24

21 1 0
                                    

"XAIRUZ! Ano ba? Tara na, gutom na ako" sigaw na yaya sakin ni Carlo, pwedeng namang di sumigaw. Di ba siya makakakain kapag wala ako? Nasakin ba ang kutsara't tinidor?

"Matuto kang maghintay, Carlo. Masyado mong minamadali ang mga bagay-bagay"

Lumapit ito sakin at nakabusangot ang mukha, "Opo 'tay, tara na gutom na ako" hinaklit pa nito ang braso ko, ang kulit talaga.

"Bilisan mo na Xai, di ka tatantanan nyan" si Melvin na hinihintay kami sa may pinto. Bigla namang sumingit si Daniel, isa pa naming kaibigan.

"May chixx daw na transferee, bali-balita ngayon sa buong campus" napakababaero talaga kahit kailan, dinadamay pa kami.

"Hindi ako interesado! Gusto ko pagkain!" Ungot ni Carlo.

Dala ang camera ako nagpahatak na ako kay Carlo, paiyak na kasi, kawawa naman.

Part ako nang photography club at isang simpleng estudyante na ang gusto lang ay makapagtapos at makatulong sa kompanya namin. Minsan nga ay inaasar pa akong tagilid o baliko dahil kang sa wala akong girlfriend? Required ba? Hindi ako nainformed.

Tahimik kaming kumakain nang may ituro si Daniel samin, "Iyon yung transferee, ang ganda niya hindi ba?" Namamanghang tanong niya samin.

"Maganda nga, hindi kayo bagay" pabarang sagot ni Melvin.

Wala namang pakielam si Carlo na kumakain lang, sandali akong napatingin sa tinuro ni Daniel. Nakita ko si Daniella at ang isang babae.

Maganda at tila alon ng dagat ang buhok nito, wala sa sariling napatitig ako sa mga labi niya, ang ganda niyang ngumiti at tumawa. Ano kayang lasa ng labi niya? Stop Skai, nagmumukha kang manyak sa iniisip mo.

"Anong pangalan?" Biglang tanong ni Carlo na nakatingin na din pala sa babae habang may kinakain pa din.

"Sarah. Sarah Jane Montecillo" sagot ni Daniel. Kung pa'no niya nalaman ang pangalan, hindi namin alam.

Dala ang camera ay nag-iikot-ikot ako dahilnwala naman kaming prof nang mamataan ko ang isang babaeng bumihag sa aking paningin at ngayon ay pinalalakas ang pintig ng aking puso.

She's sitting under the tree while her eyes were close, like she's relaxing or sleeping. Seeing her relaxing and staring at her for a couple of minutes, I decided to took a picture of her. I may seem a stalker but I just wanted to see her face.

"A week from now ay may magaganap na contest among all members of photography club" balita ng photography club adviser namin.

"It's to take a picture of a breathtaking scenery and a little bit explanation why. We're going to hide your identity if you want it private, it's up to you. To those who's interested, kindly register your names or codenames if it's private. Thank you"

"Sumali ka? Well, palagi naman. So saan ang punta mo ngayon?" Tanong ni Carlo habang syempre, kumakain.

"Sumali, dito lang muna ako. Ayoko magtravel ngayon" I can find a beautiful scenery her, I just have to find it.

"Himala yan" Ani Melvin na busy sa phone niya habang kausap ang kapatid na babaeng si Angelique.

"Si Miss Transferee yun, hindi ba?" Turo ni Carlo sa babaeng kakapasok lang, naging bukambibig kasi ni Daniel ang babae.

"Hindi niya kasama si Daniella?" Tanong bigla ni Daniel samin. Aba malay namin, hindi namin close yan.

"In fairness, ang ganda niya 'no?" Oo, ang ganda niya talaga.

"May boyfriend na kaya yan?" Tanong ni Melvin, sinamaan ko siya nang tingin at kinunutan lang ako ng noo na para bang itinatanong sakin kung anong problema.

UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon