"ACIEL?" Tawag ko sa aking munting prinsipe na kuhang-kuha ang cerulean eye ng kanyang ama.
"There you are." Humagikhik ito at tataw- tawang kumakawala mula sa pagkiliti ko sa kanya.
"Mom top." Imik nito kahit nagpupumiglas mula sa akin. 'Mom stop.'
Tumigil ako sa pagkiliti sa kanya kaya't napirmi siya sa magkakaupo sa hita ko.
"We'll go back to the Philippines, tomorrow. You ready to meet Lolo in person?" Mabilis itong tumango.
Si Mom ang halos palagi niyang kasama rito sa bahay dahil minsan ay nasa book event ako. Mula nang makarating kami rito sa New York ay nagsimula muli akong magsulat kung kaya't may mga libro akong inilabas.
Magdadalawang taon na si Aciel, at hindi pa niya namimeet si Dad sa personal dahil hindi ito makasunod sa amin gawa ng trabaho.
"Let's pack our things." At hinalikan ito sa pisnge.
NANG makalapag ang eroplano ay tila ba bumabalik sa akin ang mga alaala ng kahapon na ayaw kong balikang muli kaya itinuon ko ang atensyon ko sa katabi ko at sa batang karga nito.
"Thank you, Kervin." Nagkaroon kasi ito ng concert sa New York at dinalaw kaming mag-ina, at ngayon ay sumabay sa amin ng uwi dahil nais niyang makasama ang anak ko kaya nauna siyang umuwi kaysa sa buong crew nila.
"Wala yun, nasa'n na ba sina Tito at Tita?"
"SARAH! DITO!" Alam kong boses iyon ni Mom at talagang tumili pa, nakakahiya sa ibang tao.
Lumapit kami rito ni Kervin, "Ang ingay mo, Mom. Nakakahiya ka."
Hindi ako nito pinansin at binati si Kervin at kinuha rito si Aciel na nagising dahil sa ginawa ni Mom.
"Wowa!" Yumakap ito kay Mom na ikinagalak naman ni Mom, talagang tuwang-tuwa sa apo.
"Welcome back." Sabay naming saad ni Kervin.
"Tara na sa bahay, naghanda kami ng munting salo-salo." Kokontra sana ako ngunit pinigilan ako ni Mom, "Huwag ka ng kumontra, sinisiguro ko sayong munti lang talaga ito." Wala na akong nagawa.
"WELCOME home!" Bati ni Dad sa amin pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay.
"Aciel, siya si Lolo mo." Pakilala ni Mom kay Aciel kay Dad.
"Wowo?" Nagniningning ang cerulean eyes nitong tanong kay Mom.
"Yes, Aciel, ako si Wowo." Binuhat nito ang apo at kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata nila.
"Kumain na tayo, Sarah, Kervin. Nang makapagpahinga kayo, paniguradong pagod kayo mula sa byahe."
"Opo, Dad." Bumaling ako sa anak kong nakagiti sa bisig ni Dad.
"Happy?"
"Super."
"ACIEL, we will go to a convention, okay?"
"Ention?" Nakangiting tanong sa akin ng anak kong napakacute.
"Yes baby, we'll go to ention. You like that?" Mabilis itong nagtatalon na tila ba sobrang excited.
"Let's get you, ready." Mabilis itong nagtungo sa banyo.
"Mom, fast." Tawag nito sa'kin.
"Welcome back, Madam Sarah." Bati ni Bianca nang makapasok kami ni Aciel sa convention, mukhang siya na naman ang organizer.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomanceA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...