This is it. Championship day arrived yet I am not in the mood to get up. This is my most awaited day. . . but I feel like not attending.
Panghapon pa naman ang laro namin pero todo na ang text sa akin ng mga ka-team ko. Even coach Renz kept on asking for my whereabouts. I never reply to their messages.It's 10 in the morning yet I am still on my bed wearing my white boxer shorts only. Wala naman akong kasama kaya okay lang na maghubad ako.
Naalala ko si Meg. May kasunduan kami kaya kailangan kong um-attend sa laro namin.
Malalim akong napabuntong-hininga at saka bumangon. Mabigat ang katawan na nagtungo ako sa ref at saka kumuha ng tubig. Tumingin din ako ng pwedeng makain pero wala na. Naubos na ang stocks ko.
Ang tanging naroon na lamang sa ibabaw ng ref ay ang mga de latang pagkain. Dumiretso ako sa kusina at saka nagsaing sa rice cooker.
Pagkatapos ay saka ako naligo. Saktong pagkalabas ko naman ay luto na rin ang sinaing ko kaya hinugot ko na rin sa pagkakasaksak.
Sa tagal ko ba naman sa banyo, malamang na luto na iyon paglabas ko.
Kumain lamang ako pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit. Kinuha ko ang itim kong bag pack at saka lumabas at dumiretso sa school.
"Mabuti naman at dumating ka, Trishtan! Akala ko ay wala ka nang balak pumasok e!"
Ang boses ni coach na nagpapangaral ang sumalubong sa akin pagkarating ko pero wala akong pakialam.
Pero humingi pa rin ako ng pasensya. "Sorry, coach."
Alam na nilang wala ako sa mood at may pinagdadaanan ako. Ibinaba ko lamang ang gamit ko sa monoblock at saka sumama sa nakapalibot kong team. Nagmi-meeting kasi sila pagkarating ko.
Wala nang sumita sa akin. Nakinig ako sa meeting dahil nagbibigay ng instructions si coach para sa laro namin mamaya pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Alam ko naman na hindi dapat dalahin ang problema sa laro pero hindi ko mapigilang isipin kung ano na lang ang mangyayari sa akin kapag hindi nagpakita si Meg.
Until the game started. Though I am not in myself, I am still one of the starters. Yes, ganoon kalaki ang tiwala nila sa akin na ayaw ko naman sanang biguin ang kaso nga lang ay wala akong magawa. Kapalaran na yatang matalo kami dahil halos nasa forty sets na ang naibigay sa akin ni Josh pero iilan lamang ang nai-convert ko sa puntos.
Gusto ko sanang idahilan na magaling lang talaga ang kalaban pero hindi. Wala talaga ako sa sarili ko kaya hindi ko maibaon ang palo ko. Madalas pa akong ma-block ng lalaban namin kaya mas lalo akong nainis.
Wala si Meg. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng inspirasyon para maglaro nang maayos. Wala naman sanang problema kung mas maraming cheerer ang kalaban namin kasi sinanay na kami sa ganoon. Na kapag wala kaming cheerer, hindi ibig sabihin noon ay hindi na kami mananalo. Hindi naman kasi cheerer ang maglalaro kundi kami.
"Ano na, guys? Gusto n'yo pa bang maglaro? Ano, Trishtan? Anong nangyayari sa 'yo at hindi ka makapuntos?"
"Sorry, coach." Wala akong magawa kundi ang humingi ng pasensya.
Katatapos lamang ng second set. 25-19 ang score. Kaya namang manalo, wala lang ako sa huwisyo.
"Babawi ako, coach." Kahit walang kasiguraduhan ay iyon na lamang ang sinabi ko.
Nakita ko ang pag-iling niya. Disappointed siya sa akin. Tsk. We are disappointed with each other.
"Okay. This will be our game plan. Josh, tingnan mo muna ang positioning ng kalaban bago ka mag-set, okay? Trishtan, bilisan mo ang pagkilos. Hangga't maaari ay pumasok ka palagi sa gitna para makagawa kayo ng play. Elmer, gano'n ka rin, ibig sabihin ay triple combination ang gagawin natin," pagbibigay niya ng instructions.
BINABASA MO ANG
SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)
Narrativa generaleWARNING: R-18 Trishtan Turner, a volleyball varsity player who plays for his school is an absolute optimist. He's too obsessed with volleyball. He only wants to win to the point he didn't think about his body anymore. Not until a girl intruded his...