HINDI ko alam ang pumasok sa isip ko nang sabihin ko kay Xairuz ang totoo. I'm fucked up. My son..
"Sir, pasensya na po. Wala pong ticket ang sasakyan niyo" napukaw ang diwa ko ng hawakan ni Xairuz ang kamay ko na tila ba kailangan niya ng tulong.
Sumilip ako sa guard na, "Kuya Fidel.." Sinubukan ko ding ngumiti kahit na humigpit ang pagkakahawak ni Xairuz sakin.
Mukhang nagulat pa si Kuya Fidel nang makita ako, "Kayo po pala Madam Sarah. Bagong sasakyan po? Ang gara, Madam. May driver pa kayong gwapo. Sige po, tuloy na po kayo"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni Kuya Fidel tungkol sa kasama ko pero damn, nahihilo-hilo pa ako.
Nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan ay nag-angat ako ng tingin sa kanya, baka kasi itatanong niya ang daan papunta sa bahay.
"Baba" huh?
Nilingon ko ang paligid at laking gulat ko dahil nasa harap na kami ng bahay namin, papa'no niya nalaman ang address ko?
Bumaling ako sa kanya at natulos ako nang makitang may lungkot at pangungulila ang mga mata niyang siyang nakatitig sakin. Napaiwas ako nang tingin at humugot ng hininga bago naglakad patungo sa bahay. Gulat ang bumahad sa mukha ko nang alalayan niya ako sa muntik kong pagkakatumba.
"Careful" malalim na boses niyang paalala sakin bago ako iginaya sa bahay. Siya na din ang naghanap ng susi dahil paniguradong ikakalat ko lang ang mga gamit ko.
Nang makapasok kami ay dilim ang sumalubong samin kaya binuhay niya lahat ng switch ng ilaw, akala mo siya nagbabayad ng kuryente.
"Where's your room?"
Bakit niya tinatanong? Magsese– stop it, Sarah. Manloloko yang asawa mo so huwag mo na ulit pagnanasahan yan.
"Upstairs.. Ikaw na muna bahala dito, magpapahinga na ako. Goodnight" para bang sanay na sanay akong sabihin sa kanya ang mga salitang yun. Paakyat na sana ako nang bigla akong lumutang, sabi na may powers talaga ako.
Pero naamoy ko si Xairuz, may powers din siya? Sinubukan kong idilat ang mga mata ko at mukha niya ang unang bumungad sakin. Napakagwapo pa din at napakakisig kaya naman maraming babae ang nahuhumaling sa kanya, idagdag mo pa ang cerulean eyes charm niya na talaga namang ikalalaglag ng panty mo.
"Done eye-raping me?" Pinihit niya ang isang pinto at inihiga ako sa kama ko, pa'no niya nalamang kuwarto ko 'to?
"Can you freshen up? I mean, can you manage? Tulungan na kita, o-okay lang ba?" Nakatitig lang ako sa kanya at biglang naalala ang mga panahong nag-iisa ang aming katawan. Huwag kang papatalo, Sarah.
Hindi ako sumagot at basta na lang nagtungo sa banyo ng kuwarto kahit na pa-ekis na ang lakad ko.
Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin, namumula ako sa kalasingan. Biglang pumasok sa isip kong nasabi ko na nga pala kay Xairuz ang totoo.
"Ang gaga gaga mo talaga, Sarah! Shit ka! Shit ka!" Nakakafrustrate. Wala sa sariling tumulo ang luha ko sa inis.
Ganito ba talaga ako karupok?
Inayos kong muli ang sarili ko at inalis ang bakas ng luha sa mga mata bago lumabas. Naabutan ko si Xairuz na nakaupo sa kama ko habang hinahaplos ang picture namin ni Aciel, kita kong tumulo ang luha niya. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko.
"Xairuz.." Mahinang tawag ko sa kanya. Pinunasan nito ang luha niya bago bumaling sakin, hawak hawak pa din ang picture naming mag-ina.
"N-Nasa kabilang kuwarto si A-Aciel.." Hindi ko alam kung saan nakakuha ng lakas ng loob magsalita.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomantizmA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...
![UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/239545245-64-k727803.jpg)