6

678 51 11
                                    

"Okay, that would be all for today's training."

Coach Renz's voice with a clap could be heard in the gymnasium. My teammates sighed in relief. They are all tired, I knew it. Next week na ang first game namin kaya medyo matagal nang kaunti ang training namin ngayon.

Naupo ako sa sahig. Itinuon ko ang dalawang kamay sa likuran ko at saka hinintay na umayos ang paghinga ko.

Everyone did their cool down; that's to make sure their body won't hurt. Tho body pain could be felt only on the first three days of training. Nangyayari lang iyon kapag naninibago ang katawan sa training, especially kapag matagal nang hindi nakapag-training.

For me, what makes the body hurt at first is the warm-up and such. Especially the shuffle. Ang sakit sa binti pagkatapos.

Kasalukuyan akong nagpapahinga nang lapitan ako ni Meg; tinupad niya ang sinabi niya kaninang pupunta siya rito sa training namin.

Nakasuot siya ng maong short na maikli pero hindi naman iyong sobrang ikli na sa sobrang ikli ay mababastos na. Tumaas ang tingin ko sa kaniya. Saka ko lamang napagtantong nakaputi siyang sando at hawak na niya ang kulay puti kong bimpo.

Naupo siya sa tabi ko. Napaayos ako ng tayo nang simulan niyang punasan ang pawis na tumutulo sa noo ko. Ang sweet niya. . . pero hindi ko kailangan ng sweet ngayon.

"Ako na." Kukuhanin ko sana sa kaniya ang tuwalyang hawak niya pero ayaw niyang ibigay. I tsked.

"Hayaan mo na ako. Ganito rin naman ang ginagawa ko sa iyo dati, bakit naninibago ka pa?" Nailing pa siya.

Nag-iwas naman ako ng tingin. Hindi ko na siya pinigilan kaya ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

"May hihilingin sana ako sa 'yo." Mayamaya pa ay sabi niya. Saka ko lamang siya nilingon. Hindi ko inaasahan ngunit nagtagpo ang paningin namin. . . at natigil doon ang paningin ko.

Hindi ko malaman kung anong emosyon ang mayroon sa kaniyang mga mata. Halo-halo iyon. I can't explain. There was pain, happiness, longingness, and others but the superior was tiredness.

I averted my gaze. I looked at the net in the middle of the court. My teammates are all done. Sure, they're in the shower room.

They left us here. . . alone, not thinking of what we can do. Argh. I shouldn't think that way. I will never do that thing in public.

"What is it?" I asked.

Her sigh was heard. "Since you forgot about me. . . can you let me do this— I mean, pwede bang gawin ko sa 'yo ang mga bagay na ginagawa ng isang girlfriend? Gusto ko sanang iparamdam sa 'yo na kahit nakalimutan mo ako ay narito pa rin ako para sa 'yo. Na mayroong isang taong ang gusto lang ay ang makabubuti sa 'yo."

I was reprehended. I can't help but stay silent; I don't know what to speak nor react. Ilang minutong katahimikan ang namayani.

Nang wala na siyang sabihin ay tumayo na ako. Iniabot ko sa kaniya ang aming kamay; tutulungan ko siyang makatayo.

Ang mga labi niya ay nangibot. Pero kahit pa gano'n ay inabot niya ang kamay ko. Nang makatayo siya ay saka ko siya muling hinarap.

Kinuha ko ang pareho niyang kamay. I looked at her sad eyes. "Do what makes you happy. I won't stop you anymore but please don't do such things."

She smiled weakly; I can feel her pain. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Baka sakaling maibsan ang nararamdaman niya.

"I have no intention to hurt you. I just don't know you but for sure. . . I will let you do what you want to do."

I felt it when she hugged me back. She sobbed in my chest as I comforted her.

Days had passed. Finally, the game is yet to come. Nangangati na ang kamay kong dumepensa at pumalo ng bola. Sa wakas ay makikita ko na kung may napuntahan ba ang training na ginawa ko.

Sabado ngayon at siyempre, walang pasok bukas.

Today's last day of training. She's here, she was always present every training tho. She made sure of my safety. She was holding her words; she thinks of my safety.

"Okay, guys. This is our last night of training. After this, pahinga na muna tayo. Kailangan natin mag-ingat, okay?" paalala sa amin ni coach Renz. He has his coaching board in his right hand.

"Yes, coach!" we answered in unity.

"Proceed," he commanded.

We went inside the court. Of course, we are divided into two teams. Just like the usual set-up; to hone our connections.

"Go, Trish!"

In an instance, I averted my gaze to her. She's always like this, cheering me form the bench. Nailing na lamang ako. The game started. The setter of our opponent started serving.

Frontline ako ngayon pero inihanda ko ang sarili ko para sa bolang paparating. I lowered my legs and positioned my hands in front. I saw where the ball will go the moment the server did his service. Mabilis kong sinundan ang bola at nag-side step pakanan. Saka ko tinapatan ang bola.

Smooth. I received the ball properly, making it go up to the setter's position. Kumaliwa ako patalikod. Mabilis kong inihakbang ang aking paa para sa aking approach. I just did the full swing. Hindi ko binitiwan ang tingin sa bola hanggang sa iangat ito ni Josh patungo sa direksyon ko.

Saktong-sakto ang bola dahil sa nasa ibabaw ako nito. The blockers didn't anticipate the play. The middle blocker didn't able to block me. Only the opposite spiker left. And one blocker is not
enough to stop my hit.

I could hear the sound of the ball when it hit the floor. I smiled. First point from me.

Hindi ko napigilang mapangiti nang marinig ang cheer ni Meg. Argh! Nasasanay na ako sa kaniya at hindi iyon maganda.

Nagpatuloy ang aming paglalaro. Maayos naman ang daloy ngunit may nangyaring hindi inaasahan. I was approaching when I slipped my right foot making me stumble on the floor. Mabilis akong napahawak sa aking kaliwang paa dahil sa sakit.

Parang mapuputol ang paa ko. Hindi ko napigilang mapasigaw. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid ko.

Gusto kong maiyak pero wala iyong magagawa. Bumalik lang ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni coach at ang boses ni Meg na nag-aalala. Inalalayan ako ni Meg para makaayos ng tayo. Inihilig niya ang ulo ko sa kaniya.

Ang mga kasama ko ay nakapalibot sa amin at hindi alam ang gagawin.

May ginawa si coach sa paa ko pero hindi ko alam kung ano. Tanging pagngiwi lamang ang nagagawa ko.

Unti-unting nawala ang sakit.

"Are you okay? Does it still hurts?" Meg asked with full of sincerity.

Kahit medyo kumikirot ay tumango ako. Alam kong marami na namang pumapasok sa isip niya pero mas marami ang sa akin. Nangunguna na roon ay kung makakalaro pa ba ako dahil sa nangyaring ito.

"Hindi ka na maglalaro ngayon. Umuwi ka na muna."

"No," iling ko. "Hindi ako pwedeng umuwi. Hindi pwedeng malaman nina Mom and Dad and nangyari."

"Sa condo mo na lang," suggest niya.

Tumango ako. "Sige."

SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon