19

23 1 0
                                        

"YOU'LL pay for this, Kuya." Naiinis na bulong ko dahil imbes na nasa opisina ako ay papunta ako ngayon sa ospital sa utos ng magaling kong Kuya.

"I'm torn between telling you the truth and hiding it from you tapos gaganituhin mo 'ko?" Umingos pa ako habang kinakausap ang sarili ko, "I'm really keeping the truth away from you, bahala ka dyan."

Buhat ang isang fruit basket na pinabili ni Kuya sa akin, buti nga babayaran niya 'to kung hindi ay 'di talaga ako susunod sa kanya. Kahit pa inis na inis ako sa Ina ni Daphne ay hindi mo maikakailang malambing yung bata, malayong-malayo sa Ina niyang baliw at kay Kuya na akala mo pinaglihi ni Mama sa yelo o mamon.

Dumeretso ako sa room nung bata, sana lang ay gumaling na siya. Napakapabayang Ina naman kasi nung baliw na 'yon, sabagay, baliw nga, hindi ba?

Hindi na ako kumatok pa dahil alam kong inaasahan nila ang pagdating ko, pero ako ata ang nagulat sa naabutan ko.

Hindii pa ako nakakapasok talaga sa loob nang makarinig ako ng sagutan sa pagitan ni Daniella at isang lalaki.

"Aminin mo na kasi! Sa tingin mo naniniwala ang mga Costillano na anak ni Xairuz si Daphne?!" Sigaw ng lalaki, ramdam kong galit na galit ito kay Daniella.

"Hayaan mong makasama ko ang anak ko! Hindi yung pinapaako mo sa iba!" Muling sigaw nung lalaki.

'Anak? Si Daphne?'

"Sabing hindi mo anak ang anak ko! Si Xairuz ang tatay ni Daphne! Bakit ba ang kulit mo?!" Bawing sigaw ni Daniella.

Natutulog ba ang bata? Nagsisigawan sila dito mismo sa loob.

"Kasi nababaliw ka na! Matalino si Xairuz, sooner or later malalaman din niyang hindi sa kanya si Daphne!"

Nababaliw na sila pareho, this has to stop. Sinubukan kong lumabas na parang walang narinig at saka kumatok, parang tanga lang, hindi ba? Para naman hindi halata.

"Pasok." Boses iyon ni Daniella.

Nang tuluyang akong pumasok ay pareho silang nanigas sa kinatatayuan nila, tinignan ko ang bata at talaga namang natutulog nga ito. Mga baliw sila, nagpapahinga at nagpapagaling yung bata tapos dito pa nagsigawan.

"R-Raine, i-ikaw pala." Bati sa akin ni Daniella, hindi ko sila binigyang pansin pareho at naupo sa kama kung saan nakahiga ang bata.

"Kamusta na si Daphne? Anong sinabi ng doctor?" Tanong ko rito.

"P-Pwede na makalabas bukas kasi t-tumataas na ang platelet count niya." Mabuti naman.

Hinaplos ko ang buhok ng bata, "Pagaling ka baby girl ha, para mameet mo na ang mga pinsan mo." Siniguro kong rinig ni Daniella ang sinabi ko para isipin niyang tanggap na sila sa pamilya. Si Daphne, matatanggap ko anak man siya ni Kuya o anak ng lalaking ito dahil mabait at malambing itong bata, yung Ina lang naman niya ang may saltik.

"Si Xairuz nga pala?" Tanong nito sa akin, hindi pa ba enough na pinadala ako ni Kuya dito para tignan at kamustahin si Daphne? Si Daphne ang sadya namin, hindi siya.

"Busy si Kuya." Malamig kong sagot dito. Pinakatitigan ko rin ang lalaking nandito at sumisigaw kanina, malambot itong nakatingin kay Daphne na para bang hindi sila nagsigawan ni Daniella sa harap nito.

"Pa'no, mauuna na ako. Dumaan lang ako rito at may pupuntahan pa ako."

"S-Sige." Walang imik akong lumabas ng kuwarto, nakakapagod talagang makipagplastikan sa baliw na yun.

[Hello?] Boses ni Kuya Claude ang bumungad nang sagutin ko ang tawag.

"Napatawag ka, Kuya?"

[Baliw, late ka na. Nasa'n ka na ba? Kasama namin ang mga bata.] Rinig ko nga ang mga hagikhikan at tawanan sa kabilang linya.

UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon