15

22 1 0
                                    

IT'S been a week simula nang pumunta si Xairuz sa bahay at walang araw na lumipas simula noon na hindi siya magpadala ng bouquet of red rose na may kalakip na munting sulat. Kagaya ng natanggap ko ngayon-ngayon lang.


Day 8,

I miss you already, wife. See you real soon


This man never fail to amuse me and now that I'm somehow calm and composed, I think it's time to listen to hear to his explanation.

"Another flower from husband?" Tukso ni Mom sa'kin.

"Kailan mo ba balak kausapin ang asawa mo, anak? Kawawa naman yon, pakinggan mo muna ang paliwanag niya saka ka magdesisyon." Boses iyon ni Dad na kakasulpot lang pala.

"Kapag nakapagpaliwanag na siya at ganyan pa rin ang gusto mo, ang lumayo o makipaghiwalay ay hahayaan ka namin pero pakinggan mo muna siya. Mabait na bata 'yan si Xairuz kaya hindi ko alam kung totoo ba ang balitang nakikipagdate siya gayong may asawa siya."

Magsasalita sana ako nang unahan ako ni Dad, "Napanood mo ba nang aminin niyang hindi totoo ang kumakalat na balitang yun at buong tapang niyang sinabi na kasal kayong dalawa. Hindi yun gagawin ng isang lalaking nagtataksil, anak." 

Hindi ko alam, dahil simula nang lumabas ang balitang 'yon ay pinatay ko ang cellphone ko at hindi ako nanonood ng balita.

"May balak ka bang kausapin ang asawa mo?" Umaasang tanong ni Mom.

"Opo, baka po mamaya ay ako mismo ang pumunta sa opisina niya para masinsinan kaming makapag-usap." Sumilay ang ngiti sa mukha ng mga magulang ko dahil sa sinabi.

"Mabuti kung ganun, maging maayos na sana kayong dalawa."

Sana..

--

NANDITO ako sa café ni Cheska, napagdesisyunan kong dumaan muna rito bago pumunta sa opisina ni Xairuz.

"Kamusta kang babae ka? Wala kang paramdam sa amin." Bungad ni Cheska nang niyakap ko siya.

"In-off ko muna kasi yung phone ko, pasensya na." At naupo sa harap niya sa puwesto kung saan palagi kaming nakaupong magkakaibigan.

"So, anong masamang hangin ang nagtulak sayo rito sa maganda at payapa kong café?" Irap niya sa akin, tila nang-aasar.

"Maganda ang café mo pero hindi payapa lalo na kapag nandito ka. Maghanap ka na ng asawa sa ibang bansa at lumagay sa tahimik." Sagot ko.

Disgust is written in her face, "Mag asawa? No way. Fling fling lang, enjoyin ko muna bago ko mahanap si Mr. Right na iibabaw sa'kin este sa cupcake ko kagaya ng sabi ni Kim Chiu."

"Fling-fling." Panggagaya ko sa sinabi niya, "Malapit ka na mawala sa kalendaryo gaga, tumahimik ka na, I mean.. lumagay sa tahimik."

Inirapan niya ako na siyang nagpatawa sakin, "In your dreams, shatap ka na nga. Sinusumpa mo ako e."

"Wala si Sam? Naghahanap ng papa?" Tanong ko.

"Gaga, busy sa hotels nila ang bruha kaya ayun wala siya rito ngayon." Huminga ito ng malalim at tumingin sa itaas kaya napatingin din ako, "Sam, bruha, kung nasaan ka man ngayon.." Putol niya sa sasabihin na inaabangan ko.

"Dyan ka na lang." At sabay kaming humalakhak.

"Gaga ka, pinatay mo naman agad. Kung nandito 'yon, wala na tayong free presidential suite sa hotel no'n" Paalala ko rito.

UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon