"Wanna join us?"
We just ate the food we ordered online. She's done massaging me, too, and it feels good. She really has a gifted hand. Ang galing gumalaw ng kamay niya; hindi lang sa pagmamasahe kundi sa iba ring bagay.
As usual, nakahiga lang kami sa kama.
"Saan?"
"Coach texted me. We will have a night out together with the whole team. Siguro ay pupunta kami ulit doon sa usual spot namin. Doon sa pizza hut."
It's already 6 in the evening.
"Ahh, okay," napatatangong aniya. "Hindi na, ikaw na lang. Masiyado na akong nanghihimasok sa ginagawa mo." Napatawa pa siya.
"Are you sure? Wala kang makakasama rito."
Tumango siya. "Ite-text ko na lang ang bestfriend ko at saka baka matulog na lang ako."
"Gusto mo bang huwag na lang ako pumunta?" I suggested but she refused.
"Hindi na. Pumunta ka na roon sa night out ninyo basta 'wag kang magpapagabi, okay?"
I nodded. Labag man sa kalooban ko ay kailangan ko muna siyang iwan mag-isa rito at puntahan ang mga kasama ko. Nakahihiya rin kasi sa kanila kung hindi ako makakapunta.
Nagsuot lamang ako ng isang plain white shirt at saka pants. Naroon na sila pakakarating ko. Hindi na sila naka-jersey at kapwa mga naka-T-shirt na. Sinalubong nila ako ng mapang-asar na tingin.
"Ikaw, Trishtan, ah? Pagkatapos ng game ay bigla na lang kayong nawala ni Meg. Anong ginawa ninyo, ah?" Si Elmer iyon. Suot niya ang nakangisi niyang mukha.
Naalala kong nakita niya nga pala kami ni Meg noon. Dito rin sa lugar kung nasaan kami ngayon.
"Kung ano-anong naiisip mo."
Naiiling akong naupo sa tabi ni Josh. Inilibot ko ang paningin ko. "Nasaan si coach?" tanong ko.
"May pinuntahan lang, babalik din daw siya kaagad."
Tumango ako. Nagtanong lamang ako pero nakita ko kanina si coach na may kasamang lalaki at magkausap sila. I thought they knew who he is but I guess they don't.
I kept my mouth shut until coach Renz arrived. We greeted each other.
We started eating with a little exchange of coversation.
"So, bakit nga ba wala ka yata sa sarili mo kanina, Trishtan? Nawala lang si Meg bigla ay nawala na rin ang laro mo," ani Jerome. Isa rin siyang open spiker katulad ko. "May relasyon kayo ni Meg, 'no?"
Napatungo ako. Now I am on the hot seat. Argh! I don't want to talk about her but I have no choice but to answer.
"Don't tell us she's your girlfriend? Samantalang noong una ay tila hindi mo siya kilala?"
Mas lalong hindi ako nakaimik dahil sa tanong ni Arjo, middle blocker ng team. I heaved a rough and deep sigh. "She's my girlfriend. . . and I have my reasons why I did that to her that time."
"Oh," mahabang litanya nila, hindi inaasahan ang sinabi ko. They only know a few about me, that's why.
I stopped myself from getting mad. I don't wanna cause nor initiate a fight. They're not invading my privacy, they only asked me but I don't know why I got mad. Nawala ako sa mood. Geez.
Nakikitawa na lamang ako nang pilit sa kanila kapag natatawa sila. . . kahit hindi ko naman alam kung anong pinag-uusapan nila. All I want now is to go out and leave them. I wanna see Meg already.
I ate a pizza to ease my frustration. I added a hot sauce in it. Tsk. I remembered that time when I used hot sauce as an excuse. I knew that they know that was a lipstick. They are guys but they aren't naive about it.
Isang oras din mahigit kaming nanatili roon bago napagpasiyahang umuwi. Hindi ko inaasahan ang ginawa sa akin ni Elmer. Nasa labas na kami nang inakbayan niya ako at saka ako binulungan.
"Whatever reason you have when you did that, you have to face the consequences of not telling her early. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Trishtan."
Hindi ako kaagad nakapag-react. He knows somethings. "D-Don't you dare tell her, Elmer. Hindi mo gugustuhing magalit ako."
He shrugged his shoulder. Naglakad na siya patungo sa sasakyan pero sumagot siya patalikod.
"Kaunti lang ang alam ko, Trishtan. And yes, I won't say anything unless I am asked." He then waved his hand and entered his car.
Laglag ang balikat na pumasok ako sa kotse. Hindi ako kaagad nakaalis, nanatili lamang ako sa loob. Hinintay ko pang manumbalik sa normal ang nanginginig na kamay ko bago ako nagsimulang magmaneho pauwi.
Huminga muna ako nang malalim nang makarating ako sa tapat ng pinto ng condo. Ipinahinga ko ang aking utak at saka pinabagal ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Saka ko pinindot ang lock para makapasok. Inabutan ko si Meg na nakaupo sa kama at nagsusuklay ng kaniyang bagsak na buhok.
Napatingin siya sa gawi ko. Her face smiled. "How's the night out?"
Ibinagsak ko ang susi ng sasakyan sa lamesa. "It was okay." Of course, I was lying when I said that. I didn't even make it to meet her eyes. I am afraid she could read the real feelings I have now.
Itinuon ko ang pareho kong kamay sa lamesa. Finally, I Iooked at her.
"Oh, that's good, and before I forgot, I texted Jessica earlier."
Napatango ako. "'Yong bestfriend mo?"
She nodded. "Hmm. Buntis pala siya," aniya.
Napapitlag ako. "Oh?" Hindi ako makapaniwala.
"Yes. Nagulat nga ako kasi medyo malaki na ang tiyan niya nang mag-send siya ng picture sa akin sa Instagram. Dalawang buwan pala bago ako umalis ay buntis na siya. Hindi niya naman nasabi sa akin dahil late niya na rin nalaman."
"Ahh. Okay." I don't know what to answer.
She tsked. "Are you out of your mind? Nagkukuwento ako rito e tapos ganiyan ang sagot mo!"
Ibinato niya sa akin ang hawak na pink na suklay na nasambot ko naman.
I chuckled, at least. Ang inis ko ay unti-unting nawawala dahil sa kaniya. "Ano ka ba? I don't know what to react, okay? I am a guy so I know only few about that. . . besides, I am not gossiper."
Hindi ko na napigilan ang mapatawa nang bumusangot ang mukha niya. Ayaw niya ng gano'n e, gusto niya ay attentive ako kapag may sinasabi siya.
"Sinasabi mo bang tsismosa ako?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. I shrugged my shoulder.
"Wala akong sinasabi." I grimaced.
"Ewan ko sa 'yo." Narinig ko pa ang reklamo niya bago ako magtungo sa direksyon ng ref at kumuha ng tubig. "Pero may tanong ako, Trish."
"Ano 'yon?" I asked while drinking my water in a tumbler.
"Kapag naging mag-asawa tayo, ilan ang gusto mong anak?"
Nagtungo ang kamay ko sa baba ko; nag-iisip ng sagot. "Hmm. Depende sa 'yo."
Inirapan niya lamang ako. "Ikaw nga ang tinatanong ko e!"
Natatawa akong lumapit sa kaniya at saka itinapat ang bibig sa tainga niya. Ibinulong ko sa kaniya ang aking sagot. "Kapag ba sinabi kong gusto kong bumuo ng isang buong volleyball team tapos isang taon lang ang pagitan. . . pagbibigyan mo ba ako?"
Nahampas niya ako sa balikat kaya mabilis akong napahawak doon. "Grabe ka! Anong alala mo sa akin, makina?" Muli niya akong hinampas. Natatawa na lamang akong nahiga.
"Kahit dalawa lang, Meg, okay na ako basta ikaw ang ina ng mga magiging anak ko."
BINABASA MO ANG
SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)
General FictionWARNING: R-18 Trishtan Turner, a volleyball varsity player who plays for his school is an absolute optimist. He's too obsessed with volleyball. He only wants to win to the point he didn't think about his body anymore. Not until a girl intruded his...