3

1K 68 52
                                    

"But I am your girlfriend, have you forgotten?"

Hindi ko pa rin makalimutan ang usapan namin kanina. She's crazy for claiming to be my girlfriend which is not.

I guess she's five foot seven. Naka-heels siya kagabi kaya mas lalo siyang naging matangkad. Grabe, hindi ko ma-imagine na sa maamo niyang mukha, gano'n pala siya mag-isip.

Swear, she's crazy. I don't have a girlfriend. I am way too focused on volleyball, and I don't know what to do. She told me that she will hit on me the next days. Ang sabi niya pa ay ipapaalala niya sa aking pangalagaan naman ang sarili ko.

I won't say that I am against it but. .  . I don't know. She's not my mother but I can't take the fact that she's just concern about me. Well, I saw that in her black pair of orbs.

I forced myself to sleep.

Just like what I was being told, the next day, she was there. At exactly 6 in the evening, she's with us, monitoring me. Argh! I can't focus if she will keep on doing it.

"Umuwi ka na," I said without giving a look. Katatapos lamang ng training namin at kasalukuyang naliligo na ang mga kasama ko. Nandito kami ngayon sa bench. Kasalukuyan ako ngayong ginagawa ang pag-receive ng bola. Ngayon ay hindi ko ginagamit ang pader.

"Bakit?" Muntikan nang magtama ang mga kilay ko.

Nailing ko. Natigil ako sa aking ginagawa; sinambot ko ang bola gamit ang aking kamay. "Hindi ko maintindihan kung bakit ka nandito. Ayoko man sabihin pero 'wag mo na akong alalahanin."

Saka ko lamang siya nilingon. Pinagkatitigan ko siya at halos mapapitlag ako nang makitang nasasaktan siya. Pero mabilis na nagbago ang kaniyang emosyon.

"Look, I don't even know your name." Nag-iwas ako ng tingin.

I heard her chuckled. "Well, I am Meg, your girlfriend, okay? Bakit nga ba nakalimutan mo na?"

Ako naman ang napatawa. "Ewan ko sa 'yo. Hindi kita maintindihan. Wala akong girlfriend, okay? Isa pa ay hindi kita makilala."

Ang manipis ngunit mapupulang labi niya ay mas lalong naidepina nang manginig ang mga ito. She's on the verge of crying but she's refraining herself to do so.

"Hindi mo ako makilala, ah? How come, Trish?" And he called me by that name. "How come you forgot about me that easy?"

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko malabanan ang tingin niya.

"Hindi naman kita makakalimutan kung kilala talaga kita."

Natahimik siya. Nang makalipas ang ilang segundo at hindi siya magsalita ay saka ko lamang siya nilingon. She's staring at me.

"Isang buwan pa lang ang nakalilipas magmula noong umalis ako tapos nakalimutan mo na ako kaagad? Bakit gano'n na lang kabilis na makalimutan mo ako?" She started to cry and God knows how I don't want to see people especially girls, crying.

I heaved a deep sigh.

"Alright, Meg, I will let you do what you want to do but please, don't consider yourself as my girlfriend, okay? I don't have one."

"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala?" Nagmamaktol ang boses niya, kulang na lamang ay magpapadyak siya sa sahig. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.

"Fine! Think what you think and think about what makes you happy but please take these words. I don't know you and you are not my girlfriend. Baka kamukha ko lang ang sinasabi mo. Sige na, maliligo na ako. Ingat ka sa pag-uwi."

Hindi ko na siya pinasagot pa. Dumiretso na ako sa locker room para kuhanin ang tuwalya ko. Saka ako dumiretso sa shower room. Tsk! Nasayang ang oras ko sa kaniya, hindi tuloy ako nakapag-practice.

Araw ng Sabado ng mapagpasiyahan naming agahan ang practice para makapag-dinner sa isang fast food chain.

"Wow, hindi ka naman naninibago?"

Nailing na lamang ako dahil sa sinabing iyon ni Josh. Himala raw kasing hindi ako magbababad sa court ngayon at sasama sa kanila. Hindi nila alam na iniiwasan ko lang si Meg.

"Gago," natatawang sagot ko. "Nagugutom na rin kasi ako eh." Nagdahilan na lamang ako.

"Ayos 'yan. Magpahinga ka rin naman, baka mapaano ka pa sa sobrang kaka-practice mo niyan at sa halip na mag-champion tayo ay malaglag tayo sa pinakababa."

I already think of that possibility. Pero hindi gano'n ang mindset ko. Hindi ko naman kasi hahayaan na ma-injure ako o ano. Ayaw kong masayang ang pinagpaguran ko at isa pa ay para sa akin, training is what will make us win. We were doing that, yes, but I am overdoing the training.

Hindi ko namalayan na nasa isang fast food chain na pala kami. Mayroon na ring pagkain sa ibabaw ng lamesa.

May isang large hawaiian pizza sa ibabaw at may iced tea na nakasalin na sa baso. Kinuha ko ang basong nakatapat sa akin at saka itinapat ang labi ko roon para uminom.

The place is good. The ambiance of the little yellow lights on the ceiling makes the foods more satisfying. I am savoring the atmosphere when coach Renz spill the words that reciprocate the feeling I am having.

"Tinawagan ko si Meg, inaya ko rin kasi silang pumunta rito para mai-treat sana dahil sa pakikipaglaro nila sa atin."

Halos maibuga ko ang ininom ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lamang at napigilan ko at hindi nila napansin. I started to feel discomfort. I don't wanna see Meg. No reason, I just don't want. But destiny is a whore, making me feel uncomfortable about the thought of her, coming.

Nagpatuloy sa pagsasalita si coach. Nakinig lamang kami sa kaniya.

"Kasama ni Meg ang mga nakalaro n'yo, at oo nga pala. Baka isipin n'yo kung bakit siya ang kasama noon ng mga nakalaban n'yo at hindi ang coach nila. Iyon ay dahil may pinuntahan si Benson kaya siya muna ang pinapunta. Magkapatid sila."

Mas lalo akong nawala sa ulirat. Tumayo ako at saka nagpaalam sa kanilang pupunta munang banyo. They don't know what happened that night. Maaga kasi silang umuwi at medyo nahuli ako ulit at hangga't maaari ay ayaw kong ipaalam sa kanila ang tungkol doon.

Gusto ko na lang biglang tumakas at iwanan sila pero makakabastos iyon.

Pagkarating sa cubicle ay umihi sa urinal. Pagkatapos ay saka ako nagpunta sa lababo at naghinaw ng kamay. Pinagkatitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Parang tanga kong kinausap ang aking sarili. "Bakit nga ba ayaw mo siyang makita, Trishtan? Bakit nga ba ayaw mong mapalapit sa kaniya at bakit ayaw mong tanggapin na girlfriend mo siya?"

Nailing ako. Nasabunutan ko ang aking sarili. Kung ano-ano ang iniisip ko at hindi dapat ito mangyayari. Volleyball muna bago ang ibang bagay at mga priority muna ang unahin bago ang iba.

"Bakit nga ba, Trishtan? Bakit nga ba ayaw mo akong makita?"

SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon