CHAPTER 05
MINSANG nasa bench ako nang dumating si Daniella na may kasamang boylet, pinagpalit na niya crush niya? Bilis naman.
"Nandito ka lang palang gaga ka, kanina pa kita hinahanap dahil may chika ako sa'yo."
Pagod ko itong tinignan, nasa kalagitnaan kasi ako ng pagsusulat ko tapos sumulpot siyang parang kabute. "Ano naman 'yon?"
"Nahanap ko na si Cielo." Hinatak nito ang kasamang lalaki at iniharap sa akin. "Siya si Cielo."
Langit pero mukhang... nvm masama manghusga agad pero hindi ako kumbinsido na ito si Cielo, masyado akong judgemental na part na 'yon.
"Ako nga pala si Enrique Kharl Armenio." Inilahad nito ang kamay niya, tinignan ko ito bago kinamayan din pero hindi ko pinakilala ang sarili ko.
Ramdam kong may mali, hindi siya si Cielo.
"Anong pangalan mo?" Tiningnan ko ito at tila ba nahiya at nagkamot bigla sa ulo.
"Siya si Sarah Jane Montecillo." Sagot ni Daniella para sa akin, ay sumasapaw.
Sinabi nitong siya si Cielo na kumuha nang larawan ko noong nasa field ako, bakit hindi ko feel?
Hinayaan ko itong makipagpalit sa akin dahil na rin kasa-kasama ito ni Daniella baka mamaya maghisterical pa ang bruha dahil lang sa hindi napagbigyan, hindi ko rin alam na hinahanap niya si Cielo, tumigil na kasi ako sa paghahanap e.
"SARAH, puwede favor?" Malambing na imik ni Daniella, anong nangyari rito? Bakit ganito 'to? May sakit ba siya? Tiningnan ko ito at hinihintay umiik. "Puwede bang makipaglapit ka kay Xairuz tapos ibugaw mo ako sa kaniya?"
Loka-lokang babae 'to dinamay pa ako sa kagagahan niya. Hindi ako nambubugaw juskoo naman.
"Nababaliw ka na ba, Daniella? Bakit hindi ikaw mismo ang lumapit sa kaniya?"
"Irereject lang niya ako ihh." Nakapout na imik nito, hindi talaga bagay sa kaniya nagmumukha siyang itik.
"Sa tingin mo makikipagkaibigan sa akin 'yon? Tapos idadamay mo pa ako?" Umiling naman ito.
"Makikipag friends ka lang tapos ireto mo ako sa kaniya." Pagpupumilit pa nito.
Nababaliw na nga siya.
"Inumin mo gamot mo, girl ha? Tapos kumain ka rin at matulog sa tamang oras, tignan mo nababaliw ka na."
"Please, Sarah?" Pangit talaga ng pout niya.
"Huwag kang magpout diyan, hindi bagay sa'yo. Mukha kang itik. Makikipag friends ako? Sa kaniya? Tapos irereto kita?" Tumango-tango naman ito habang nakangiti sa akin, baliw.
"Gaga! Nababaliw ka na, sa tingin mo makikipagkaibigan sa akin 'yon?" Tumango naman ito, "Tanggapin mo na lang na sisteret ang crush mo and please huwag mo akong idamay sa kabaliwan mo."
"Ito lang, please? Kapag naireto mo na ako sa kaniya, ako na ang bahala. Please, Sarah?"
"Fine, I'll try pero I won't promise at ititigil mo na 'yang kahibangan mo sa taong wala namang nararamdaman ni katiting para sayo, nagmumukha kang katawa-tawa, desperada at uhaw sa lalaking wala namang pakielam sa'yo."
MissEKS: BARS BIJJ, TAMAAN SANA ANG DAPAT TAMAAN HIKHOK.
Dahil sa pakiusap ng baliw kong kaibigan ginawa ko, para lang tigilan na niya ako at ang kahibangan niya sa buhay dahil baka biglang magpakamatay 'to kapag hindi ko pinagbigyan.
NILAPITAN ko ang lalaking nakaupo sa bench na kinakalikot ang camera niya, in fairness guwapo naman talaga siya.
"Sarah." Nakangiti kong pakilala at iniabot ang kamay dito, mukha itong gulat pero kaagad ding itinago. Nginitian siya nito na nagpabilis sa tibok ng puso niya, mas guwapo ang binata kapag nakangiti.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomanceA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...