CHAPTER 06
NANDITO ako sa isang bar ngayon, seeing those three monsters who ruined my life after so many years is still a nightmare. Para bang bumalik 'yong mga alaalang matagal ko nang ibinaon sa limot.
"Nasa'n ka? Nandito ako sa The Bar, inom tayo."
[Sige, stay there, okay?]
Nakakailang shots na ako ng Mojito nang dumating ang tinawagan ko, Dhanikha Baldozer, kaibigan ko though ilang taon siyang mas bata kaysa sa akin.
"Ate Sarah, hindi ko ineexpect na tatawag ka." Bungad niya sa akin.
May mga kasama ito at laking gulat ko nang makita ang isang pamilyar na mukha ni Aleckx, kapatid ni Davin.
"Ate Sarah..." Mukhang naguluhan ang mga kasama ni Dhanikha.
"Magkakilala kayo?" Marahan namang tumango si Aleckx.
"Asawa siya ni Kuya Xairuz, 'yung Kuya ni Raine." Sagot ni Aleckx.
Mukhang nakuha naman ng mga ito. Nakaakbay ang isang lalaki kay Dhanikha, kung hindi ako nagkakamali ay si Jaykhe Salazar.
"Stay strong sa inyong dalawa. Jaykhe, huwag mong lolokohin 'yan ha?" Angil ko rito.
"Mahal na mahal ko 'to, Ate, para ipagpalit sa iba." Sagot ni Jaykhe sa akin.
Sasagot pa sana ako nang makita ang isang bulto ng babaeng pamilyar din sa akin. Hindi ako puwedeng magkamali kaya naman nilapitan ko ito.
"Thal, nandito ka rin pala." Ungot ko sa dalaga.
"Mga kaibigan ko sila, Ate." Saad niya habang magkayakap kami.
"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Dhanikha. Tumango naman ako.
"Kapatid siya ng ex ko." Walang buhay na sagot ko.
"Si Kuya Enrique?" Tanong ng mga ito kay Thal na tumango lamang habang nakatitig sa akin.
"Nagkita ba kayo sa reunion, Ate?" Nag-aalala ang tono ng pagtatanong nito sa akin.
Pagak akong tumawa bago uminom ulit, "Nagkita nga kami." Sagot ko.
"Ate, alam ba ni Kuya Xairuz na nandito ka?" Singit naman ni Aleckx.
"Huwag mong sasabihin, huwag kang magsusumbong kung hindi mababaog ka." Pananakot ko pa sa kanya bago uminom muli.
Gumuhit ang init sa lalamunan ko at tila nag-alab ang sikmura ko dahil sa alak. Nakakamiss din palang uminom, my comfort zone.
"Anong nangyari, Ate Sarah?" Tanong muli ni Thal.
"Your bastard brother happened." Feeling ko nahihilo na ako, umiikot na rin ang paligid ko, ilang shots of Mojito. Nakaupo na sa tabi ko ang mga kasama ko rito sa counter, pinalibutan ako.
"After many years, nagpanagpo na naman ang landas namin ng Kuya mong gago." Naituro ko pa si Thal.
"You wanna hear a story?" Tanong ko bago muling nilaklak ang alak, sarap. Ang init sa lalamunan.
"Pinagpalit ako ng tangina mong kuya sa iba dahil lang sa sex." Panimula ko, natawa pa ako habang gulat naman si Thal. Oo, gago ang kuya mo. "Nang malaman ko 'yon para akong pinagsakluban ng langit at lupa, pinagpalit ako sa iba dahil lang sa kababawan na 'yon. Kaya naman tinanong ko ang sarili ko noon."
"May mali ba sa'kin? Hindi ba ako sapat? May kulang ba sa'kin? Kinamuhian ko ang kuya mo. Halos ipagulpi na siya ni Dad dahil sa nangyari pero pinigilan ko, kasalanan ko rin naman kasi nagpadala ako sa mga salita niyang gago siya." Galit na asik ko.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomanceA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...