"SA'N kayo galing? Dalawang araw din kayong wala dito sa bahay" salubong ko sa mga kapatid ko at asawa nila, nasa mga kuwarto na din ang mga bata.
"Nagbonding lang, Kuya" sagot ni Raine sakin.
"At hindi niyo 'to sinabi sakin, dahil?" Kuryosong tanong ko, nakakatampong di nila ako sinama.
"Family bonding? Nagyaya ang mga bata kaya naman pumayag kami besides mabobored ka lang dun kasi wala kang family kaya di ka na namin sinama" sagot ni Claude sakin, namemersonal.
"Anong walang family?" Lumaki ang mga mata nilang tanong ko, si Davin nama ay natigilan sa pagsubo habang si Claude naman ay biglang nasamid.
Gulat ang nababasa ko sa mga mukha nila, "Okay lang kayo?" Tanong ko dito.
"Oo, Kuya. Ano nga palang ibig mong sabihin sa tanong mo?" Pilit ngumiti si Raine sakin.
"Family ko kayo, remember? Baka nakakalimutan niyong Kuya niyo ako?"
Natawa naman sila at tila nakahinga ng maluwag, "Pasensya na, Kuya. Mukha ka kasing busy sa trabaho mo" nakangusong sagot ni Raine sakin.
As if naman, kaya ko namang iset aside ang kahit ano para sa pamilya ko, para sa kanila.
"Next time isama niyo ako, ha? Kundi tatambakan ko talaga kayo ng paper works sa opisina" tila nagtatampong tugon ko at marahang tumawa pagkatapos.
[AKALA ko alam na ni Kuya, kinabahan ako, kami] dama ko ang pagpapanic sa boses ni Raine habang kausap ko siya sa phone.
[Nakakaloka talaga si Kuya, akala ko mabubuking na kami. By the way, kamusta ang cute kong pamangkin, ha?]
Natawa nama ako sa kanya, "Okay na okay si Aciel, ang himbing nga nung tulog niya, napagod din siguro sa byahe"
[Kailan ulit tayo, magkakasamang makakalabas?] Tanong ni Raine sakin.
"Hindi ko pa alam, maybe next time?"
[Okay, for sure hahanapin na naman ng mga bata si Aciel pagkagising nila]
"Goodnight"
[Goodnight din, Ate Sarah] with that, pinatay na namin ang call.
Tinitigan ko ang anak kong mahimbing na natutulog, grabe ang energy niya noong nasa Villa Ulap kami kaya ayan, bagsak ngayon.
Lumapit ako dito at hinalikan siya sa noo, "Sleep tight, baby Aciel" at natulog na din ako.
NANDITO ako ngayon sa 'The Bar' kasama si Sam while we're waiting for Cheska. Si Klare ang pinagbantay ko kay Aciel dahil na din sa mukhang gagabihin ako at sa paghihintay pa lang kay Cheska ubos na agad ang oras namin.
"Nandyan na pala ang gaga" sarkastikong saad ni Sam sa bagong dating.
"Sorry, I'm late" at naupo sa tabi ko, pinaggigitnaan ako ng dalawa.
"Nakakahiya. Kaya wala na talaga akong tiwala sa on the way mong gaga ka. It's been an hour simula nang sabihin mong 'OTW na', ano yun natraffic ka sa CR?" Bakas ang inis sa boses ni Sam.
"Sorry na, ito naman ang init ng ulo sakin. Huwag ka ngang ayaw eksena, ngayon na lang tayo ulit makalabas ng ganito eepal ka pa" irap ni Cheska dito.
"At dahil late ka, ikaw na bahala sa drinks namin" salansan ko.
Gulat naman itong napatingin sakin, kahit grabe ang tugtog ay nagkakarinigan pa din naman kami kahit papa'no.
"Lipat tayo sa VIP Place" aya ni Cheska samin. Nagningning naman ang mukha ni Sam.
"Sige, basta sagot mo. Mayaman ka naman"
"Nagsalita ang mahirap ha?" At dumeretso kami sa VIP Place ng The Bar.
BINABASA MO ANG
UNTIL I MAKE YOU MINE (CS #3) [COMPLETED]
RomanceA famous writer is married to a successful business bachelor. Is this even their love story? Or the writer herself is the antagonist in the story? What is the truth behind their story? Is this even a love story or not? What will happen if the hidden...