11

27 1 0
                                    

NANDITO kami ngayon nina Melvin at Carlo sa VIP ng The Bar. Hinihintay namin si Xairuz dahil may tinatapos pa itong importanteng meeting kaya pinasabay na niya ako sa dalawa. Ilang araw na lang at anniversary na namin.

"Kamusta buhay may asawa, Sarah?" Tanong ni Melvin sa akin.

"Okay naman, bakit mo natanong?"

Ngunit hindi nakasagot si Melvin dahil sumingit bigla si Carlo, "Oo nga ba't mo tinatanong? Lalagay ka na rin ba sa tahimik?"

Sinamaan ni Melvin ng tingin si Carlo, "Kung ikaw kaya ilagay ko sa tahimik? Bawal ba magtanong?"

Napalabi naman ni Carlo, "Hindi naman." Bumaling naman ito sa akin, "So kamusta naman si Xairuz bilang asawa?"

Natawa naman ako dahil binatukan ito ni Melvin, mangangalap din pala ng balita.

"Okay naman." Nakangiting sagot ko sa kanya..

Ngunit ngumiti rin ang dalawa at tila nang-aasar ang mga ito. Mabait naman ang dalawang 'to, sadyang maloko lang din lalo na kapag magkakasama silang magkakaibigan.

"Tawagan natin asawa mo, ipaprank namin. Tignan natin kung anong gagawin niya, Mas mahalaga ba ang meeting kaysa sayo?" May mapang-asar na ngiting imik ni Carlo.

Tinawagan nga talaga nito si Xairuz at hindi nagtagal ay sinagot din nito ang tawag, naka loud speaker pa para raw rinig na rinig ko.

[Hello? Anong problema? Si Sarah?] Sunod-sunod na tanong nito, nagpipigil naman ng tawa ang dalawa at nakatingin lamang ako rito at natutuwa rin.

"Xairuz sorry." Paawa effect na boses ni Carlo.

[Bakit? Anong nangyari? Putangina Carlo Jake Palma mapapatay kita kapag may nangyari sa asawa ko.]

"Eh kasi dude hindi namin napigilan ni Melvin si Sarah, nagpumilit mag-inom tapos ayon sumugod sa kabila kasi gusto raw magsayaw, ayaw paawat e." Sabi ni Carlo rito at tumingin sa akin na humihingi ng paumanhin sa sinabi niya sa asawa ko.

[Gago kayo, kapag talaga may nangyari sa asawa ko o kahit may lumapit na lalaki dyan at dinikitan ng kung sino, putangina kayo wala akong pakielam kung kaibigan ko kayo, yayariin ko kayong dalawa!] Sigaw ni Xairuz.

Nagpipigil naman kami ng tawa dahil sa sinabi ni Xairuz, sinenyasan naman ako ni Carlo na magsalita para pakalmahin ang asawa kong ramdam na ramdam namin ang galit kahit pa sa tawag lang.

"Xairuz?" Natahimik naman kabilang linya na kanina ay puno ng mura dahil sa prank ni Carlo, si Melvin naman ay tahimik lang na nag-iinom ngunit nakikinig din at natatawa.

[Wife.. you okay? Can you please stay with the two bastard until I get there? I already cancelled the meeting and I'm on my way there, so please baby.] Iba na ang tono ng pananalita nito, malambing at nagsusumamo, hindi katulad kanina na puro mura ang lumalabas.

"Nandito lang naman ako, you're on loud speaker by the way and Carlo is just messing up with you. I'm not drunk and I'm not on the dance floor." Sagot ko.

[Humanda sa akin 'yang dalawang 'yan.]

"Ingat dude!" Sigaw ng dalawa bago patayin ni Carlo ang tawag. Nagkatitigan kaming tatlo at sabay-sabay na tumawa, para namang kinukulang sa hangin si Carlo at napapaubo na si Melvin sa katatawa.

Nagtatawanan pa kami nang may dumating at lumapit sa table namin.

"Sarah." Bati nito sa akin, napatigil naman kami sa katatawa. Napalingon si Melvin at Carlo sa bagong dating at nag seryoso ang itsura ng dalawa, tila ba mapapaaway sila.

"Daniel, nandito ka pala." Bati ko rin dito.

"Hindi ko inaasahan na nandito kayo, plano ko sanang puntahan ka bukas pero nandito ka na pala." Napatingin ito sa mga kaibigan niya, "Nandito pala kayo pero hindi niyo ako inimbitahan."

UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon