Mabilis pa sa alas kuwatro ang naging paglingon ko sa direksyon ng pinto sa kaliwa ko. Sa likuran ko kasi nakapwesto ang tatlong cubicle. Sa kanan ko naman ay dingding na may puting pintura.
Hindi na ako nagulat nang makita ko ang mukha ni Meg. Nakasuot siya ng kulay pulang dress na mayroong laso sa medyo itaas ng baywang. Mayroon ding pabilog na telang nakapulupot sa kaniyang leeg. Collar ata iyon.
"Palagi ka na lang pumapasok sa banyo ng mga lalaki. Hindi ka man lang kumakatok," sambit ko at saka tinuyo ang kamay gamit ang aking dalang kulay puting bimpo.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Trish."
"Stop calling me that way. Only my family and relatives are calling me with that name."
"I told you, I am your girlfriend. Nagka-amnesia ka ba at nagkakaganiyan ka sa akin?"
Nailing na lamang ako at saka nag-iwas ng tingin. "Hindi ko alam kung baliw ka o nababaliw ka na. You kept on telling me that you are my girlfriend even though I already told you I am not. Sa ginagawa mong 'yan ay baka masaktan ka lang. . . at ayaw kong mangyari iyon sa 'yo."
Lalampasan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.
"Masasaktan?"
Napalingon akong muli sa kaniya. "Oo, hindi ba?"
"Hindi mo yata alam na nasasaktan na ako ngayon dahil hindi mo ako maalala. Alam mo bang ilang araw na akong nag-iisip kung bakit hindi mo ako maalala? Malamang hindi." Sinagot niya rin ang tanong niya.
Nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata. Kaunti na lamang at tutulo na ang mga iyon sa pisngi niyang may make-up.
"Ano bang nagawa ko para kalimutan mo ako? Sa pagkakaalam ko ay okay naman tayo at nagkasundo naman tayo noon na kailangan ko munang pumuntang U.S dahil namatay ang lola ko, 'di ba? Okay tayo noon pero bakit ngayon ay tila hindi mo na ako kilala?"
At tuluyan nang tumulo ang mga luha niya pababa sa pisngi. Naghurumentado ang aking dibdib, hindi mapakali at hindi alam kung ano ang gagawin.
Mabilis akong lumapit patungo sa kaniya. Wala sa sariling niyakap ko siya; iyon ang unang sumagi sa isipan ko. Hindi ko gustong makakita ng babaeng umiiyak at nang makita ko siyang umiiyak, dobleng kirot ang naramdaman ko.
Kusang gumapang ang kamay ko patungo sa likuran ng kaniyang ulo kasabay ng labi ko sa kaniyang noo. I kissed her forehead. Not minding the place or anything, I just want to comfort her.
"It's okay, Meg. I may not know you but at least, now, I know you."
Ang paghikbi niya ay mas naging matunog. Ang tibok ng puso niya ay nararamdaman ko.
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya.
Her hug was warm. It was killing all the coldness inside my body.I looked at her eyes. "Hindi mo kailangang ipamukha sa akin na girlfriend kita, Meg. You don't need to push yourself too much on me. We can be friends if you want to but not this. I don't like this set-up of you claiming to be my girlfriend even if you know you are not."
Nag-iwas siya ng tingin. Her eyes looked swollen as little of her make-up faded. She shook her head.
"You really don't remember me, do you?" Even her voice was sad. Seems like she's in the middle of full chaos. She's hurt badly, I knew it. It's just that she will be hurt more than what she's feeling right now if she keeps on doing what she's doing.
There's no way for her to be my girlfriend. I will just give her more burden and that's the last thing I want to do.
"I'm sorry, but I really don't remember you. Just stop, please, Meg. Just stop what you—"
I am interrupted when her lips pressed mine. The taste of her lipstick was perceived. I didn't move— I don't know what to do.
She started to move. Her both hands were cupping my face as my hands down— still don't know what to react. Nabibigla ako at hindi ko alam kung sasabay ako sa paggalaw ng labi niya.
