01

54 3 0
                                    

CHAPTER 01

"I now pronounce you as husband and wife..."

"You may now kiss the bride." Nakangiting imik ni Father sa dalawa. At last, after so many hardships ay naikasal din silang dalawa.

Sa reception ay nagkakasiyahan ang mga tao, music, food and even entertainment. Complete package na.

After being far away from each other, struggling and conquering challenges that test their love and relationship, sa simbahan pa rin ang punta nilang dalawa.

Wearing her beautiful wedding dress, the bride entered.

"Congratulations." Nakangiting bati ko kay Beatrixe, asawa ni Claude na kapatid ko.

"Thank you, Kuya." Yumakap ito sa akin.

"Kuya naman, asawa ko 'yan." Narinig ko ang boses ng kapatid ko, so possessive.

"Chill brother, asawa mo ang yumakap sa'kin." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Nagtinginan naman ang dalawa at sa huli ay natawa si Beatrixe.

"Ang seloso mo, nag thank you lang ako kay Kuya."

Walang imik na niyakap ng kapatid ko ang asawa niya, sa harap ko pa talaga.

"Single here." At kumaway pa ako sa kanila.

"Bakit ba kasi hindi ka pa mag girlfriend, Kuya?" Naguguluhang tanong ni Beatrixe, "I mean, maayos naman na ang company and nasa tamang age ka na rin naman."

"He's waiting for someone kasi, bae." Sagot ni Claude.

Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko, napaka-epal talaga buti natagalan ni Beatrixe 'to.

"Totoo naman kasi, Kuya, in love ka pa rin sa kaniya and don't deny it baka tawagin ko pa si baby para tumistigo." Nakangising asar sa akin ni Claude.

My siblings know kung sino ang babaeng mahal ko since college days ko. At first wala talagang nakakaalam kung sino not until hiniram ni baby ang laptop ko and doon niya nakita ang hindi dapat makita nino man, later on nalaman ko na alam na rin ni Claude.

"Whatever, diyan na nga kayo." Nagtungo ako sa Garden para magpahangin habang may hawak akong baso ng alak sa kamay ko.

Naalala ko ang first love ko, she's a real beauty. Pero nawalan na ako ng balita sa kaniya after college, siguro nga kasal at may pamilya na siya ngayon. After the reception ay may sarili kaming family reception. Napag-usapan ang mga nangyari hanggang sa mabaling sa akin sa usapan.

"Kailan mo ipakikilala ang girlfriend mo sa amin, Xairuz?" Naniningkit na matang tanong ni Mama.

Sa aming tatlong magkakapatid, ako na lang ang walang girlfriend at hanggang ngayon ay hindi pa kasal. Naunahan pa ako ng dalawang kapatid ko, napag-iiwanan na ako.

"Ipapakilala ko kaagad, Mama, kapag may girlfriend na ako." Sagot ko naman.

"At kailan pa 'yon? Okay naman na ang company, nandiyan din si Beatrixe, Claude at Davin para tulungan ka. What's stopping you, anak?"

"Alam ko 'yon 'Ma, pero sadyang wala naman akong matipuhan and please?" tiningnan ko siya, "Stop setting me up sa mga blind dates na 'yan, it's not working 'Ma."

"Kung ayaw mo sa mga blind dates na 'yon ay ipakilala ko sa akin ang nobya mo or else mapipilitan akong i-arrange marriage ka anak." Pananakot ni Mama sa akin.

"'Ma, may ibang gusto si Kuya huwag mo namang i-pressure." Singit ni Claude na tumingin din kay Raine para tulungan ako.

"Oo nga 'Ma, kalma ka lang." Sulsol pa ni Raine.

UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon