

"Oy demunyo ako hindi mo ba alam baka masunog ako don"

Pagbibiro ko kaya napatingin siya sa akin ng seryoso.

"Joke lang naman. Hindi mabiro"

Ang makaDiyos niya, samantala ako laging tambay sa bar. Magbabagong buhay na talaga ako.

"May confession na nagaganap sa simbahan kaya isasama kita" Mack.

Gulat na naman ako don. Sabagay need ko na ren mag confess ng mga kasalanan ko. Ngayong year na to ang raming nangyayare kaya kailangan kong humingi ng tawad sa Diyos.

Nagpunta na agad kami sa simbahan sa Betis. Magandang simbahan ang bumungad sa amin. Hindi pa ako nakakapunta dito kasi sa ibang simbahan kami napunta nila Asha at matagal na ren akong hindi nakakasama sa kanila.

"Ang ganda naman dito"

Pag puri ko na agad napalingon si Mack sa akin.

"Hindi ka pa ba nakakarating dito?" Mack.

Tumango ako na may halong hiya.

"Huwag kang magalala mamasyal tayo pagtapos naten mag confession" Mack.

Ngumiti naman ako. Malaki ang simbahan na ito kaya maganda magikot ikot.

Pagpasok namin ay nakita ko agad ang pangalan ng simbahan. St. James the Apostle Parish Church - Betis Church, yan ang nakita ko.

Ang gaganda ng mga disenyo sa may patio palang at nakita ko si St James the Apostle na nakasakay sa kabayo.

Ang laki at bagong pintura na ang simbahan na ito dahil nakita ko ang larawan ng simbahan na ito dati at iba na siya ngayon.

Pumasok na kami sa pinakaloob at umupo sandali. Lumuhod si Mack kaya lumuhod na ren ako. Nagsimula na muna kami magdasal.

Humingi ako ng gabay sa Panginoon para sa confession na mangyayare maya maya.

Natapos naman kami agad at inaya na ako ni Mack pumunta sa may maraming tao at naghahanda para sa confession.

Lumipas ng ilang minuto ay malapit na ang turn namin ni Mack. Medyo kinakabahan ako kasi ang tagal ko na ren hindi pa nakakapagconfess.

"Sabihin mo lang ng kasalanan mo sa pari. Kaya mo yan" Mack.

Tinignan ko si Mack at ngumiti. Ako na pinauna ni Mack. Pumasok na ako sa loob at sinimulan na ang pagconfess ko.

Naging madali pero natagalan ng unti kasi ang rami kong sinabi. Pumunta na ako sa luhuran ulit at dinasal ang mga pinadasal sa akin ng pari. Natapos naman ako agad pero hindi pa tapos si Mack kaya lumabas muna ako ng simbahan para makalanghap ng fresh na hangin.

_______________________________________

Author's note:

Sorry natagalan ako sa pagupdate. Nagkaroon kasi kami ng exam tapos nagcomeback ang svt hehe. Babawi ako talaga.

STREAM HOME;RUN!! THANKS!!

Flirted (First Gen series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon