"WHAT THE HELL?" Singhal sa akin ni Raine. Nalaman niya ang nangyari sa opisina niya, ang pag-uusap namin ni Sarah at ang pagdating ni Daniella kasama ang anak daw namin.
On the other hand, Sarah can't still get over with the news that Daniella and Xairuz has a child. She anticipated it yet still not ready with the news bomb.
Nang makauwi siya ay nakita niya agad ang pinakamamahal niya. Her child, Aciel is playing with his toys.
"Madam." Bati sa kanya ni Klare, "Akala ko ho malalate kayo ng uwi."
Nginitian lang niya ito, "Akala ko nga rin." Sagot ko rito bago nilapitan ang anak.
"How's my baby?" She kissed him in the cheeks, making her son giggle in happiness.
"ANO? May anak ka na talaga? So tama ang nasa balita?" Usisa sakin nina Cheska at Sam, ngayon lang ako nagpakita at nagparamdam sa kanila after kong umalis at makabalik.
"May anak ako, oo pero hindi totoo ang nasa balita na nagdedate kami ni Kervin. That's incest you know." Irap ko sa dalawa bago sumimsim ng hot chocolate mula sa café ni Cheska, nakakamiss talaga.
"Magkapatid kayo o magpinsan?" Nakakalokang tanong ni Sam.
"Gaga, magkaibigan kami na sa sobrang magkaibigan namin para na kaming magkapatid." Iritableng sagot ko rito.
"Pero ang anak mo? Nasa'n ang cute na pamangkin namin?" Ungot naman ni Cheska sa akin.
Inilabas ko ang phone ko at inilahad sa kanila para makita nila ang pictures ni Aciel.
"Hoy gaga, ang gwapo ng anak mo. Hihintayin ko yan." Sabi ni Sam kaya naman binatukan namin siya pareho ni Cheska.
"Bruha ka talaga, kadiri ka hoy! Itatakwil kitang kaibigan! Ninang ka nyan!" Sigaw ko sa kanya.
"In fairness ha, ang gwapong bata, mana sa Tita Cheska." Buhat ni Cheska sa upuan niya.
"Nangangarap ka na naman ng gising." Irap ni Sam dito.
"Ang cutie talaga." Tila maging sila ay tuwang-tuwa sa anak ko.
"Sinong Ama?" Kuryoso at seryosong tanong ni Cheska sa akin, nag-aabang naman ng sagot si Sam mula sa'kin.
"Sino ba dapat ang Ama?"
"Ano ba kasing nangyari sa inyo at bigla kang nawala at naglaho na parang bula tapos ngayon babalik ka may chikiting ka na?" Usisa nila.
Hindi ako nakasagot.
Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa-kin kaya naman ng mag usap kami ni Xairuz noong nakaraan ay pilit kong tinatagan at nilaksan ang loob ko. Ipinakita kong kaya ko at masaya ako kahit hindi naman iyon ang totoo.
"Tameme ka." Pansin ni Cheska.
"Grabe naman kasi ang atake mong bruha ka." Sagot ko sa kanya.
Inirapan niya ako bago ibinaling ang atensyon sa mga papel na nasa harap namin, "Maayos akong nagtatanong, Sarah."
Muli kong inagaw ang phone ko mula kay Sam at hinanap ang ebidensya at muli itong iniharap sa kanila.
"See it yourself." Abot ko sa kanila at nagfocus sa pagsimsim ng hot chocolate ko at inaabangan ang magiging reaksyon nila.
"Dapak?" Sabay nilang angat sa'kin ng tingin.
"Hindi 'to Photoshop?" Tanong ni Sam sa akin.
"Sa tingin mo kaya kong iphotoshop ang picture na yan na umiiyak ako sa sakit?" Sarkastikong sagot ko dito.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomanceA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...