Saka lang ako natauhan nang may marinig akong sigaw mula sa likuran.
"Go, get a room, guys!"
In an instance, I stopped the kiss. Ako ang lalaki pero parang ako pa ang may ayaw sa halik na iyon— no! Hindi ko gusto ang ginawa niya. Again, I am not gay. It's just that what she did was very inappropriate for a girl to do a move like that. Not even considering the place.
Nakangisi si Elmer nang lingunin ko siya. "What did you see?"
The smirk widened. Mas lalo akong nainis. Alam ko, nakita niya ang ginawa namin. Sure ako roon. Nakatatanga rin naman kasi ang tanong ko.
He shrugged his shoulder, acting like he doesn't know anything.
"Lumabas na kayo, baka kung ano pa ang magawa n'yo rito. Hinahanap na rin kayo roon ng mga kasama natin." Seryoso siya ngunit natatawa. Ewan ko, ang gulo niya masiyado.
Nailing na lamang ako. I went outside, I never look at her. I can't look at her, tho.
"Oh, bakit ang tagal mo naman yatang magbanyo?" Josh asked after the sip of his iced tea. Magkatapat kami sa lamesa. Pa-rectangle kasi ang lamesang mayroon kami. Bale apat na lamesa ang na-occupy namin at ang kasama ko ay si Josh, Vince, Jay-Jay, Aivan, at si Elmer na nasa banyo ngayon. Si Meg? Hindi ko alam kung saan nakapwesto.
"W-Wala." Humalumbaba ako sa lamesa. Napanguso ako nang muli kong maisip ang nangyari kanina. Her lip's taste was good. Argh! Crap that, I shouldn't think of her and I should stop thinking about her. Especially that kiss.
"I see." He continued eating his pizza. Ako naman ay nanatiling nakanguso. Wala akong ganang kumain.
Nailing ako at hindi siya pinansin. Nasa corner ako kaya sumandal ako sa pader at saka bumaling sa kanan ko. Doon ko nakita si Meg na nakatingin din sa akin. Ang emosyon ng mga mata niya ay ganoon pa rin. Malungkot pa rin.
Nag-iwas ako ng tingin at saka napatungo na lamang.
Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang bungisngis ni Josh. "Ano?" Kahit wala naman siyang ginagawa ay naiinis ako.
"Ano 'yang nasa labi mo?"
Nanlaki ang mata ko pero mabilis akong naka-recover. "Ha?"
"Ha? Hakdog." Natawa naman siya sa kaniyang nagawa. Napangiwi ako. Walang kwentang joke. Laugh my ass out. Note the sarcasm.
"Gago," iling ko.
"Pero seryoso, Trishtan. Ano 'yang nasa labi mo? Lipstick ba 'yan?"
Tila may nangabayo sa dibdib ko. Ang mabilis na pagpintig ng puso ko ay mas lalo akong pinakaba. Mabilis kong pinahid ang labi ko gamit ang likuran ng palad ko.
Nakita kong may bakas nga roon ng lipstick. Argh! I need to think of a reason.
"Ahh." Wala akong maisip! "Hot sauce lang 'to. Kung ano-anong iniisip mo."
At saka ko kinuha ang bag ko. Mabilis akong tumayo. Ayoko na rito, mas mabuting umuwi na lang ako.
"Mauna na ako, may dinner pa pala kami nina Mama at Papa. Pakisabi na lang kay coach."
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Dumiretso na ako kaagad palabas.
"Oh, pasaan iyon? Uuwi na kaagad?" Narinig ko pa ang boses ni Elmer pero hindi na ako lumingon pa. Kapag tiningnan ko pa siya ay mas lalo lamang akong maiinis.
Dumiretso na ako pauwi.
BINABASA MO ANG
SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)
General FictionWARNING: R-18 Trishtan Turner, a volleyball varsity player who plays for his school is an absolute optimist. He's too obsessed with volleyball. He only wants to win to the point he didn't think about his body anymore. Not until a girl intruded his...