25

29 1 0
                                        

"Ready?" My son asked me, I shook my head. I'm still nervous and sweating bullets.

"Dad's nervous" he even got to tease me.

"She might reject me" Takot ako, takot akong baka maudlot ang plano ko. Hindi ko na kayang mag aksaya pa ng oras, few years were already enough for the heartaches. I want to be happy, with her, with them, with my family.

Tila matanda na ang anak ko na siyang nagpapangaral sakin at sa kung ano ang dapat gawin. A man to man talk kumbaga.

"Please, don't hurt her again Dad.." words from my own child. Alam ko sa sarili ko na nasaktan ko siya, and I won't do the same mistake ever again. Natrauma na ako, ayokong iwan na naman niya ako lalo na ng anak ko.

Pinakatitigan ko ang anak ko, nakita ko bigla ang sarili ko sa kanya. Ikinulong ko sa palad ko ang kanyang malambot at may katabaang pisnge.

"Mahal kita, mahal ko ang Mommy mo. Hindi ko kayo sasaktan, hinding hindi na.."

My son stared at me with adoration in his eyes and I'm loving it. When we both heard a knock.

"Xairuz? Aciel?" She's here. Boses pa lang niya bumibilis na ang tibok ng puso ko damn, this is how she affects me.

The door opened and there I saw my beautiful wife wearing a one piece black swimsuit under a light pink cover shirt. Beautiful.

"Nandito lang pala kayong dalawa, tara na sa baba, hinahanap na kayo" walang nagbago, kung ano siya noon, kung pano siya noong makilala ko, walang nagbago, siya pa din ang babaeng minahal at mahal na mahal ko hanggang ngayon.

"Nandyan sina Kuya David?" Bakas sa boses ng anak ko ang tuwa at hindi maitagong excitement.

Tumango naman ang maganda kong asawa at ngumiti, "Hinihintay ka sa baba" lumapit ito samin at binuhat ang anak.

"Ang laki mo na. Let's go to Kuya David?" She asked.

My son nodded in excitement, bumaling naman sakin si Sarah. "Let's go?" I smiled.

Lumapit ako sa mag-ina ko at kinuha  si Aciel dito tsaka binuhat. Pinulupot ko naman ang isang braso ko sa bewang niya at hinapit siya papalapit sakin.

"Tyansing pa" asar niya sakin. Hindi ko itatanggi, I just want to hold her really close to me.

"Akin ka naman kasi talaga" bulong ko sa tenga niya. Siko sa tagiliran naman ang natanggap ko sa asawa ko.

Nang makababa kami sa beach ay doon naghihintay sa amin ang buong pamilya naming dalawa. Sinalubong ng yakap ni David si Aciel na humahagikhik sa tuwa.

Iniwan naman ako ng asawa ko at nagpaalam na kakausapin lamang ang mga kaibigan niya. Umaayon ito sa plano ko.

"Ready ka na ba?" Tanong naman ni Claude sakin, bakit ba laging ganyan ang bungad nila sakin?

"Handa na pero kinakabahan ako" honest na sagot ko. Tinawanan naman nila ako na para bang isang malaking joke ang sinabi ko.

"Kaya mo yan, Kuya" pang-eengganyo pa sakin.

Hindi ko na pinakinggan ang mga pang-aasar nila lalo na't nandito din ang mga kaibigan ko. Itinuon ko ang pansin ko sa asawa kong panay ang ngiti sa mga kasama namin.

"Matunaw yan" rinig kong pang-aasar sakin ni Carlo na may pagtapik pa sa balikat ko.

"Tigulan mo 'ko, Carlo" madiing sagot ko dito, dahil puro pang-aasar na naman panigurado ang makukuha ko ngayon.

Ngiting ngiti ang asawa ko habang kinakausap ang mga kaibigan niya. Nakakatuwa ding makitang masaya si Sam sa asawa niya habang tila diring diri si Cheska sa nakikita niya, kailan kaya ito magkakalove life?

UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon