Today is the day.
NANDITO kami ngayon sa isang private property ni Xairuz to celebrate our 1st wedding anniversary. Even my parents na nagbabakasyon sa Greece ay bumalik dito para sa araw na ito.
Nakatitig ako sa set up ng buong lugar, talaga namang napakaganda at pinaghandaan. Nawala kasi sa isip ko ang nalalapit naming anniversary dahil sa nangyari pagbabanta sa buhay ko, hindi ko alam na inasikaso na pala ni Xairuz ang lahat.
"Napakaganda ng lugar, Ate Sarah." Bati sa akin ni Beatrixe, nandito ang buong pamilya ng mga Costillano at mga kapwa business men na kaibigan ng mga pamilya namin.
"Talagang pinaghandaan ni Kuya Xairuz ang anniversary niyo kaya ang bongga-bongga." Masaya at manghang imik nito.
Nakita ko naman papalapit sa amin si Jacobe, na siyang asawa ni Beatrixe at nakakunot ang noo. Ano kayang nangyari sa isang 'to?
"Bae.." Tawag nito sa asawa at niyakap ito mula sa likuran, nang-iingit.
MissEKS: Inggit ako. Sino ba naman ako para yakapin?
"Ang effort ni Kuya." Muling imik nito na mas ikinabusangot naman ni Jacobe.
"Mas maeffort ako kaysa sa kanya, bae." Anito sa tonong nagsusumbong.
Naalala ko na, nabanggit sa akin ni Beatrixe noon na dinala siya ni Jacobe sa isa sa private property ni Xairuz dahil doon siya dinate nito dahil sa pangyayaring birthday niya. Hindi ko naman alam na dito 'yon, kaya pala grabe makabusangot si Jacobe habang tinitignan ang set up.
Iisipin mo nasa reception ka ng isang beach wedding, may pa stage pa. Ang lugar ay talaga namang nakakamangha sa ganda at pinaghandaang mabuti.
"Don't be such a jealous baby, this isn't our day so shut up." Pangaral ni Beatixe sa asawa.
Nakakatuwa silang pagmasdan dahil halatang under ni Beatrixe si Jacobe.
"Ate, doon muna kami nitong asawa ko dahil mukhang nagpapalambing." Mukhang gusto pang umalma ni Jacobe sa sinabi ng asawa pero nakuha ito sa tingin.
Nang makalayo ang dalawa ay humarap ako sa dagat at pinagmasdan ang ganda ng lugar.
Beautiful.
"Wife.." Rinig ko ang boses ng asawa ko mula sa likuran ko at ilang saglit lang ay naramdaman ko ang presensya niya at ang braso niyang pumulupot sa bewang ko.
"You're spacing out, baby." Muling sabi niya nang manahimik ako. "What are you thinking?"
"Are you happy?" Wala sa sariling naitanong ko sa kanya.
"What kind of question is that? Of course I'm happy, baby." Sagot ni Xairuz.
I'm glad.
Hinarap niya ako sa kanya at muli akong nahulog sa cerulean niyang mga mata, napakaganda. Para yatang nalaglag ang panty ko nang ihandog niya sa akin ang nakakamatay niyang ngiti.
Kalma heart, asawa mo na 'yan.
"You're so beautiful. Wala na akong mahihiling pa, baby."
Ikinulong niya sa kanyang palad ang aking pisnge, at hinalikan ako sa noo na siyang ikinapikit ng aking mga mata na ninanamnam ang kilig. Bumaba ang kanyang halik sa aking labi, naghalikan kami na para bang walang nanonood sa aming dalawa.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay pareho kaming napangiti.
"Te amo, mi amore." Madamdamin niyang sabi habang magkatitigan kami.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomanceA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...
![UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/239545245-64-k727803.jpg)