"HELLO?" Sagot ko sa phone nang may tumawag dito.[Ate Sarah? It's me, Raine.]
Itinigil ko sandali ang pagsusulat para mapagtuunan siya ng pansin.
"Hey, it's been a long time."
[Oo nga Ate, I really wanted to catch up with you pero mukhang busy ka.] Bakas sa boses nito ang panghihinayang at nakaramdam ako ng guilt.
"Hindi naman, nasa'n ka ba? We could bond naman if you really want."
[Nandito pa ako sa opisina, Ate. Can you come here and wait for me to finish? May ilang paper works lang akong tatapusin ang we're good to go.]
"Sure, sabihan mo rin si Beatrixe."
[Yes Ate, ingat ka. See you.] At pinatay na ang tawag.
I felt guilty for leaving just like that without a word pero hindi naman ako nagsisisi, it's just napalapit na rin sila sa akin and I guess it's unfair for them.
Inayos ko ang gamit ko bago tinawagan ang yaya ni Aciel.
"Klare, ikaw na muna ng bahala kay Aciel ha? May pupuntahan lang ako at hindi pa ako sure sa oras ng uwi ko."
[Gano'n po ba, Madam? Sige po, ilalock ko po ang pinto.]
"Salamat, Klare." At pinatay ang tawag para magtungo sa Costillano Companies.
Nasa harap ako ng lugar na minsang kong isinumpa at ilang ulit sinunog sa isipan, ang lugar na punong-puno ng masasamang alaala.
'Laban, Sarah.'
"Magandang araw po." Nakangiting bati sa akin ng guwardya, ginantihan ko naman ito ng ngiti.
"Nasa'n ang opisina ni Raine Leverson?" Tanong ko sa receptionist.
"Nasa 28th floor po."
"Salamat." Ngiting saad ko bago nagtungo sa elevator.
Nakaramdam ako ng panlalamig at pagpapawis habang nasa loob ng elevator.
"Madam Sarah?" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko.
Escobar.
"Ikaw nga, Madam. Ang tagal niyo hong nawala buti ay nakabalik na kayo." Muli ay inilahad nito ang isang libro sa akin.
"Moments before moonrise." Basa ko sa librong nakalahad sa akin at tinanggap ito maging ang ballpen.
"Akala ko ho noon ay 'In The Depth of The Sea' ang paborito kong akda ninyo pero nang inilabas niyo po ang 'Moments Before Moonrise' ito na ho ang paborito ko."
"Salamat naman kung gano'n." Napatingin ako sa nameplate niya, 'Manager', "Kamusta pagiging manager? Successful ka na rin ngayon, nasa'n nga pala ang palagi mong kasama?"
"Nasa kabilang building ho, manager na rin."
Talaga namang ang daming nagbabago, dalawang taon akong nawala at ngayon ay may mga nag bago na gaya ng kalagayan nina Escobar. Noon ay simpleng empleyado lamang sila rito at ngayon ay mga pawang manager na, nakakabilib.
Nang makapasok ako sa opisina ni Raine ay nakita ko siyang busy sa harap ng laptop niya.
"Raine." Tawag ko sa kanya.
"Omgg, Ate Sarah! You're here!" Tili niya na tila ba sampung taon kaming hindi nagkita.
Nayakap kami at nagbeso bago naupo.
"Saan ba tayo? Natawagan mo na ba si Beatrixe?" Sunod-sunod kong tanong dito.
Ngunit hindi niya ako sinagot bagkus ay tumayo ito at kinuha ang mga papel sa table.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
عاطفيةA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...