"MADAM Sarah." Bati ni Bianca sa akin. Nandito kami ngayon sa venue ng book launch ko, media and press is here.
"Kamusta ang lahat?" Tanong ko.
Nginitian niya ako, "Goods na lahat, madam." Sabay kindat sa akin na kahit papa'no ay ikinangiti ko.
"Si Sir Xairuz ba, pupunta?" Tanong ni Bianca.
Hindi ko alam, masyado rin siyang busy sa trabaho kaya't hindi na rin kami nagkikita sa banquet. Simula nang mangyari ang aksidenteng 'yon ay lumayo ang loob namin sa isa't isa, o sa akin lang 'yun?
"Sarah!" Sigaw ng isang lalaki.
Nakangiti akong nilapitan siya, "Mabuti naman at kahit sobrang busy mo ay nakapunta ka." Puna ko.
"Palalagpasin ko ba naman 'to? Alam mong malakas ka sa'kin e." He smiled.
"Salamat." Balik kong ngiti sa kanya.
"Nasa'n nga pala ang asawa mo? Gusto ko siyang makilala." Napatingin tingin ito sa paligid na tila ba hinahanap talaga ang asawa ko.
"Busy 'yon." Maikling sagot ko.
"Sarah! Ohmyghad!" Sigaw nang hindi kalayuan sa amin.
"I'm looking for you, you're here lang pala." Conyong imik nito.
Shianne Alejandro, nagkakilala kami sa New York at minsan ko itong inuturan magtagalog pero mukhang kailangan pa ng practice.
"Congratulations for your another book, for sure it'll be a huge success as always." She smiled at me.
"Thank you." Ngunit hindi ko namalayang nakatitig na pala si Kervin sa kaibigan ko. Shianne is really pretty, no wonder mukhang tinamaan si Kervin sa kaniya.
"Madam Sarah, excuse lang po saglit." Singit ni Bianca, "May naghahanap po sa inyo."
Dinala ako ni Bianca sa puwesto ng isang babaeng nakatalikod. Tinapik ko ito at pareho kaming napangiti nang humarap siya sa akin.
"You came." Ang tanging naimik ko out of shock, hindi ko inaasahang pupunta siya.
"Of course, supporting my co-writer."
"How's your love life, btw?" Tanong ko sa kanya.
Napangiti naman ito, is this a good sign?
"Still waiting." Nakangiting sagot niya.
"May I call on Mrs. Montecillo-Costillano here in front." Tawag na sa akin ng MC.
I got interviewed for my new book, even my marriage life is being interviewed.
"Tell us what is 'In the depth of the sea' means to you."
"'In the depth of the sea' is a novel that tackles about my hardships when I first started as a writer in New York. The struggles and even the simple achievements I got since I published my first ever book."
"How's marriage life, Mrs. Costillano? Are we hearing a christening soon?" Tanong ng isang journalist.
"Marriage life is doing well." Tanging sagot ko.
Magsasalita pa sana ang reporter ng makaramdam ako ng pagsusuka kaya't dali-dali akong pumunta sa comfort room.
"Okay ka lang, Madam Sarah?" Hindi ko alam na nakasunod pala sa akin si Bianca.
"Okay lang, salamat." Nanghihinang sagot ko.
"Nagkakagulo ba sa labas?" Dagdag ko pang tanong sa kanya.
"Hindi, Madam. Sinabi lang ni Ma'am Shianne na pagod ka sa pag-aasikaso ng libro mo kaya hindi maganda ang pakiramdam mo."
Salamat, Shianne.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomanceA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...
![UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/239545245-64-k727803.jpg)