14

23 1 0
                                        

"BUTI naman at pinayagan ka ng asawa mong sumama sa'min." Nandito kami ngayon sa rest house ni Xairuz. The place is indeed amazing.

"Ganda naman dito, sure ka bang rest house lang 'to ng asawa mo at hindi mansyon?" Tanong ni Sam habang inililibot ang paningin sa buong bahay. Kahit ako ay iyon ang nasa isip, this is really far from a rest house.

"Para namang ngayon ka lang nakakita ng ganito, halos ganito rin naman ang sa inyo." Pambabara ni Cheska kay Sam.

This two really bicker like a couple.

"Epal mo, bawal ba i-admire yung ganda nitong place?" Irap nito kay Cheska na ikinatawa ko ng bahagya.

"Pasok na tayo." Aya ni Cheska.

"Ma'am Sarah, nandito na ho pala kayo. Magandang araw ho sa inyo, ako po ang tagapangalaga nitong bahay. Nanang Celia ho ang pangalan ko." Bati ng matanda sa amin na may ngiti sa labi.

"Kinagagalak ko ho kayong makilala, Nanang Celia. Ako ho si Sarah, asawa ni Xairuz at ito pong dalawa ang mga kaibigan ko, sina Sam at Cheska po." Pakilala ko.

"Mabuti naman po at maganda ang byahe–"

"Nandyan na ba sila?" Boses ng isang matandang lalaki.

"Ma'am Sarah, ito si Berting, asawa ko." Pakilala nito sa bagong dating.

"Kaganda naman pala talaga ng asawa ni Blue."

Blue? I'm pretty sure na Xairuz ang pangalan ng asawa ko.

Napakunot noo ako sa tinuran ng matanda, "Ah, Blue ho kasi ang tawag namin kay Xairuz simula pa noong maliit siya."

Napatango naman ako, "Ako na ho ang mag-aakyat ng mga gamit ninyo."

"Salamat ho Mang Berting." Sabay-sabay naming tatlong pasasalamat.



"SO, anong plano natin ngayon?" Tanong ni Sam habang nilalantakan ang biko na gawa ni Nanang Celia.

"Alamin ang recipe nitong biko." Sagot naman ni Cheska na sarap na sarap sa gawang biko ni Nanang Celia.

"Gusto ko sanang ipagpatuloy yung sinusulat ko." Sagot ko.

Napatigil naman ang dalawa sa pagkain at tinitigan ako ng masama.

"Gaga kang tunay, Sarah. Edi sana hindi ka na lang sumama sa amin dahil kayo mo rin 'yang gawin doon, baliw." Angil ni Cheska sakin bago muling sumubo.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga kasi alam ang gagawin, ni akala ko nga ay hindi ako papayagan ni Xairuz nang ipaalam ito ni Cheska.

"Sige, chikahan mo na lang kami ng balita tungkol sa inyong mag asawa. Kamusta kayo?" Singit ni Sam.

"Okay lang naman." Tila kinabisang sagot ko.

Okay lang naman talaga kami, nagkaroon pa nga kami ng romantic dinner na siya pa mismo ang naghanda kaya alam kong okay lang kami.

"Ang peke, parang dede ni Daniella." Sabat naman ni Cheska na ikinatawa nilang dalawa habang ikinatahimik ko.

Narinig ko na naman ang pakingshet na pangalan na 'yon na siyang dahilan kung bakit nawala sa amin ang anak ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kung hindi pa ito pinahid ni Sam.

"Wala kang kasalanan, tandaan mo yan, okay?" Malambot na imik niya sa'kin habang tinutuyo ang luha kong hindi ko maimpit sa pagragasa.

"Ano ba yan! Tama na ang emote natin ngayon, nandito tayo para maging happy at magrelax relax. Huwag ka munang mag-isip ng pangit, sumasama ang panlasa ko."

UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon