NAKABALIK na kami sa bahay namin, kasama pa din namin si Klare. Iniisip ko ngang ibigay sa kanya ang bahay sa kabilang subdivision dahil mukhang walang balak si Xairuz na pakawalan kaming mag-ina. Dito na din bumibisita sina Raine at ang mga bata para makita at makasama si Aciel.
Walang pinagbago ang bahay, kung pa'no ko ito iniwan noon ay ganon na ganon pa din ito ngayon. So, Xairuz is really waiting for me, for us to comeback here.
Katulad noong first day namin dito after the wedding ay sa unang guest room ako natulog kasama si Aciel habang nasa pangalawang guest room naman si Klare. Nang biglang pumasok si Xairuz sa kuwarto na akala mo hinahabol ng sampung bakla na balak siyang halayin.
"Akala ko umalis kayo at iniwan na naman ako"
Pinalipat niya kaming mag-ina sa masters bedroom, I've got mo choice dahil kinarga niya bigla ang natutulog na si Aciel, buti at hindi nagising. Sumunod na lang ako dahil gusto kong makasama ang anak no and oddly to see kung may nagbago ba sa kuwarto namin. Wala, it's still the same. Akala mo hindi ako nawala before.
Nandito ako ngayon sa garden at pinagmamasdan ang anak ko habang magkalaro sila ni Klare. Gustuhin man pumunta nina David para maglaro ay hindi muna pumayag si Raine, namimihasa daw kasi si David. Kuwento niya sakin na minsan daw naglinis si David, nagwalis at nagmop, ito na din daw ang naghugas ng mga plato sa kagustuhang makita si Aciel.
Ganon na ganon din daw si David noon kay Asher na panganay ni Beatrixe. Inaasar na nga namin na sundan na si Majentha at mukhang sabik si David na kapatid na lalaki. Tumatawa lang si Davin habang nakasimangot ang asawa niya.
—
UMAMIN man si Daniel ay nagpatuloy ang investigation ni Xairuz sa nangyari. Binibisita din niya si Daphne ngunit hindi kinakausap si Daniella, he's livid every time that woman is around. Kaya as much as possible ay iniiwasan niya ito.
"Ito po ang CCTV Footage sa labas ng opisina ninyo noong araw na pumunta ang asawa ninyo" iniharap niya sakin ang laptop.
Wala si Beth sa pwesto niya, lumabas ito mula sa opisina ko at umalis. Ito siguro ay noong may iutos ako sa kanya. Nagspeed up hanggang sa naging normal ay dumating si Daniella na medyo iika-ikaw at dere-deretsong pumasok sa opisina ko. Matapos ay ilang sandali pa'y nakabalik na si Beth sa pwesto niya.
Pagkaraan ay dumating ang asawa ko na nakangiti at may dalang paper bag, kinausap sandali si Beth bago pumasok sa opisina ko. Nagspeed up ulit at bumalik sa normal nang umiiyak na lumabas ang asawa ko at tila tulala. Sinundan ito ni Beth at dumating si Daniel at pumasok sa opisina ko, pagkaraa'y lumabas din at umiiling, nagpunas din ng luha bago lugong-lugong umalis.
"Ito naman po ang footage sa loob ng opisina ninyo" nakalimutan ko noon na nagpalagay pala ako ng camera sa opisina ko, sobrang private nito hindi dahil sa may dinadala akong babae, kundi dahil sa business meetings na nagaganap sa loob ng opisina ko.
Nasa loob si Beth at may sinasabi ako sa kanya bago siya lumabas. Nang makalabas ito ay tumayo ako at pumunta sa kuwarto sa loob ng opisina ko kung saan ako nagpapahinga at natutulog. Dumating si Daniella at tila hinahanap ako sa loob nang buksan nito ang pinto ng kuwarto at pumasok.
Nakangiting pumasok sa opisina ko ang asawa ko, ibinaba ang paper bag sa table ko at nag-ikot sandali. Tingin dito at tingin doon nang lumapit siya sa kuwarto at sandaling namalagi doon bago umiiyak na lumabas at lumapit sa mesa ko. May isinulat doon at umiiyak na umalis.
Parang nawasak ang puso ko sa nakita ko.
Pumasok si Daniel at nagtungo din sa kuwarto bago bagsak ang balikat na lumabas, lumuluha din itong lumabas ng opisina ko.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomanceA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...